Chapter 88: I'm Back

2.1K 105 69
                                    

FUCHSIA KARMA P. O. V


Nagising ako dahil sa pananakit ng katawan ko. Dahan dahan akong umupo dahil nararamdaman ko ang pagkalam ng sikmura at pagkulo ng tiyan ko.



Tangina..



Napapikit ako ng mariin ng makita ko ang orasan. 5:29am pa lang. So ibig sabihin ang haba ng tinulog ko?! My gosh!


Kaya pala ang sakit ng sikmura ko bwiset.



Pinilit kong tumayo para makapagpalit ng Diaper at makababa. dahil gustong gusto ko na kumain. Nang makatayo ako ay dumiretso na ako ng banyo, may cabinet dun sa taas ng salamin ko, andun ang mga kung ano anong sanitary pads or diaper ko, pagtapos ko magpalit ay lumabas na ako. Habang naglalakad ako kumunot ang noo ko ng marealize na wala na ang ibang larawan na nakadikit dito. Family picture na lang namin. Isinawalang bahala ko na lang yun saka bumaba na sa sala.



Pagbaba ko ay nagsiyukuan ng maayos ang mga kasambahay para sa pag bigay ng galang.



"Kakain na po kayo Ma'am?" tanong ng isang kasambahay.



"Ay hindi. Tatambling ako dito, kaya nga nasa sala ako para kumain diba?"walang ganang sabi ko. Napayuko naman siya dahil sa sinagot ko. Siniko naman siya ng isang katabi niya.




"Kami na po ba magluluto ma'am?"



"Ay hindi, ako ang magluluto kaya nga kayo anjan para lutuan niyo ako."



"Ay sorry ma'am."



"Bilisan niyo at nagugutom na ako!"iritang sabi ko.



"Pasensya na po ma'am."



"Hindi niyo man lang ako ginising para kumain."madiing sabi ko. Saktong lumabas si manang. Ang pinaka hold of household., matagal ng nagtatrabaho samin.



"Ang aga aga badtrip ka iha."



"Tss."



"Paano ka nila gigisingin iha, kapag kinakatok ka namin ay sisigaw ka na lang ng malakas. Talagang hindi ka namin gigisiningin." pag explain ni manang.




"Dahil lang dun? Sumigaw ng malakas?"




"Hindi lang naman po dahil dun. Sinabi niyo pa kasi na.. Paano yun Kris?" tanong ni manang sa isang kasambahay.




"Wag niyo akong gigisingin kung ayaw niyong patayin ko kayo!"panggagaya sakin ni Kris.



"Kita mo? Paano ka gigisiningin eh boses mo pa lang nangatog na sila."iling na sabi ni Manang.




Tumahimik na lang ako at naghintay ng makakain ko. Ilang minuto ang lumipas ay naghain na sila ng pagkain ko. Pagkalapag sa lamesa agad agad akong kumain dahil sa gutom.



Walang pasok ngayon kaya mas okay ng itulog ko na lang tong pagiging tamad ko.



Kamusta na kaya si Diablo?


Paano kaya yun nakauwi?



Pagtapos ko kumain ay dumiretso na ako ng kwarto para maghilamos at mag toothbrush.



BERRICA SMITH P. O. V



"Bilisan mo Berrica at anjan na ang mga Amezer."pagpapaalala sakin ni mama. Walang gana akong kumilos at mas gustong humiga.



My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now