Chapter 24
TITUS
Akmang aalis ko na sana ang kanyang kamay sa palapulsuhan ko nang marahan niya akong hinila kaya dali-daling bumagsak ang katawan ko sa kanyang buhad na dibdib. Huli na ng aking mapansin na may malambot na parte ng kanyang katawan sa aking labi.
Nanlaki na ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang aking sarili na nakapalat ang aking labi sa mapupulang labi niya. Mas lalong nagharumentado ang dibdib ko sa labis na paglakad ng pagkabog nito. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang labi.
Parang sinisilaban ng apoy ang buong katawan ko. Gusto kong kumawala at inangat ang aking sarili upang humiwalay na ang aming mga labi ngunit hindi ko magawa. Labis na nanlalambot ang tuhod at paa ko na pakiramdam kong hindi ko man lang ito maipalat sa sahig mula sa pagkakabagsak ko sa kanya.
"M-Milo..." mahinang saad ko sa kanya upang bitiwan ako mula sa mariin niyang pagkakahawak sa akin ngunit nakapikit pa rin ito na para bang nananaginip lang.
Mas lalong gumapang ang kakaibang kuryente sa katawan ko nang simulan makipaghalikan sa akin ng todo. Amoy na amoy ko ang mabango niyang bibig habang dahan-dahan niyang ipinapasok ang kanyang dila sa akin. Sa hindi ko malaman na dahilan ay sumusunod ang katawan ko sa kanyang gusto.
Ang tagal ng panahon nang muling magdikit ang aming mga labi sa isa't-isa. Ang tunog ng aming paghahalikan ay animo'y musika sa aking pandinig. Ang kanyang dila ay eksperto sa paglalakbay sa aking labi. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang tensyon na namumuo sa aking katawan.
Napakainit at para akong mapapaso sa bawat pagdikit ng aming mga labi. Marahas ang kanyang paghinga na animo'y maaubusan siya ng hangin sa aming paghahalikan. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang ang kanyang mga braso na kanyang inangkla sa aking batok kaya mas lalong lumalim ang paghahalikan namin.
Naramdaman ko na lang ang aking sarili na nakikipagkompentensya na rin sa kanya. Sinasalubong ko ang kanyang malalambot na labi at marahan na kinakagat-kagat. Hindi ko na rin maiwasan na ilibot ang kanyang bibig gamit ang aking dila. Napapikit ako habang ninanamnam ang bawat sandali.
Bahagyang tinatangay ng pang-gabing hangin ang kurtina ng kanyang kwarto kung saan bukas ang mga bintana nito. Saksi ang buwan at mga bituin sa ginagawa namin ito. Marahas akong kumawala mula sa pakikipaghalikan kay Milo at umupo sa kanyang ibaba ng kanyang tiyan.
Pinagmasdan ko ang natutulog nitong itsura "H-hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo. G-gulong-gulo na ako at nababaliw na ako sa'yo. H-hindi ko na mapigilan itong nararamdaman ko kaya patawarin mo ako sa magagawa ko sa'yo." malumanay na saad ko at iniyuko ang aking sarili upang makipaghalikan muli sa kanya.
Una kong hinalikan ang kanyang noo pababa sa magkabilang talupak ng kanyang mga nakapikit na mga mata tungo sa pinkatungki ng napakatangos niyang ilong. Muli kong ninamnam ang lasa ng kanyang labi nang muling magtagpo ito. Mas lalong naging agresibo at marahas ito.
Napapikit na lamang ako nang muli kong maramdaman ang kanyang dila na pumapasok sa aking labi. Ramdam na ramdam ko ang pagtagaktak ng aming mga pawis. Hindi man lamang matanggal ng napakalamig na hangin mula sa labas ang nagliliyab naming mga katawan.
Ang karnal na pagnanasa ay unti-unting umuusbong sa aking katawan kaya wala sa sarili kong tinanggal ang aking suot na itim na roba pati na rin ang panloob nitong puting uniporme. Tanging ang itim na pantalon na lamang ang tanging saplot na naiwan sa aming dalawa.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kanyang pagkalalaki na bahagyang tumutusok sa aking pang-ibaba. Wala sa sariling ginalaw-galaw ko ang aking katawan upang salubungin ang ginagawa niya. May kung anong impit na boses pa ang kumakawala sa aking bibig.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...