Chapter 49: Embarrassing

2.1K 94 46
                                    

GIO SMITH P.O.V



"Uuwi na ba tayo?"tanong ni Zumi. Tumango naman ako bilang sagot. Pinalupot niya ang kamay niya sa braso ko at hinila na ako.

Hindi na muna sumama sila Peter dahil hinihintay nila ang ibang schoolmate namin nung highschool.

"Bakit ang tahimik mo?"tanong ni Zumi habang naglalakad kami pabalik sa hotel.

"W-wala. Masama lang pakiramdam ko."walang ganang sabi ko. Hindi siya sumagot. Naglakad lang kami hanggang sa makapasok na kami ng Hotel  Disneyland at sumakay na sa elevator papuntang room.

"Nagulat ka ba dahil nagkita na kayo?"sabi niya sa kalagitnaan ng katahimikan.

"Zumi. Wag mo na siyang banggitin pa dito."inis na sabi ko. Binitawan niya ang braso ko at tinitigan niya ako.

"Mahal mo pa ba siya?"tanong niya sa nakakalungkot na tono.


Oo, mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Fuchsia.



"Hindi."yan tanging nasagot ko. Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko. Pagkarating namin sa room, napansin kong nakaawang ang kwarto nila Fuchsia. Napahinto ako kaya pati si Zumi ay napahinto. Papalit palit ang tingin niya sa sakin at a pintong tinititigan ko.


Nakauwi na sila.


Magkasama sila sa iisang kwarto.


"Para kang sira."rinig kong boses na pamilyar. Isang boses dahilan kung bakit ako nakangiti sa umaga NOON.


"Ang pangalan mo ay si Fuma."boses ni Diablo.


Anong pinag uusapan nila?


"Fuma?"


"Oo, ang ipapangalan ko sa kanya ay Fuma. Kasi akin to eh."


"Bakit fuma?"


"FUchsiakarMA."sabi ni Diablo habang dinidiinan ang una at huling pangalan ni Fuchsia.


Sino ang pinapangalanan nila?


"Ang badoy."


"Sus! Sayo ano ipapangalan mo? Dapat jan ipapangalan mo Handsome."



Ano ba pinag uusapan nila? At bakit may pinapangalanan sila?



"Handsome mo mukha mo. May naisip na ako."


"Siya si Didy."


Didi? Didy?


"Didi?! Yuck ang panget pakinggan!"rinig kong reklamo ni Diablo.


"Yes. DIablocoDY."


"Pfftt HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA GAYA GAYA KA!"rinig kong natatawang sabi ni Diablo. Nakakunot ang noo ko at hindi ako gumalaw. Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng pinto. Nakikinig sa kanila.


Kahit nasasaktan na ako.



"Baliw kana."



"Sila naman pangalanan natin."


Gustong gusto ko sumilip. Ano ba ang tinutukoy nila? Gusto kong pumasok. At silipin ang pinag uusapan nila. Sandaling katahimikan sa kanila. Hindi pa din ako umaalis. Kahit si Zumi ay napahinto nakatingin sakin pero alam ko nakikinig din siya.


"Amethyst, Berrica, Nikson at Derik!"sabay nilang sabi. Sabay na sabay. Maya maya ay narinig ko ang tawa nila.


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"malakas na tawa nilang dalawa.


My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now