Chapter 41

2.4K 171 49
                                    

Chapter 41


TITUS


"B-bakit kailangan naman umabot sa ganito?" mahinang saad ko sa aking sarili habang yakap-yakap ang magkabilang binti ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nai-poproseso ng aking isipan ang mga nangyari kanina sa silid ng Punong Maestro. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan umalis ni Milo ng Akademiya. Matagal na niyang pinapangarap na makapag-aral dito kaya hindi ko matanggap na para bang wala lamang sa kanya ang pagpapa-alis sa kanya rito.

Ako ang saksi sa lahat nang pagpupursige niya noon. Nakita ko sa kanyang mga mata ang nag-uumapaw na apoy upang magpatuloy. Lahat ng napagdaanan niya ay nasubaybayan ko. Kaya masakit sa aking dibdib na hindi man lang niya ipinagtnggol ang kanyang sarili sa Punong Maestro. Sa tatlong-taon niyang pananatili rito ay alam kong napunan nito ang daan na tatahkain niya.

Marahan umihip sa aking balat nag pang-gabing hangin. Mag-aalas otso na ng gabi at usap-usapan na ng mga estudyante ang nangyari kay Milo. Hindi ko alam kung anong kahilangan ang tinupad ng Emperador sa kanya ngunit ang i-abandona ang kanyang pag-aaral? Hindi ko matanggap lalo na't magtatapos na siya sa semestreng ito.

"Alam mo Titus, kailangan din natin timbangin ang pangyayari at ang kanyang desisyon." rinig kong saad ni Levi sa aking tabi.

Nilingon ko siya kung saan bahagyang tinatangay ng hangin ang kanyang kayumangging buhok. Ang mga mata niyang kulay berde ay tutok na tutok sa librong binabasa niya. Suminghap ako ng hangin at napatingin na lamang sa bilog na buwan na nasa itaas. Sa labis na liwanag nito ay malinaw pa rin ang likod ng Dormitoryo kahit na gabi na.

Hawak-hawak ko pa rin ang Grimoire ni Milo. Siya ang may-ari nito at kailangan kong ibalik ito sa kanya. Hindi ito isang ordinaryong libro na maaaring ipamigay kapag natapos ng basahin. Malumay kong sinuri ang magandang pagkakadisenyo ng kanyang pulang Grimoire na may apat na bituin. Hindi niya maaaring ibigay sa akin dahil siya lamang ang tagapagmana nito.

Bumuntong hininga siya "Hindi ko kilala si Milo ng personal dahil bihira kaming mag-usap nasa iisang-pangkat kami ngunit ang isuko niya ang kanyang pangarap para lamang sa kahilingan? Nakakapagtaka lang dahil napapaisip ako kung ganoo kalalim ito." kalmadong dagdag niya pa at tinignan ako.

Mariin akong napakagat ng pang-ibabang labi. Ang sakit-sakit lang sa aking parte dahil pakiramdam ko ay hindi man lamang ako pinagkatiwalaan ni Milo. Kung may pinagdadaanan siya, maaari naman niyang isangguni sa akin iyon dahil nangako kami sa isa't-isa noon na magtutulungan kami hanggang sa dulo ng aming mga buhay.

Sa loob ng tatlong taon niya rito sa Akademiya ay labis din ang kanyang ipinagbago. Ako na lang ba ang umaasa sa amin na muling babalik aang aming relasyon sa isa't-isa? Ako na lang ba ang nag-iisip sa mayroon pang apoy sa aming dalawa? Ako na lang ba ang nangangarap na sabay kaming maglilingkod sa bayan? Ako lang siguro, ako lang at hindi na ito pumapasok pa sa isipan niya.

Ang sakit-saakit ng dibdib ko dahil tatlong taon ko siyang hinintay. Tatlong-taon akong nagtiis na hindi siya makita. Tatlong-taon kong pinanghawakan ang aming relasyon kahit na hindi siya nagpaparamdam sa akin. Kahit na nakapasok ako sa Akademiya ay pakiramdam ko ay ang layo-layo niya pa rin. Hindi na siya maabot pa ng mga kamay ko.

Isinara niya ni Levi ang kanyang binabasang libro "Isa lang ang maipapayo ko sa'yo ngayon Titus. Aalis na si Milo maya-maya kaya sabihin mo na ang nasa saloobin mo. Sabihin mo sa kanya ang lahat dahil iyon lamang ang paraan upang gumaan ang iyong pakiramdam." mayumi niyang saad habang dahan-dahan akong itinayo.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon