Chapter 78

1.5K 125 32
                                    

Chapter 78


TITUS


"Glenn!" malakas kong sigaw at mabilis na binato ang mlaking apoy na nabuo sa ibabaw ng baton ko.

Mabilis na umiwas si Glenn pati na rin ang kapatid niya na si Gideon sa salamangka na ginamit ko sa kanila. Patungo ang mahikanag iyon sa magarang silya na kinauupuan ng Emperador ngunit bago pa ito tumama ito ay agad siyang pinalibutan ng kanyang mg Kawal at sinangga ang aking kapangyarihan.

Gumawa ito ng napakalakas na pagsabog sa buong paligid kaya agad akong tumalsik palayo. Sa labis na pwersa nito ay tinangay ako ng pagsabog sa nasirang pader ng toreng inakyat ko. Agad kong ginamit ng hangin upang ako ay makalipad. Mabilis na kumalat ang makapal na usok sa buong paligid na tumakip sa mga kalaban na nasa harapn ko.

"Tapusin na natin ito." isang malamig na boses ang aking narinig mula sa aking likod.

Agad akong lumingon at nanlaki na lamang ang mga mata ko nang masaksihan ang kapaatid ni Glenn na si Gionne na nakatutok ang kanyang matalim na espada na gawa sa kidlat. Gumagawa pa ito nang nakaririnding ingay na masakit sa tenga. Nagngangalit ang konsentradong salamangkang ito na kapag ako ay tinamaan ay mamamatay talaga ako.

Walang sinayang na oras si Gionne at ginamit ang kanyang kapangyarihan na kidlat ay mabilis na sumugod sa aking direksyon. Mabilis kong inipon ang mga naliliparang mga bato sa buong paligid na nagkalat dahil sa pagkasira ng pader ng tore mula sa pagsabog. Agad kong ipinorma ang mga bato bilang isang panangga sa aking harapan.

"Bakit ka nagtatago sa pananggang iyan? Ito lang ba ang kaya mong gawin? Paano mo makatatalo ang Mahal na Emperador kung hindi mo ako kayang pabagsakin?" rinig kong dagdag pa niya at alam kong nasa harap na siy ng aking panangga dahil nararamdaman ko ang kanyang pwersa.

Hindi naman ako sumagot at itinutok ang aking baton sa mga malalaking tipak ng bato na nasa harapan ko. Mabilis silang naghiwa-hiwalay sa ere kung saan muli kong nakita ng malapitan si Gionne. Kita ko ang labis na gulat niya sa kanyang mukha na animo'y hindi inaasahan ang aking gagawin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at buong lakas kong itinapon ang mga ito.

Gamit ang kanyang espada na gawa sa konsentradong salamangka ay madali hiniwa-hiwa niya ang malalaking tipak ng bato na ginamit ko sa kanya. Dito ko napagtanto na magaling itong si Gionne sa larangan ng pakikipaglaban gamit ang espada kaya kailangan kong alamin kung magaling din ba siya sa paggamit ng salamangka.

Pinagmasdan ko siya "Ayaw sana kitang idamay dito ngunit kung ikaw ay haharang sa dinadaanan ko ay hindi ko mapipigilan ang aking sarili na patumbahin ka." malumanay na saad ko sa kanya.

Bago pa niya tuluyan na maubos ang malalaking tipak ng bato na itinapon ko sa kanya ay inihanda ko na ang aking sarili sa susunod na salamangka na gagamitin ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at itinutok ko sa kanyang direksyon ang dulo ng aking baton. Dahan-dahan kong inipon ang aking enerhiya upang magawa ang salamangkang ito.

Nanlaki ang mga mata ako ng lumabas ang nagngangalit na kidlat sa aking baton. Wala pang isang segundo nang gumawa ito nang napakalakas na kulog. Gumapang ang kidlat na halos hindi nasundan ng aking mga mata. Napangiti ako ng tumama ang dulo ng kidlat sa dibdib ni Gionne na muling gumawa nang napakalakas na pagsabog.

"Ah! Alam mo na rin pala gamitin ang elemento ng kidlat" rinig kong saad ng isang pamilyar at maamong boses sa aking gilid.

Napalunok ako ng mariin habang pinagmamasdan ang makapal na usok na nagmumula sa direksyon ni Gionne. Muli kong naramdaman ang malakas na kabog ng aking dibdib. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at dahan-dahan kong nilingon ang aking gilid. Nakatayo roon si Glenn habang malumanay akong tinititigan.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon