FUCHSIA KARMA P.O.V
"Fuck are you okay?"nag aalalang sabi ni Lorde pagkalapit kay Berrica o kilala bilang Devina.
"I'm fine."ngiting sabi ni Berrica at nagthumbs up kay Lorde na inaalalayan siya tumayo. Tinanggal niya ang coat niya at itinali sa hita ni Berrica para mamanhid ito. Ramdam ko ang pagngiwi si Berrica sa mata niya, kaya napangiti ako kahit di niya nakikita ang buong mukha ko.
"Good job."mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"I won Lady Black."ngiting sabi niya. Kapag nasa ganito kaming sitwasyon, Lady Black ang tawag niya sakin. Pero kapag dalawa kami, Fuchsia lang. Nilagay ko ang kamay ko sa harap niya at tiningnan niya yun bandang huli hinawakan niya din yun kaya tinulungan ko siyang tumayo. Habang inaalalayan siya ni Lorde sa likod.
Niyakap niya ako kaya hinagod ko ang likod niya.
"Let's go Lady Black?"bungad ni Demon. Tiningnan ko ang kabuuan niya at tinaas ko ang kilay niya kaya bahagya siyang natawa.
"Pakitaan pala ng dibdib dapat sinabihan mo ko?"biro ko kaya napakamot siya sa ulo.
"Dinaig pa nga outfit ko."natatawang sabi ni Berrica.
"Wow mag bobold star ka?"natatawang sabi ni Lorde. Napailing na lang ako dahil nagtatalo na naman silang dalawa ni Berrica. Kung hindi lang magpinsan ang dalawang yun iisipin kong gusto nila isa't isa. Tsk tsk.
"How are you feeling today?"tanong ni Demon habang sumasabay sa lakad ko.
"Good."tipid na sagot ko. Nilingon ko pa si Lorde at Berrica na nagtatalo sa likod. "Tatadyakan ko kayo o susunod kayo sakin?"
"Ito na nga po Lady Black."natatawang sabi ni Lorde. Sumunod naman na sila sakin. Nangungunang maglakad ang mga Sicillian ko o tinatawag na Guard. Habang naglalakad kami napahinto ako dahil nakaabang sakin si King at Lady Red kasama ang tatlong lalaking nasa gilid niya. Ngumiti siya ng plastic pero nanatili akong blangko. Nakasunod sakin sila Demon habang papalapit ako sa kanila.
"Is Devina okay?"tanong ni Lady Red at tumango lang ako. Tumingin ako kay King na seryoso padin.
"Are you going home now?"tanong ni King.
"Obviously King."sagot ko at ngumisi naman siya. Sanay na siya sakin na ganto sumagot. Nakilala niya ako ganto na ako kaya wala lang sa kanya.
Tiningnan ko ang lalaking nagpukaw ng atensyon ko. Yung lalaking nakita ko nung gabing yun. Nakamaskarang puti na may mukha ng pusa at matangkad. Tiningnan ko siya at kita ko ang bigla niya dahil bahagya siyang napaatras ng onti.
"I like your maskara."seryosong sabi ko at tinitigan ang buong maskara at katawan niya.
"Salamat Lady Black."malalim na boses na sabi niya at bahagya siyang yumuko senyales na paggalang. Tumingin ulit ako kay Lady Red na nakataas ang kilay sa akin pero di ko yun pinansin.
"Congrats Devina. Why you didn't kill him?"tanong sa kanya ni Lady Red. Pinupunto niya ang laban nila ni WD.
"Scusa. I'm not brutal like our Lady Black."birong sabi ni Berrica.
(Translation: Scusa means Sorry in Italian.)
"But I'm glad you win."ngiting sabi ni Lady Red.
"Grazie."sagot ni Berrica.
"We need to go King, Lady Red."malamig na sabi ko. Tumango naman sakin si King kaya tiningnan ko si Lady Red. Wala akong ibang pinakitang emosyon at naglakad na ako palabas ng Underground.
