Chapter 44
TITUS
"Mmm..."
Mabilis akong napadilat ng aking mga mata nang marinig ko na may kumakatok sa aking bintana na gawa sa kahoy. Mahigpit pa rin ang yakap sa akin ni Milo, habang nakapatong ang kanyang ulo sa aking dibdib. Magmamadaling-araw na kaming natulog dalawa dahil hindi kami mapakali kung anong mangyayari ngayong araw. Nasasabik ako saa Grimoire na makukuha ko mamaya.
Dahan-dahan akong bumangon at binuksan ito. Nakita ko sa ibaba ng bintana si Nanay Agatha na dala-dala ang isang mahabang kahoy na may bakal sa dulo na ginagawang pangkatok sa mga kahoy ng bintana ng lugar. Suot-suot niya ang isang lumang besdita na gawa sa katsa o ang sakong pinaglalagyan ng harina. Dala-dala ang isang basket na naglalaman ng mga gatas ng baka na nakalagay sa babasagin na bote.
"Magandang umaga po Nanay Agatha, maraming salamat po sa paggising niyo sa akin." nakangiting pagpapasalamat ko habang kinakawayan niya.
Ngumiti ito "Walang anuman Titus-iho, gising mo na rin si Milo diyan dahil mag-aalasais na. Kailangan mo nang kumilos upang makapunta sa selebrasyon sa bayan." pagpapaalala niya.
Tumango ako at dali-daling pinuntahan si Milo sa higaan. Kahit tulog ang isang ito ay mariin pa rin na nakakunot ang kanyang noo. Marahan ko naman na tinampal ang kanyang pisngi upang magising. Isang literal na tulog mantika itong lalaking ito. Kung hindi pa ako mag-iingay nang mag-iingay ay hindi pa rin siya babangon. Marahan naman niyang binuksan ang mata niya kung saan agad kong nakitang nagbabaga ito.
"Umaga na po, baka gusto mong bumangon na at maghanda para sa pinakahihintay natin na araw." natatawang saad ko sa kanyang habang nakapamaywang.
Ngumiti siya at ngumuso "Nasaan ang pang-umagang halik ko?" malokong sagot niya sa akin. Inirapan ko na lamang siya at dali-daling bumaba sa kwarto upang maghain na ng aming almusal. Ito na ang pinakahihintay namin na araw. Ang selebrasyon kung saan tutungo kami sa Damabana upang hanapin ang aming Grimoire. Samu't-saring emosyon ang namumutawi sa buong katawan ko. Nasasabik, natutuwa at bahagya akong kinakabahan.
Tatlong-taon na rin kaming magkarelasyon ni Milo. Simula noong halikan niya ako sa harap ng mga estudyante sa paaralan namin at linigawan niya kaagad ako. Kahit na alam ko sa aking sarili na siya rin aang tinitibok ng puso ko ay nagpakipot din ako. Umabot ng isa't-kalahating taon ang panunuyo niya sa akin bago ko siya sagutin. Wala naman masama kung magkaroon kami ng relasyon.
"Ang bango naman ng niluluto mo. Pwede bang ikaw na lang ang kainin ko?" mapang-asar na tanong sa akin ni Milo habang yakap-yakap likod ko.
Ngumiti ako "Huwag po! Ako na lang kakain sa'yo! Ahahahaha." natatawang sagot ko sa kanya.
Matapos namin kumain ng almusal ay dali-dali rin kaming na nag-ayos ng sarili. May sulat na pinadala kahapon ang mga magulang ko ngunit hindi ko pa ito nababasa na sinamahan pa ng isang paketeng gintong barya. Pagkalabas namin sa bahay, naglipana sa buong paligid ang mga kabataan na labing-limang taong gulang o higit pa. Umaga pa lamang ngunit maingay na ang buong daan.
Pagkalabas namin ay kumaway-kaway lang sina Nanay Agatha at Tatay Berto sa amin ni Milo mula sa bintana ng kanilang bahay. May kataasan na ang araw ngunit malamig pa rin nag simoy ng pang-umagang hangin. Napangiti na lang ako nang maramdaman ko na gumapang sa aking kanang kamay ang mga daliri ni Milo. Sabay kaming naglakad patungo sa Dambana ng Grimoire.
"Bakit kaya ako pinagtitinginan ng mga tao? May dumi ba ako sa mukha?" nagtatakang tanong sa akin ni Milo matapos namin madaanan ang kumpol ng mga kabataan malapit sa tulay.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...