Chapter 16 Pag aasaran

2.5K 97 2
                                    

FUCHSIA KARMA P.O.V

Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa gawi nila o hindi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako kahit hindi halata.

"Hello Fuchsia you're so pretty."ngiting bungad sakin ni Amethyst. Ngumiti ako sa kanya ng tipid.

"Grabe lakas ng dating mo Fuchsia!"Sabi ni Nikson. Kaya ginawaran ko siya ng tipid na ngiti.

"Hi Fuchsia. Long time no see.."rinig kong sabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko magawang buksan ang bibig ko at parang umatras ang dila ko.

"Hello."Yan na lang ang tanging nasagot ko sa kanya. Napatingin ako sa mata niya, halos manlumo ako ng makita ko kung pano kumislap ang mata niya. Ang kabuuan ng mukha niya. Sobrang laki na ng pinagbago niya. Gumwapo na siya ngayon, lumakas ang dating niya at mas tumangkad siya. Miss na miss ko ng hawakan ang mga pisngi niya.

"Kuya bakit hindi mo ko sinundo."singit ni Berrica. Mabuti na lang nakaramdam siya. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya.

"Tsk."kahit di ko tingnan alam kong siya yan. Pero diko mapigilang di siya tingnan kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakasimangot ito at akala mo boring na boring sa buhay niya. Nakasuot siya ng format attire as usual. Maayos ang pagkakaayos ng buhok niya. Kahit ang sungit niya sa itsura niya malakas padin ang hatak niya.

"You look handsome."ngising sabi ko. Tiningnan niya naman ako at halata ang gulat sa mata niya.

"Panget ka padin."sagot niya. Umiling na lang ako. Kakaganun niya napaghahalataan siyang nagagandahan sakin hahaha tsk tsk. I'm not stupid. Malakas ako makiramdam.

"Thank you."ngiting pekeng sabi ko. Tiningnan niya ako ng masama.

"Ipapakilala kita kay dad sasabihin kong ikaw ang nanggugulo dun."Sabi niya kaya napairap ako. Abnormal talaga.

"Sumbong ka, samahan pa kita."

"Ah ganun?"inis na sabi niya nabigla pa ako ng bigla niya akong hatakin. Nakita kong pinapanood na pala kami ni Gio. Nakatingin siya sa kamay ni Diablo na nakahawak sa palapulsuhan ko.


"Dad----"magsasalita pa sana siya ng biglang dumating ang isang maganda at mukhang mahinhin na babae. Pero mas nagulat ako ng tumili siya at akala mo'y kinikilig sa nakikita niya.


"Omo! Is she your girlfriend?! Honey! Look our son, he's a big now. Hello you're so pretty. What is your name?"tuloy tuloy na sabi ng babae. Tinawag niyang honey ang lalaking nasa harapan namin.

"Mom, she's not my girlfriend."inis na sabi ni Diablo.

"Sus anak wag nga ako. Hindi daw pero nakahawak sa kamay."sabi ng mama ni Diablo at nginuso ang kamay ni Diablo na nakahawak sa palapulsuhan ko. Agad kaming napatingin dun at binatawan niya ang kamay ko.

"Hello iha."malamig na boses na bati sakin ng tatay ni Diablo.


"Good evening sir, ma'am."bati ko sa kanila. Narinig ko pa ang bungisngis ni Berrica.

"Nako, masiyado ng magalang para sa Ma'am and sir. You can call me Tita Denixia or Tita Zen but it's better if you call me mom--"


"Mom she's not my girlfriend."pag awat ni Diablo sa nanay niya.


"Come on son, we just want to meet this beautiful young lady."singit ng tatay ni Diablo. Ngumiti siya sakin at ngiting ngiti padin ang nanay ni Diablo.

"What is your name?"tanong ng tatay niya.

"I'm Fuchsia William."pagpapakilala ko.

My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now