FUCHSIA KARMA P. O. V
"Morning sis!"bungad sakin ni Zumi pagkalabas ko ng banyo.
"Morning."
"Oh bat ganyan timpla ng mukha mo? Sabado ngayon so dapat happy ka lang."natatawang sabi niya.
"Wala ako sa mood."mahinang sabi ko at naglakad na palabas ng kwarto ko. Nakasunod naman siya sakin at dinadaldal ako.
"May sakit ka ba? Nilalagnat? Nahihilo?"
"Wala."
"Eh bakit ganyan ka?"
"Ewan."
"Tsk sungit mo! Tingnan mo kapag nagsawa sayo si Diablo kakaganyan mo nako ka!"natigil ako sa paglalakad at tiningnan siya.
"What?"
"Ano?"
"Ulitin mo yung sinabi mo."
"Ang alin?"
"Yung sinabi mong nagsawa."
"Ah.. Totoo naman kasi yun kapag nagsawa sayo yung tao edi waley kana! Binibigyan mo ng rason para magsawa ligawan ka eh."
"Di ko na kasalanan yun, kasalanan niya yun kung titigil siya. Edi wag niya!"
"Eh bakit sumisigaw ka?"
"A-Ako sumisigaw?"
"Ay hindi. Baka umiiyak ka."
"Hindi ako sumisigaw."
"Kumain na nga tayo, highblood ka naman."
"Tsk."nagpatuloy ulit ako sa paglalakad papunta sa baba. Wala sila dahil tanghali na ngayon for sure pumasok na sila, puro mga katulong lang ang andito ngayon. Umupo na ako sa gilid at nagsimula ng kumain. Nasa harap ko si Zumi na pinipicturan ang pagkain niya.
Nakakunot ang noo kong pinapanood siya sa ginagawa niya.
"De...li...cious..."sabi niya habang nagtatype. Kinuha niya ang kutsara at nagsimilang kumain habang nakatingin sa cellphone niya. Umiling na lang ako at kumain na lang din. Habang kumakain ako ay biglang sumigaw si Zumi. Kunot noot ko siyang tiningnan, nakanganga siya at gulat na gulat.
"This can't be!"
"Ano ba? Bigla bigla kang sumisigaw jan nasa harap ka ng pagkain."pagsuway ko sa kanya.
"Niloloko kana yata ni Diablo!"sabi niya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya.
"Pinagsasabi mo?"
"Look!"pinakita niya sakin ang cellphone niya at nakita ko ang isang picture ni Diablo na seryoso ang mukha. May nakasulat na "I've found my classmate slash future husband here at mall. What a destiny🥵"
"What the heck! Do you know Hailey? Magkasama sila! 14 minutes ago so It means bago pa! Ngayon lang!"bigla akong nabilaukan sa sinabi niya. Ubo ako ng ubo at hinahampas ko ang dibdib ko. May inabot naman sakin si Zumi na baso. Agad ko yung inabot at ininom.
"Okay ka lang?"
"Oo."
"Hindi ka ba pupunta? Nanjan lang sila sa mall malapit satin oh."
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Misterio / SuspensoA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?