Chapter 14

5K 282 27
                                    

Chapter 14


TITUS


"Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kaya kita hinahanap." nagtatakang tanong sa akin ni Glenn, isang oras ang lumipas noon makapasa ako sa ikalawang pagsusulit.

Ngumiti ako ngunit bakas pa rin ang hindi mapakaling mukha. Gustong-gusto ko na siyang makita. Ang tagal-tagal ko nang nangungulila sa kanya. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang tanungin kung bakit hindi niya sa akin ipinaalam na mag-aaral siya sa Akademiya. Bakit niya ako iniwan sa ere. Marami akong gustong malaman.

"Nagpahangin lang ako sa isang balkonahe sa taas kanina saka pinanood ko rin iyong mga ibang estudyante sa unang bahagi ng pagsusulit. Pasensya ka na, napagod na kasi ako kakalakad kanina." nakangiti ngunit pagpapalusot kong sagot sa kanya. Sana hindi niya mapansin ang kakaibang itsura ng mukha ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya naman agad akong napaatras at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang tingnan si Glenn habang iniisip ko kung kailan kami magkikita. Kaya kailangan kong makapasa sa ikatlong bahagi ng pagsusulit. Nangangailangan ako ng mga kasagutan.

Buong akala ko, mawawala na itong nararamdaman ko dahil halos tatlong-taon na ang lumipas. Ngunit hindi pa rin pala, isa pa rin siya sa mga dahilan kung bakit nais kong makapag-aral sa Akademiyang ito. Nais ko siyang sundan at gusto kong makita ang progreso niya. Nakakainis at siya pa rin talaga, kung nadidiktahan ko lang ang sarili ko matagal ko nang ginawa.

Hindi mawala sa aking isipan ang kakaibang pagbabago niya, mas naging matangkad na siya, mas naging brusko at mas naging prominente ang kanyang pangangatawan. Ganoon naman na siya noon ngunit sa loob ng tatlong-taon niyang pamamalagi sa loob ng Akademiyang ito mas hinubog nito ang buong pagkatao niya.

Hindi na ako mapalagay kasi abo't kamay ko na siya. Oras o araw na lang ang bibilangin at muli ko siyang makaka-usap. Labis akong nananabik na makasama siya.

"Ang lalim ng iniisip mo. Ano bang nangyayari sa'yo? Namumutla iyang mukha mo." nag-alalang tanong sa akin ni Glenn.

Umiling ako "Ayos lang naman ako saka iniisip ko lang kung anong mga sasabihin ko roon sa mga Maestro sa ikatlong bahagi ng pa-unang pagsusulit." muling pagpapalusot ko.

Ayaw kong malalam ni Glenn ang lahat ng ito, ang alam ko kasi buong akala niya ay wala akong kakilala sa Akademiyang ito. Saka mabuti na rin na itago ko muna sa kanya ito. Oo kaibigan ko siya ngunit marami rin akong hindi alam tungkol sa pagkatao niya. Natatatok akong layuan niya ako o iwasan kapag nalaman niya kung sino o ano ang gusto ko. Isa siyang matalik na kaibigan ngunit hindi pa akong handa na sabihin ito sa kanya.

Hahanap na lamang ako ng tiyempo na sabihin sa kanya kapag komportable na ako at kung nararamdaman ko na hindi niya ako huhushagan kapag nalaman niya iyon. Ayaw ko nang mawalan ng kaibigan kaya kailangan ko munang ilihim ito pansamantala. Sasabihin ko sa kanya sa tamang panahon at pagkakataon.

Ramdam ko ang kanyang mainit at mabangong hininga sa aking pisngi "Hmm... Iyan lang ba ang bumabagabag diyan sa isip mo o may iba pa?" nagtataka niyang pang-aasar sa akin.

Bumutong hininga ako at hinampas ng mahina ang kanyang braso "Ikaw talaga... Iyon nga lang ang iniisip ko ano ka ba. Oo nga pala... Gusto kong magpasalamat sa iyo. Hindi pa ako pormal na nakapagpasalamat sa lahat ng itinulong mo. Taus-puso akong nagpapasalamat sa'yo, Glenn." nakangiti kong sabi sa kanya.

Nanatili naman siyang nakatingin sa labas ng malaking bintana at pinagmamasdan ang mga estudyante sa ibaba. Hindi naman siya sumagot at ngumiti lamang siya. Ramdam ko ang sinseridad sa mga ngiting iyon. Hayaan mo sasabihin ko rin sa'yo ang lahat Glenn, hayaan mo lang muna akong umipon ng lakas ng loob at kapal ng mukha.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon