Chapter 55
TITUS
"Tama ang iyong ginagawa! Ipagpatuloy mo lamang 'iyan." tipid na wika sa akin ni Io habang sabay namin na ikinukumpas ang aming mga kamay.
Napasinghap ng hangin habang pinagmamasdan ang malaking alon na abot na sa aking mukha. Sa loob ng tatlong buwan na pamamalagi namin sa loob ng Grimoire ng Punong Maestro ay nakikita ko na ang pagbabago sa aking pagsasanay sa elemento ng tubig. Noong nakaraang dalawang linggo ay nagawa ko na rin ng maayos ang unang itinuro niya sa akin noon.
Atras-abante pa rin ang aking ginagawang kumpas sa aking mga palad na nakabukas. Hinahayaan ko lamang ang pagdaloy nh tubig sa aking harap. Umaabante ang malaking alon sa aking harapan kapag naka-abante ang posisyon ng aking mga kamay at umaatras ang alon kapag hinihila ko palapit sa akin ang mga kamay ko.
Nasanay na rin ang mga kamay ko sa bigat ng tubig. Kung noong unang araw ay halos hindi man lang ako makaangat ng kjakarapot na tubig ngunit ngayon ay madali ko na itong nagagawa. Kaya ko na rin ang pagpapaangat ng malaking tubig na umaabot na sa aking mukha. Hindi na rin nangangalay ang mga kamay ko na para bang naging iisa sila nito.
"Iba talaga itong Baby ko!" natatawang saad sa akin ni Kisumi habang nagtatampisaw sa dagat. Magkaharapan kami ni Io ngayon dahil hindi na niya ako kailangan alalayan pa. Ganoon din ang ginagawa niya, kaya may isang malaking alon na tumatakip sa harap ng alon na ginawa ko. Mas prominente ang pagkakagawa niya ng kanyang alon dahil dumadagundong talaga sa loob nito ang malakas na bugso ng tubig. Lampas na rin sa kanyang tangkad ito.
"Kaya mo iyan Titus!" sigaw naman si Levi habang nagbabasa ng kanyang libro sa dalampasigan.
Tumawa ako ng mahina "Talagang ibabagsak mo iyan sa akin Io?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti "Oo naman. upang makita ko kung may natutunan ka ba talaga."
Sa loob ng tatlong buwan namin dito sa loob ng Grimoire ay may itinuro pang ibang klase ng abilidad si Io. Nakagagawa na rin ako ng bola ng tubig mula sa aking kamay na hindi gumagamit ng aking sariling mahika. Basta may tubig sa paligid, maaari kong gamitin ito upang gawin ang mga itinuro niya. Kaya alam kong hindi ako mahihirapan sa hinaharap.
Hindi lang iyon ang itinuro ni Io, tinuruan niya rin ako ng mga atake at depensa na gamit ang tubig. Sa loob ng tatlong buwan ay nangangapa pa rin ako ngunit patuloy akong natututo. Lagi niyang sinasabi sa akin na itatak ko sa aking isipan na ang susi upang makontrol ko ang elemento ng tubig ay maging malumanay at kaaya-aya ang kilos ng aking mga kamay.
"Handa ka na ba?" malalim na tanong niya.
Tumango ako "Handang-handa na!" malakas kong sigaw sa kanya.
Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot at dali-dali kong inabante ang kumpas ng aking mga kamay kaya mabilis na bumulusok patungo sa kanyang kinatatayuan ang malaking alon na ginawa ko. Akmang ngingiti na sana ako nang mapansin kong ganoon din ang ginawa niya. Kinain ng kanyang malaking alon ang alon na pinaghirapan ko kanina.
Nanlaki ang mga mata ko nang matakpan ng malaking alon na ilang metro lang ang layo sa akin ang mataas na sinag ng araw. Kailangan kong makaalis sa pwesto ko ngayon dahil kapag nanatili ako ay malulunod ako at tatangayin ako patungo sa dalampasigan. Dali-dali akong tumalon at ikinilos ko ng malumanay at kaaya-aya ang aking paa.
Animo'y lumulutang ako sa ibabaw ng dagat dahil itinuro rin sa akin ni Io ang paglalakad sa ibabaw ng tubig. Bumubulusok ang tubig kada yapak ko palayo sa malaking alon na ginawa ni Io. Mariin akong nakapagat ng pang-ibabang labi ng masaksihan ko na ginawa rin ito ni Io. Mas mabilis ang pagtaakbo niya sa ibabaw ng tubig kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasíaTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...