BERRICA SMITH P.O.V
Tahimik kong sinusundan si Fuchsia. Hindi niya ako napansin kanina dahil nakabukas ang pintuan ko at narinig ko ang pagclose ng pinto. Lumabas ako ng kwarto at may nakita akong sulat.
"Pahiram ng kotse may aasikasohin lang ako. Emergency."
Basa ko sa sulat. Emergency huh? San kaya nagsusuot ang babaeng yun.
Agad kong kinuha ang coat ko at kinuha ang isa pang susi ko. Gagamitin muna ulit kita baby. I miss youu huhu.
Ang gamit kong sasakyan ay ang Lamborghini kong kulay pink. Agad akong sumakay dun at natigilan kung san ko nga ba mahahanap si Fuchsia. I don't know why pero nakita ko na lang ang sarili kong tinatahak ang daan papunta sa bahay namin.
Napalo ko ang manebela dahil sa katangahan ay tumunog ang busina ng car ko. What the. Napalakas.
Nagulat ako ng lumabas si Kuya Gio at mukhang kakauwi lang niya. San galing to? Akala ko ba ay may gagawin to? Agad siyang lumapit sakin ng makilala ang kotse ko. Kinatol niya ang bintana kaya tumikhim muna ako bago ibaba yun.
"What are you doing here? Do you know what time is it Berrica?"seryosong tanong ni Gio. Napakamot ako sa ulo at nag iisip ng palusot.
"Don't lie. Wala si Fuchsia no? Kaya hinahanap mo?"
"Ah eh."
"Crap it! Hanapin natin siya baka mamaya san nagpunta yun!"inis na sabi niya at nagulat ng pumasok sa passenger seat ng car ko.
Potek na. Naisip ko pa naman dumaan ng Underground kaso kasama si kuya kaya wag na.
Napaisip ako kung san ba? San ba kita mahahanap Fuchsia?
"San ang alam mong pwede niyang puntahan?"tanong niya. Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam.
"Bakit di mo itry pumunta sa boyfriend niya?"seryoso ngunit may halong lungkot ang boses neto. Nagtaka ako sa sinabi niya. Boyfriend? Si Fuchsia may boyfriend?
Magsasalita na sana ako pero sumenyas na siya na umalis na. Tahimik kaming nasa byahe habang tinatahak ang landas ng bahay nila Diablo. Napahinto ako ng makita ko ang pamilyar na lalaking nasa labas ng bahay nila at may hawak na cellphone. Nakakunot ang noo neto at nagpalinga linga.
Bababa na sana ako pero hinawakan ni Gio ang braso ko.
"Stay here."seryosong usal niya. Napayuko ako at pumirmi. Tumingin ulit ako sa kanila. Nanlaki ang mata ko ng makita si Fuchsia na lumabas sa dilim na banda. Nakasweat pants at suot ang jacket ni Diablo na kakalaba lang niya kanina. May hawak ding telepono si Fuchsia at animo'y nag uusap ang dalawa.
Magkaharap tapos nag uusap? Gago lang?!
Walang nagsalita samin ni Kuya. Sobrang tahimik. Kahit ang paghinga ko ay pigil na yata sa paghihintay sa mangyayari.
Lumapit na si Diablo sa kanya. Seryoso ang mukha neto habang naglakakad. Nakatigil sila samin parehas kaya kita namin ang bawat ekspresyon ng mukha nila. Si Fuchsia ay nagsalita. Malamig ang titig niya at kahit andito ako sa sasakyan ko ay tumaas ang balahibo ko.
Katakot talaga si Lady Black.
Pero agad akong natigilan. Naalala ko ang sulat ni Fuchsia. May emergency siyang pupuntahan.
Isang isa na lang Fuchsia. Kapag sinabi mong may pupuntahan o gagawin kang emergency, si Diablo na nga talaga ang tinutukoy mo.
Nanlaki pa ang mata ko dahil biglang hinablot ni Diablo ang kamay ni Fuchsia at agad niya itong niyakap. Binigyan ng isang yakap na mahigpit.
Nanlamig ako at hindi maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi nagreklamo si Fuchsia. Hindi siya nagrereklamo kapag niyayakap siya Diablo.
Halos mapunot na ang noo ko ng makita kong pano halikan ni Diablo ang buhok ni Fuchsia.
Hindi ko mapigilang ngumiti. At gustong gusto kong sumigaw!! Anong ibig sabihin neto?!
What theee!!!
Naalala ko katabi ko pala si Kuya. Napatingin ako sa kanya. May luha namumuo sa kanyang mata. Nagpipigil siya ng luha.
Agad kong pinaatras ang sasakyan buti tago ang sasakyan na pinagpark ko kaya di mapapansin ang pag alis namin.
