Chapter 60

1.7K 133 10
                                    

Chapter 60


TITUS


"Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa akin Titus?" tanong sa akin ni Glenn habang dala-dala ang gamit naming dalawa.

Tatlong buwan na ang lumipas noong nagsimula akong magsanay kasama sina Io, Kisumi at Levi. Sa loob ng tatlong buwan matapos magsimula ang ikalawang semestre ay tatlong taon ang nanaatili sa loob ng Grimoire ng Punong Maestro. Patuloy pa rin ang pagturo sa akin ng iba't-ibang abilidad gamit ang elemento ng tubig, hangin at lupa.

Dalawang linggo na lamang bago mag-bagong taon kaya pinapauwi muna ang mg estudyante ng Akademiya sa kani-kanilang mga Bayan upang makasama nila ang kanilang Pamilya. Kahapon pa umalis sina Io, Kisumi at Levi at kaninang umaga naman si Ruhk. Kaunting estudyante na lamang ang makikita sa Dormitoryo at magkasama kaming dalawa ni Glenn ngayon.

Maayos naman ang pagsasama namin ni Glenn. Hindi na rin niya ako tinanong sa ginagawa ko sa hapon. Para bang nasanay na siya na wala ako ng ganoong oras. Si Glenn din ang nanguna sa aming taon dahil katatapos lamang ng pa-unang pagsusulit ng ikalawang semestre noong unang linggo. Naging mababa ang resulta ng aking pagsusulit dahil hindi ko pa rin makontrol ang mahika sa Grimoire ni Milo.

Umiling ako "May kailangan kasi kong puntahan. Gustuhin ko man na sumama sa'yo ay hindi ko magagawa." nakangiting saad ko sa kanya at kinuha na ang gmit ko na buhat-buhat niya.

Tumango siya "Sige, sa susunod na taon na lang tayo magkita. Kapag nagbago ang isip mo, nasa Bayan lamang ako ng Clarines dahil doon ako maghihintay ng Bagong Taon."

Nakangiti ang maamong mukha ni Glenn sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa aking mukha at inilagay ang ilang buhok sa ibabaw ng aking tainga. Ilang sandali pa ay halos mawalan ako ng balanse ng halikan niya ako sa kaliwang pisngi. Matapos nito ay niyakap niya lamang ako ng mahigpit. Hindi naman ako makapagsalita sa kanyang ginawa dahil gulat pa rin ako.

Ginulo niya ang aking tuktok ng aking buhok "Maligayang Bagong Taon sa iyo. Oo nga pala, bago ako umalis ay may ibibigay ako sa'yong regalo. Buksan mo na lamang iyan kapag nakarating ka na sa paroroonan mo." nakangiting wika niya at inabot sa akin ang isang maliit na kahon na may magandang balot.

Tuluyan ng umalis si Glenn gamit ang kanyang walis. Kumaway lamang ako bilang pagpaalam sa kanya. Tinanong ako ni Glenn nitong nakaraang kung magtutungo ba ako sa Bayan ng Slavia ngunit sinabi kong hindi dahil baka pagkumpulan nanaman ako ng mga tao roon. Binabalak kong magtungo sa kwebang tinataguan ko noong tumakas ako roon.

Uuwi ako ng Slavia ngayon araw at mamayang gabi pa ako makakarating doon. Nais kong gamitin ang tatlong linggong bakasyon upang aralin ang elemento ng apoy. Hanggang ngayon ay hirap pa rin akong kontrolin ito ng maayos at lagi itong sumasabog sa aking kamay kapag ginagamit ko. Mas mabuti na magsanay muna ako dahil gusto ko sa susunod na taon ay kahit papaano ay alam ko na ang gagawin ko.

Saka may isa pa akong gagawin sa Slavia. Magtutungo ako roon upang tignan kung pinaghahahanap pa rin ba ako ng Emperador kahit na nasa kanya ang aking Grimoire. Pupunta rin ako sa aming bahay dahil at palihim na titira roon. May isa pa akong misyon na kailangan kong asikasuhin. Kakausapin ko ang matanda sa Dambana ng mga Grimoire sa aming Bayan.

"Maligayang Bagong Taon sa Akademiyang ito." nakangiting saad ko at binitbit na sa aking likod ang sisidlan ng mga gamit ko.

Mabilis akong lumipad gamit ang aking walis. Ilang oras ang lumipas at nakarating ako sa Bayan ng Slavia ay lumubog na ang araw. Gabi na ngunit sinuot ko pa rin ang ginamit namin noon ni Glenn sa Bayan ng Slavia. Sinuot ko ang itim na piluka at itim na pantakip sa kulay ng aking gintuang mga mata. Nagpakilala ako bilang isang estudyante ng Akademiya kaya dali-dali akong pinapasok saa tarangkahan.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon