Chapter 18 Hurts

2.4K 70 1
                                    

FUCHSIA KARMA P.O.V



Pinapanood ko silang nagsasayawan na sa harap. Halatang lasing na sila dahil kanina pa sila andito. Si Amethyst ay kumakanta habang sila Diablo ay nagsasayaw na parang tanga. Umiiling akong pinapanood sila dahil mukhang waster na wasted sila.




Kinuha ko ang alak at tinungga ulit yun. Napatingin ako kay Diablo na nagrorobot dance.



Infairness magaling siyang sumaway. Medyo tutumba tumba nga lang.



"Halika dito wag kang KJ!"sigaw ni Berrica sakin dahil malakas ang sounds dito sa VIP room. Hinila niya ako paharap at saktong nasa gilid ko si Diablo.



"Hoy white lady."tawag niya sakin kaya tiningnan ko siya. Mapungay ang mata niya, medyo magulo nadin ang buhok niya, namumula ang kanyang tainga.



"Lasing kana."sabi ko sa kanya.



"Huh? Anong lasing *huk*? Di ako lasheeng!!"sigaw niya kaya napailing ako.



"Oh sige sabi mo eh."sagot ko at nagcross arms sa harap niya.



Sa totoo lang hindi ako galit kay Diablo sa pinagagawa niya sakin. Hindi ko alam kung bakit. Mabait niya siya at sure ako dun. Medyo iba lang kapag sinaniban dahil kung ano anong pinaggagawa sakin. Ang pangbubully ay hinahayaan ko na lang. Malakas akong tao at hindi ako nagpapaapekto sa ganun.



"Hoy."tawag niya ulit sakin. Nakatingin lang ako sa kanya ng diretso.



Gwapo...



But not my type, masyadong isip bata tapos pikon pa.



"Ang ganda mo pala."sabi niya habang nakatingin sakin at chinicheck ang buong mukha ko. Natawa ako sa inasta niya.



"Sana pala lagi kang lasing."natatawang sabi niya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dimple ko. Nawala ang ngiti sa labi ko.



"Ngumiti ka lang."utos niya pero di ko sinunod yun.



"Alisin mo yang kamay mo kung ayaw mong baliin ko yan."banta ko sa kanya. Ngumuso naman siya na parang bata at binitawan ang pisngi ko.



"Ang ganda kasi ng ngiti mo. Dagdag mo pa ang dimple mo."sabi niya habang papikit pikit na ang mata niya.



Nakatingin lang ako sa kanya. Nang bigla siyang pumikit ng tuluyan at dun na bumagsak ang ulo niya sa balikat ko.



Anyare dito? Tinapik ko siya pero hindi na siya gumalaw. Hanggang sa narinig ko ang mahinang hilik niya.



"Uyyyy."pang aasar nila samin. Tiningnan ko sila at mukhang kanina pa kami pinapanood.



"Tulungan niyo ko dito sa kaibigan mo."tawag ko kela Derik at Nikson. Agad naman siyang tumayo at inalalayan si Diablo paupo sa couch.


My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now