Chapter 76

1.6K 121 34
                                    

Chapter 76


TITUS


"Narito na tayo..." malalim at mahinang wika sa akin ni Io habang sabay namin na pinagmamasdan ang malaki at mataas na tore na nasa aming harapan.

Tumango ako "Wala na tayong oras pa at kailangan na natin makapasok sa toreng ito. Kakaunti lamang ang ating oras upang gawin ang ating misyon bago matapos ang pagtitipon sa loob ng Kastilyo." malumanay na sagot ko sa kanya.

Nilingon ko ang aking likod kung saan rinig pa rin ang pakikipaglaban nina Kisumi at Levi sa mga Kawal ng Imperyo pati na rin sa Komandante ng Emperador. Tanaw ang pakikipagbuno nila sa mga Kawal na sapilitan na kinokontrol ng Komandante. Nararamdaman ko na matatalo nila ang mga ito dahil malaki ang tiwala ko sa kanilang dalawa.

Napagdesisyunan na susunod na lamang sina Kisumi at Levi kapag natapos ang kanilang pakikipaglaban. Nahulog kaming dalawa ni Io sa malalim na butas sa kalupaan na ginawa ni Levi upang mas mabilis kaming makarating dito. Ayon sa kanya, mas mabilis kaming makakarating sa toreng ito kapag sa ilalim kami ng lupa dumaan dahil wala kaming makakasalubong na mg Kawal.

Madilim, makipot at mahabang butas ang ginawa niyang daan. Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at sinuong namin ito ni Io. Ginamit ko ang elemento ng apoy dahil iyon ang nagbigay liwanag sa amin. Ang elemento ng hnagin ay nagsilbing tagapag-ayos ng aming hininga at ang elemento ng lupa upang mas mabilis kaming makakilos sa ilalim.

"Higit dalawangpung minuto na lamang ang mayroon tayo upang makuha natin ang iyong Grimoire ngunit alam na ng Emperador na narito tayo." malalim na dagdag pa niya habang inuunat-unat ang kanyang katawan.

Tumawa ako ng mahina "Tama ka, kaya pagpasok natin sa toreng ito ay wala ng atrasan pa. Nararamdaman ko na maraming mga Kawal ang nag-aabang sa atin sa loob niyan." malumanay na sagot ko sa kanya.

Katulad din ng disenyo ng Kastilyo ang toreng ito na matatagpuan sa silangan. Gawa ito sa mga pinagpatong-patong na malalaking tipak ng bato at may hugis tatsulok ang ibabaw. Mapapansin na walang anumang bintana ang makikita sa paligid nito. Animo'y tanging ang pinto lamang sa aming harapan ang nag-iisang paraan upang makapasok kaming dalawa rito.

Malamig ang pagsimoy ng panggabing hangin na dumadampi sa aming mga balat. Bahagya rin nitong tinatangay ang aming mga buhok. Ang malaking buwan sa itaas ang nagsisilbi naming liwanag. Mayayabong ang mga puno na matatagpuan sa paligid ng Kastilyo pati na rin ng toreng ito. Huminga ako ng malalim at pilit na ikinalma ang aking sarili.

Mariin akong napahawak sa aking baton dahil nangingnig ang mga kamay ko sa labis na kaba. Animo'y lalabas na sa aking lalalunan ang aking puso na mabilis kung tumibok. Ramdam na ramdam ko rin ang paghaharumentado ng aking dibdib. Pati na rin ang pagdaloy ng kakaibang kuryente sa buong kong katawan. Nagsimula na rin mamuo ang butil ng pawis sa aking noo.

Huminga ako ng malalim "Handa ka na ba Io? Kasi ako, handang-handa na. Papasukin ko na ang toreng iyan." malumanay na tanong ko sa kanya at itinutok ang aking baton sa dalawang malalaking pinto na gawa sa maganda at makapal na klase ng punong kahoy.

Tumawa siya ng mahina at mabilis na ginulo ang aking buhok "Matagal na natin pinagpaplanuhan ito at handang-handa na ako na makipaglaban sa kanila. Huwag mong sayangin ang sakripisyo ng mga tumulong sa iyo upang makarating ka ngayon sa kinatatayuan mo. Hindi na ikaw ang dating Titus." malalim na sagot niya sa habang tipid na nakangiti sa akin.

Hindi na ako sumagot pa at mariin na pinagmasdan ang makaling pinto sa aming harapan. Mabilis na naglabas ng kakaibang liwanag ang Grimoire ni Milo na animo'y nagbabagang apoy. Agad itong nagpapalit-palit ng pahina kaya itinutok ko na ang aking baton doon. Dahan-dahan kong inipon ang aking enerhiya.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon