Chapter 60: That Should Be Me

2.1K 104 39
                                    

DIABLO CODY P. O. V




"I will fight you to the death to defend you..... I love the way how strong you are...." yan ang lumabas sa bibig ko. Nagulat ako sa nasabi ko kaya napatingin ako kay Fuchsia na mahimbing na natutulog sa dibdib ko. Tinanggal ko ang shades na nakaharang sa mata niya.





Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.




Humahanga ako kung gaano kalakas ang babaeng buhat ko.




Gustong gusto ko ang pagiging malakas niya.





Kanina nakita ko kung paano siya sampalin at sabihan ng masasakit na salita.





Pero hindi ko nakita ang pag iyak niya. Ang depensehan ang sarili niya.





Nananatili lang siyang tahimik at tinatanggap ang masasakit na binabato sa kanya.





Ganyan ka na ba katigas para hindi ka tablan ng masasakit na salita?





Nahihirapan ako kapag nasasaktan siya.




Hindi ko kayang makita kung paano siya saktan at sabihan ng kung ano ano.




May kung anong tumutulak sakin na protektahan siya...na kailangan kong nasa tabi niya...kaya pala sinabi niya sakin noon na. Ayaw na ayaw niyang hindi ko siya pinapansin dahil ayaw niya ng ituring na parang isang hangin lang.





Ngayon naiintindihan ko na.





Fuchsia, hinding hindi ako aalis sa tabi mo.





Hinawakan ko ang mukha ni Fuchsia habang mahimbing siyang natutulog. Gumalaw ang mukha niya kaya napalayo ang kamay ko.





Namamayat na naman siya. Lumuluwag na sa kanya ang uniform niya.





"Hindi ka na naman nagkakain." inis na mahinang sabi ko. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at ingat na ingat sa palda niya. Nakarating kami ng parking lot at dun ko siya naisipan iuwi sa bahay.




Pagkarating sa bahay sinalubong na ako ng mga katulong. Nagtataka pero nanatili pading tahimik. Wala sila mom and dad dahil parehas silang nag out of town. Sumakay na kami ng elevator hanggang sa makarating sa floor ng kwarto ko.




Dire diretso akong pumunta ng higaan ko at dun siya hiniga. Ingat na ingat akong ibaba siya na para bang isa siyang babasaging ginto na kailangan ingatan para hindi mabasag. Nang tuluyan na siyang nakahiga umupo ako sa gilid ng kama at tinitigan siya.





Hindi napigilan ng kamay ko ang hawakan ang maamo niyang mukha. Napatingin ako sa mahaba niyang pilit mata, papunta sa ilong hanggang sa makarating ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi.




Napaatras ako ng wala sa oras. Naalala ko na naman yung araw na nagkiss kami ng wala sa oras.




Unexpected moments.....




Pero bakit parang ang sarap sa pakiramdam?




Pinilig ko ang ulo ko at tumayo na.





Natatakot ako...





Natatakot akong matukso ako sa labi niya at mahalikan siya ng wala sa oras...




My Mysterious GirlWhere stories live. Discover now