"Kuya.."tawag ko sa kanya. Nakalayo na kami at huminto ako saglit. Nanatili siyang nakatingin ng diretso. Tulala siya at may luha ng pumapatak sa mata niya.
"Ang hirap pala. Ang sakit makita na masaya na siya sa iba. Yung mga bagay na nagagawa ko sa kanya dati. Hindi ko na magawa, dahil may taong kayang gawin yun sa kanya. Hindi na ako. Tangina ang bobo ko Gio. Ngayon alam mo na pakiramdam ni Fuchsia... Kung sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Mas sobrang sobrang sakit ng nararamdaman niya noon."sabi niya habang tuloy tuloy ang pagpatak ng luga niya.
"Kuya I'm sorry."pati ako ay di ko mapigilang hindi maiyak. Nasasaktan ako para sa kanila.
Pero ginagawa ko to para kay Fuchsia. Ginagawa ko to para sa kanilang dalawa ni Diablo. Alam kong may magandang patutunguhan ang pagiging magkaibigan nila. At alam kong si Diablo kaya niyang punan ang pagkukulang sa puso ni Fuchsia.
Dahil kay Diablo ko lang nakita na ganun si Fuchsia. Sa kanya lang.
"Pero ayokong sumuko. Maghihintay ako sa kanya. Maghihintay ako kapag nasira ang relasyon nila."seryosong usal niya na siyang dahilan kung bakit nainis ako. Lumabas na siya ng kotse ko kaya hinabol ko siya
"Kuya! Don't be so selfish!!"sigaw ko.
"Mahal ko si Fuchsia! Bakit?! May sinabi ba akong paghiwalayin sila? Wala diba? Ang sabi ko maghihintay ako. Maghihintay ako sa kanya kapag naghiwalay sila."
"Hindi mo sila mapaghihiwalay dahil hindi sila!"inis na sigaw ko.
"H-hindi sila?"gulat na tanong niya.
"Oo hindi sila! At nakakainis yang iniisip mo! Hindi ko gusto yang lumalabas sa bibig mo! Desperado kaba ha?!"hindi ko mapigilang sigawan siya.
"Mapapadali lang pala ang pagkuha ko sa kanya."ngising sabi niya.
"Don't you dare Kuya!"
"Why? Wala kang alam sa nararamdaman ko!"
"Wala akong alam pero mali yang ginagawa mo! Minsan mo ng ginawang madilim ang mundo niya! Kilala ko na si Fuchsia! Hinding hindi yan babalik sayo kahit lumuha ka ng dugo! Dahil di na siya sing lambot ng iniisip mo! Pero kung yan ang gusto ang gulohin siya? Well congrats, pwede ka ng maging top 1 sa pagiging makasarili mo. Hindi mo binibigyan ng kalayaan sa Fuchsia dahil gusto mong bumalik siya sayo! Tapos ano?! Sasaktan mo?! Gagagohin mo?! At tatakbo kay Zumi?! Hindi ka naman malanding lalaki diba?! Pero sa pinapakita mong yan mas lalo mong sinasabi sakin na ganun ka nga! Magkapatid yun! Magkapatid ang ginagago mo!!"
"Wala kang alam Berrica!"
"Walang alam?! Stupid you! I don't have a brother like you! Tatakbo sa simbahan para lang puntahan ang best friend mong si Zumi dahil sa nahospital siya? What the hell was that Gio?! Just because she needs you?! What a fucking stupid reason!"
"Wag mokong pagsalitaan ng ganyan. Wala kang alam! At may karapatan ako dahil walang sila ni Diablo. Gusto ko lang bumawi. Gusto kong bumawi sa kanya at gusto ko siyang bumalik sakin----"
*PAAAAAAAAAAAAAAAKKKKKK!!!*
Isang malakas na sampal ang natamo niya sakin. Malakas na sampal at halos bumakat ang palad ko sa pisngi niya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero hindi ako nagsisisi sa ginawa ko.
"Para magising ka sa katotohanang wala ka ng karapatan kay Fuchsia dahil sa ginawa mo."
*PAAAAAAAAAAAAAAAKKK!!*
"Sampal para magising ka sa katotohanang hindi namumulot ng basura si Fuchsia."seryoso at malamig na sabi ko sa kanya bago ko siya talikuran.
Sumakay ako ng sasakyan ko at umalis na.
Badtrip na badtrip akong nakarating ng condo. Wala pa si Fuchsia. Mabuti naman at wala akong mahanap na excuse sa kanya.
Pinikit ko ang mata ko para matulog.
YOU ARE READING
My Mysterious Girl
Mystery / ThrillerA Cold Mafia Woman who named Fuchsia Karma known as Lady Black meet the Handsome Slave of Her Enemy. But what if someday they realize that they love each other? What will happen?