Chapter 79

1.6K 129 53
                                    

Chapter 79


TITUS


"Hindi ko inaasahan na makikipagsabayan ka sa akin kanina Glenn -----" napahinto na lamang ako sa aking pagsasalita.

Mabilis na tumarak sa aking likod ang isang matalim na espada na lumabas sa aking tiyan. Agad na bumulwak ang masagang dugo sa aking bibig. Ilang sandali pa ay marahas akong napasigaw dahil isang malakas na kidlat ang tumama sa buo kong katawan. Nanlaki na lamang ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko si Glenn sa hindi kalayuan.

"Hindi magandang gawain na kalimutan na kasama ako sa laban na ito." malamig na saad ni Gionne sa akin at marahas na tinanggal ang kanyang matalim na espada sa aking katawan.

Agad na nawalan ng lakas ang buo kong katawan at napansin ko na lamang na bumabagsak na ang aking katawan patungo sa lupa. Uminit ang aking mga mata dahil naiiyak ako sa labis na sakit ng kanyang pagkakasaksak sa akin. Unti-unting lumalabo ang aking paningin at patuloy ang pagdaloy ng aking masanang dugo.

Dito na ba ako mamamatay? Dahil lamang sa atakeng iyon ay mawawala na ang lahat nang pinaghirapan ko? Kaya ko bang biguin ang lahat ng taong tumulong sa akin noon? Kapag namatay ako ngayon paano na lamang si Milo? Paano na lamang sina Io, Kisumi at Levi? Paano na lang silang nagsakripisyo para sa akin?

Agad kong inipon ang aking natitirang lakas dahil hindi ako maaaring mawala sa mundong ibabaw sa ganitong paraan. Dahan-dahan kong pinadaloy ang aking enerhiya patungo sa aking kamay. Wala pang isang segundo nang mapansin ko na ngakaroon ng bugso ng tubig na bumabalot sa aking kanang kamay.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi "Hindi niyo ako mapapatay ng ganito!" malakas na sigaw ko at dali-daling inilagay ang aking palad sa aking tiyan.

Nanlaki ang mga mata ko dahil ilang metro na lamang at babagsak na ang aking katawan sa kalupaan. Kinalma ko ang aking sarili at pinanatili na nakalagay ang aking kanang kamay sa aking sugatan na katawan. Agad kong ikinilos ng marahas ang aking kaliwang kamay upang magamit ng maayos ang elemento ng lupa.

Umusbong ang malambot na lupa at dali-dali nitong sinalo ang buo kong katawan ng ligtas. Habol ang aking hiningang humiga roon habang pinagmamasdan ang magkapatid na nakalutang sa aking ibabaw. Mabuti na lamang at itinuro sa akin ito ni Io na maaari kong pagalingin ang aking mga sugat gamit ang elemento ng tubig.

Nahimasmasan ako nang mapansin kong unti-unti nang sumasarado ang malaking sugat a aking tiyan at likod. Huminto na rin ang labis na pagdurugo nito at muli nang nanumbalik ang aking nawalang lakas. Umayos na rin ang daloy ng aking paghinga at kalmado na ang aking katawan. Hindi ko pa nagagawa ang misyon ko.

Dahan-dahan akong tumayo "Hindi pa ako maaaring mawala sa mundong ito dahil hindi ko pa nagagawa ang aking misyon. Hindi ko hahayaan na gamitin niyo sa pakikidigma ang aking Grimoire." marahas kong sigaw kay Glenn at Gionne.

Hindi naman sumagot si Glenn at sumilay lamang sa kanyang maamong mukha ang tipid na ngiti. Habang si Gionne naman ay wala nang sinayang na oras at sumugod na patungo sa aking kinatatayuan. Nagtagis ang aking bagang kaya agad na nagpalipat-lipat ang pahina ng Grimoire ni Milo na nakalutang sa aking harpan.

Gumawa ako ng espada katulad ng sa kanya na konsentrado ng sarili kong mahika. Ramdam na ramdam ko ang init na taglay nito na dumadampi sa aking pisngi. Nagbabaga ang talim nito at naglalaggablab ang enerhiyang inilalabas nito. Tinuruan ako ni Kisumi na makipaglaban gamit ang mga armas noong nagsasanay kami.

"Kailangan namin ang Grimoire mo upang mai-sakatuparan ng Emperador ang pagkaka-isa ng buong mundo." rinig kong wika sa akin ni Gionne habang papasugod sa aking kinatatayuan.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon