FUCHSIA KARMA P.O.V
"Grabe!! Naubos mo talaga?!"gulat na tanong niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Siraulo ka talaga ano?"singhal ko sa kanya.
"Joke lang hahahaha. Kailangan mo talagang ubusin yan dahil bawal magtira."ika niya.
Ininom ko na ang Iced Caramel Macchiato. Halos masuka suka na ako sa dami ng binili ni Diablo na Blueberry Cheesecake at Black Forest. Hayop!
*brrrrruuuuupppp*
Halos mapatakip ako sa bibig ko dahil sa lakas ng dighay ko. Napatingin samin ang ibang tao dito kaya napasapo ako sa noo. Napatayo ako at lumabas na dahil sa kahihiyan. Tangina.
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!! BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"sobrang lakas ng tawa ni Diablo habang hinahabol ako. Napahinto ako sinamaan siya ng tingin.
Palong palo!
"Grabe--- HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA! N-nakakahiya ka HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! ANG LAKAS NG DIGHAY MO KARMA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"halos mapaupo na si Diablo sa lupa at nakahawak pa ang kamay niya sa tiyan niya. Nagpupunas ang isang kamay niya ng luha dahil sa kakatawa niya.
"Manahimik ka nga! Ang O.A mo!"inis na bulyaw ko sa kanya. Pero bingi ata siya dahil tawa padin siya ng tawa.
"Tatayo ka jan o tatadyakan kita?"babala ko sa kanya. Tumigil siya kakatawa at huminga ng malalim.
"Tara na hahahaha."sabi niya at tumawa na naman. Naglakad na siya sa sasakyan niya at pumasok. Sumunod naman na ako at umupo sa passenger seat.
Nakarating kami ng school ng puro tawa at pagpapaalala sa nangyari kanina sa Starbucks. Hiyang hiya ako bwiset.
Tapos pinapaalala pa ng siraulong lalaking to.
"Manahimik kana nga."pagsaway ko pagkababa namin. Nakarating na kami ng school at naglalakad na kami. Nakita namin na tapos na ang laban at may sumalubong kay Diablo.
"Diablo kanina kapa namin hinahanap! Mag uumpisa na!"sigaw ng kateam niya. Nagulat ako ng hatakin ako ni Diablo papuntang baseball court. Halos masubsob ako sa likod niya ng tumigil siya.
"Tangina naman."reklamo ko.
"San kaba naglulusot?! Kanina ko pa kayo pinapatawag! Buti na lang nakaabot ka. In one minute mag uumpisa na. San kaba kasi nagpupunta?"bakas ang galit na tanong ng coach nila.
"Sorry coach. Sinamahan ko po kasi siya.."sabi ni Diablo at pinakita ako sa coach nila. Biglang nawala ang kunot ng noo ng coach nila at pumalit ang may panunuksong tingin.
"Umpisa na!"rinig kong sigaw ng announcer. Sumenyas naman si Coach. At pumalakpak. Agad namang sumunod ang mga kateam nila.
Humarap sakin si Diablo at nakangisi.
"Panoorin mo ko ha! Icheer mo ko! Kapag di ka nagcheer sayo ko itatama ang base ball."sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hehehe joke lang."
"Diablo mamaya na yang landian niyo!"sigaw ni Nikson. Sumimangot naman si Diablo at tumakbo na. Pero nagulat ako ng bigla siyang bumalik sa gawi ko at kinurot ang pisngi ko.
"Goodluck naman sa best friend mo."sabi niya. Hindi ako nakapagsalita at halos pulang pula ako dahil sa ginawa niya.
"G-goodluck...."mahinang usal ko. Ginulo niya ang buhok ko at tumakbo na sa gitna.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?