DIABLO CODY P.O.V
"Kinabahan ako bro."natatawang sabi ni Nikson pagkalabas namin magpaalam kay Lady Red. Andito na kami ngayon sa Parking Lot.
"Grabe yung takot ko, halos umurong pa yung bituka ko dahil sa karumaldumal na nakita ko sa Boxing Ring."natatawang sabi ni Derik.
"Pero magaling din yung babae ano? Si Devina ba yun? Akala ko talaga papatayin niya na si WD."sabi pa ni Nik.
Hindi ako makapag focus dahil sa sinabi sakin ni Lady Black. Di ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot eh. Kakaiba kasi ang aura niya. Masiyado siyang seryoso. Parang sobrang matured na ng utak niya sa mga kilos at pananalita.
Yung mata niya..
Hindi ko maalis ang tingin ko sa mata niya. Sobrang ganda nun at para akong nilulunod.
"Hoy nakikinig kaba samin?"tanong ni Derik kaya napatingin ako sa kanila.
"Kanina kapa tulala ah."natatawang sabi ni Nik.
"Sinong hindi matutulala? Ikaw ba naman puriin ni Lady Black ang maskara niya at tingnan siya."natatawang sabi ni Derik.
"Kinabahan ako, feeling ko napansin niya ako para may balak siyang gawin sakin. Sa dinami dami natin dun bakit sakin pa napansin niya."sagot ko.
"Oo nga tol. Meron nga mas maangas pa eh pero sayo napansin niya."natatawang sabi ni Nik.
"O baka naman natipuhan ka niya?"natatawang sabi ni Nik.
"Gago."singhal ko.
"Baka mamaya nasa trenta na yun maging sugar mommy mo pa."natatawang sabi pa niya ulit.
Yun nga din naiisip ko baka mga nasa trenta na yun kagaya ni Lady Red. Napagkamalan pa naming 25 years old ayun pala 36 years old na.
"Tara na nga para makapag pahinga na tayo."aya ni Derik. Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan. Nang malapit na sila sa kanila ay sumenyas sila sakin na liliko na sila kaya tumango na ako. Napag isipan kong pumunta muna ng 7/11 para bumili ng beer pampaantok ko.
Habang magpaparking ako natigilan ako dahil nakita kong papasok ng Public Restroom si Fuchsia. May hawak na paper bag at mukhang may nakalimutan.
Siya ba yan?
Tiningnan ko ang orasan at nagulat dahil alas dose na ng madaling araw. Uwian ba yan ng dalaga? tsk.
Tinanggal ko ang maskara ko at yung coat na suot ko, at sinuot ko ang jacket ko na kulay white. Pumunta ako dun at naka cross arms.
"Ganito na pala ang uwian ng babae ngayon?"tanong ko at bahagya siyang lumingon. Bakit naka salamin to madaling araw na?
"Madaling araw nakasalamin? Ayos yan ah."natatawang pang asar ko. Tumaas ang kilay niya.
"Bakit nag aalala kaba kung gantong oras ako umuwi?"tanong niya habang nakangisi.
"Wag kang feeling sinasabi ko lang ang nakikita ko."pagsusungit ko at ngumiwi sa kanya.
"Napapansin mo kasi ako."sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang trip neto at nakasalamin pa kahit madaling araw?
"Tsk. Ginagawa mo sa gantong oras?"tanong ko.
"Interasado ka sa buhay ko?"tanong niya.
"Di masamang mangarap."sagot ko.
"I gotta go handsome."sabi niya kaya bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya Handsome?
Teka? Lakas ng sapak nun ah!
"Hoy!!"sigaw ko pero naglalakad na ito. Nakatikod na siya at kumaway kahit nakatalikod siya.
"Lagot ka sakin bukas!!"sigaw ko sa kanya.
Humarap siya sakin at kita ko ang malaking ngisi niya. Bago tumalikod ulit. Anong problema nun?
Parang may mali talaga dun eh. Parang bumait. Tsk.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?