Chapter 40: I'm Home

2.3K 113 15
                                    

FUCHSIA KARMA P.O.V


Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa hindi pagpansin sskin ni Diablo. Andito kami ngayon sa bilihan ng wine dahil nagkayayaan sila sa condo ni Berrica.


Hindi na sasama si Gio dahil may gagawin pa siya pero andito siya ngayon at sinasamahan kaming mamili ng alak. Hindi ko siya kinikibo dahil ayoko siyang kausapin. Hindi pa ako handang kausapin siya..ulit.


Dahil kapag kinakausap niya ako bumabalik lang ako sa nakaraan at nasasaktan lang lalo ako. Mahal ko pa ba siya? O nakalimot na ako?


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nalilito ako. Sa lahat ng bagay na nahihirapan ako ay pagdating sa pag ibig. Nakakalito yun dahil kung ano ano ang nararamdaman mo at hindi mo alam ang sagot sa lahat ng. katanungan mo.


Nasa likod nila ako at busy sa pagtingin sa mga alak na nakadisplay. Mamahalin. Hindi ako nagreklamo dahil sa kanila namang pera ang gahamitin nila. Ilang linggo na din pala ako hindi pumapasok sa coffee shop.


Actually palabas ko lang yun, hindi ko na kailangan magtrabaho sa coffee shop dahil may sarili akong business. Na pinapangalagaan ni Lorde at Demon. Kung ano yun? Paano?


Nag iipon ako ng sarili kong pera na napapalunan ko sa pagsali sa racing, sa pakikipaglaban. May nakukuha akong pera at iniipon ko yun. Hanggang sa maitayo ko ang isang sikat na Bar sa Marikina. Malayo yun samin kaya di nila alam. Di alam ni Berrica. Wala siyang alam dahil ayokong ipaalam. Tanging si Demon at Lorde lang. Silang dalawa ang pinagkatiwala ko doon. Dahil alam kong kaya nilang palaguin yun. And guess what? My bar is famous now. Manager ang dalawa dun and I am the owner of that Bar.


Matagal ko ng kilala sila Lorde at Demon. Mas nauna nga lang si Berrica dahil magkababata kami. Simula nung nakilala ako ng pinakanakakataas dun sa Underground World. Sinali niya ako. I was forteen years old then. Minor, palihim akong lumalaban dahil sa bata pa ako. Tinatago ako nila King at ang nakakataas. Kasama ko sila Lorde at Demon. They're in twenties for god shake. Nagulat pa sila dahil ako ang magiging Mafia Queen pagtuntong ko ng 18.


Masyado nila akong minaliit NOON. Kaya naisipan ni Hairus na makipaglaban sa kanila. What happened next?


I win.



And yes. May nakakataas pa kay King. He is Hairus. Ang dahilan ng pagpasok ko sa UW. Kaso namatay siya last year dahil sa laban na naganap ng karibal niyang Mafia din.


I don't know who he is. I want to kill that shit.


So yeah, back to story. Nung nag 18 na ako dun na ako nakilala. And that fucking Lady Red can't accept that we're in the same rank. Rank number 1 is King and Rank 2 is me and Lady Red.


I heard that she's thirty years old or what. I don't fucking care how old she is.


Masyado siyang tangang nakikipag unahan sakin. Well, when she first saw me she didn't know that I'm a Mafia Queen also. She's sweet that time and she treats me like her daughter. But that was before.


Tsk.


Simula nung inanunsyo na isa akong Mafia Queen. Nagbago siya na para bang tinakpan ko ang ego niya.


Bumalik ako sa reyalidad ng magsalita si Gio ss harap ko.


"Are you okay?"nag aalalang tanong niya. Nakaramdam ako ng kaba at pag sikip ng dibdib ko. Tumango ako bilang sagot at naglakad na. Lumapit na ako kela Amethyst na may kausap sa phone.



My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now