Chapter 11 Underground Party

2.7K 92 1
                                    

(SI FUCHSIA ANG NASA TAAS. ISIPIN NIYO NA LANG NA NAKAMASK SIYA)

-----------------------------------------------------------

DIABLO CODY P.O.V


"Yan kasi napaka engot!!"pang aasar ni Nik sakin pag kaalis nila Fuchsia.


"Manahimik ka jan wala akong kasalanan sadyang madaldal lang yang crush ni Derik tsk tsk."iling na sabi ko.


"Nagtatanong ka kasi. Curious ka kasi sa buhay ni Fuchsia eh. Sus!"panunukso ni Derik kaya pinakyuhan ko lang siya.


"Tama na nga yan. Sige na magpahinga na kayo."singit ni Amethyst pagkahatid kay Berrica sa labas. Tumabi siya kay Nikson.


"Pahinga kana love?"tanong ni Nikson kay Amethyst.


"Later na pag uwi mo. May gagawin ka pa ba?"malambing na tanong ni Amethyst.


"Wala na bukod sa mamahalin kita at aalagaan. Wala na."sagot ni Nikson.


"Yak nakakadiri ka!!"sabay naming sabi ni Derik at binato ko siya ng prutas at nasalo niya.


"Tara na nga kakadiri dito brad."sabi ni Derik kaya tumayo na kami.


"Bitter mga walang jowa hahhahahaha!"natatawang sabi ni Nikson at tumatawa nadin si Amethyst sa gilid niya.


"Ulul maghihiwalay din kayo sa February 14."natatawang sabi ni Derik. Nakarating kami sa Garden kaya dun na muna kami naupo.


"Nareceived muna ba invitation ni Lady Red?"tanong ni Derik tumango naman ako. "Pupunta ka?"


"Malamang. Kapag di ako pumunta baka mapatay pa ako ni Lady Red."natatawang sabi ko.


"Ang lupet din natin no? Kapag magkakaharap tayo parang isa lang tayong normal na tao--"


"Gago ano tayo bampira? Aswang?"natatawang sabi ko.


"Gago hahaha kumbaga diba alam mo naman kung ano tayo? Isa tayong kinakatakutan sa Underground malamig tayo makitungo sa kanila pero kapag andito tayo magkakasama, parang wala lang, normal lang."sabi ni Derik habang nakacross arms at nakatingin sa langit.


"Ganun naman dapat nating ipakita eh."sagot ko.


"Parang kailan lang nung sumali tayo dun haha. Naging mataas tayo dahil sa lakas natin. Pero napapaisip ka ba? Si Fuchsia nakajacket siya hindi ko tuloy mahanap ang tattoo na sinasabi mong may dilaw na mata."sabi niya kaya napahinto ako sa pagngiti.


Kanina nakita ko ang ano niya...


Pero wala akong napansin na tattoo niya sa ilang. Ang gabing nakita kong yun, nakasuot siya ng parang itim na manipis na plain black jacket.


"Mukhang hindi na natin siya kailangan imbestigahan pa."sabi pa niya ulit.


"Hindi ko alam kung kelan natin mahahanap ang nawawala niyang anak."buntong hininga ko. Natahimik sandali dahil sa pag iisip namin. Kung paano namin mahahanap ang kanyang anak. Ni hindi ko malaman kung ano ang kasarian ng anak niya dahil hindi niya nasabi.


"Tara na? Nag text na sakin si Nikson nagpapahinga na daw ang ate mo maghanap na tayo ng masusuot sa mall."sabi ni Derik at tumayo na siya tinapik niya ang balikat ko.


"Wag muna nating isipin yun, may limang buwan pa tayo."ngiting sabi niya. Ngumiti ako ng tipid at tumayo na din.



-----------------------------------------------------------

My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now