FUCHSIA KARMA P.O.V
"H-HOY! P-PAANONG NANGYARI YUN?!"gulat at nauutal na tanong ni Diablo. Ngumisi ako sa kanya at lumapit na.
"Pano ba yan? Panalo ako."nakangising sabi ko.
"Paano mo napatumba lahat yun?!"gulat na tanong niya.
"Kasi binaril ko?"
"H-hindi eh! Parang may mali!"
"Anong mali?"tanong ko.
"Napatumba mo yun Fuchsia! Bawat bala na nilalabas mo sumasakto sa baso at walang daplis! Walang sablay!"
"Diba sinabi ko na sayo? Uulitin ko pa ba?"
"Na kaya mong gawin lahat? Hoy! Ikaw ang creepy muna ha! Unti na lang mapagkakalaman na kitang kapatid ni Mateo Do!"
"Tss. Magpalit kana."
"Nakakainis naman! Fuchsia hindi magandang joke yun! Di ako magsusuot ng pang babaeng costume tapos magheheels?!"reklamo niya.
"A deal is a deal Diablo."malamig na wika ko. Nakita ko ang pamumutla niya.
"Nakakainis ka naman eh!"parang batang sabi niya.
"Anong nakakainis dun?"
"Magsusuot ako pero wag ng heels. Please?"pagmamakaawa niya.
"Hmmmm sige. Pero susuootin mo ang costume na yun."sabay turo sa nakasabit na Snow White costume.
"Potek naman!"
"Susundin mo o magsusuot ka ng heels?"seryosong tanong ko.
"Boset ka talaga! Tara na nga! Video lang ah!"parang batang sabi niya. Gusto kong matawa dahil para siyang takot na takot. Naglakad na ako at nakasunod naman siya. Naririnig ko pa ang mga reklamo at pagmumura niya sa likod ko. Pagkarating namin sa store na yun kinuha ko na ang Snow White na nakasampay at inabot kay Diablo na mukha ng tangang nakasimangot.
"Magbihis kana. Saglit lang."ngising sabi ko. Pabadog niyang kinuha yun at tumalikod na para pumunta ng dressing room. Nakaupo muna ako sa couch dito at nakacross legs na naghihintay sa kanya.Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko at inopen ang camera ko. Maya maya ay narinig ko siyang sumigaw.
"Fuck you Fuchsia!!"sigaw niya mula sa loob ng dressing room. Natawa ako dahil mukhang nasuot niya na ang costume kaya siya nagrereklamo nga ganyan.
"Lumabas kana."utos ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya vinideohan ko na agad. Bumungad sakin ang mukha niyang nakasimangot. Nakasuot na ang costume sa kanya kaya tinututok ko sa kanya ang camera. Tawang tawa ako sa itsura niya.
"Teka parang may kulang."sabi ko at lumapit naman ako sa may isang kasama ng costume. Headband yun na ribbon. Kinuha ko yun at lumapit sa kanya.
"Suootin mo."
"Sumosobra kana ha!"reklamo niya pero sinuot niya na din yun. Finofocus ko sa kanya ang camera.
"Hey, say hi to the camera."utos ko. Sinamaan ako ng tingin at akmang hahablotin ang cellphone ko pero mabilis pa sa hangin ang pag ilag ko.
"Mag Hi ka kela Berrica."
"Ano ba?! Isesend mo ba sa kanila?! Wag!"
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?