Chapter 21

4.1K 254 79
                                    

Chapter 21


TITUS


"A-ano Milo, kumain ka na ba?" nahihiyang tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa aming kwarto sa dormitoryo.

Katatapos lang ng aming pang-hapon na klase at nagtungo sa hapag-kainan upang kumuha ng aking hapunan. Dinalhan ko na rin si Milo, nagbabakasakali ako na hindi pa ata siya kumakain. Alam kong hilig niya ang ganitong klase ng ulam. Mahilig siya sa masasabaw dahil ito ang gustong-gusto niya noong mga bata pa kami.

Bahagyang tinatangay ng pang-gabing hangin ang kanyang itim na maikling buhok habang tahimik na nagbabasa ng libro sa tapat ng kanyang gasera. Maliwanag sa loob ng kwarto dahil na rin sa mga nakasinding kandila na nakasabit sa dingding nito pati na rin ang pumapasok na liwanag mula sa malaking buwan sa labas.

Hindi ko pa rin na maiwasan na mamangha sa itsura niya. Kapag nakikita ko ang kanyang mapupulang labi ay tila napakasarap nitong halikan. Napakaganda rin ng pagkakatangos ng kanyang ilong pati na rin ang pagkakatabas ng kanyang panga. Nag-uumapaw ang pwersa ng pagiging lalaki sa kanya.

Nilingon niya lamang ako kung saan muli kong nakita ang kanyang kulay pulang mga mata na animo'y nag-aalab. Para naman akong mawawalan ng hininga mula sa titig niya kaya agad akong napaiwas ng tingin. Hindi naman siya sumagot at muling binalik ang atensyon sa binabasa.

Tumango na lamang ako at dali-daling pumasok upang i-handa ang aming pagkain. Ramdam na ramdam ko ang paglakas ng kabog ng dibdib ko kahit likod na lang niya ang nakikita ko mula sa pagkakaupo niya sa kanyang sariling lamesa. Tahimik ko naman na inilagay sa ibabaw ng lamesa ang pagkain.

"Ano ba! Sinabi ko bang kausapin ako?!" malakas na sigaw sa akin ni Milo kung saan marahas at dali-dali niyang tinabig sa aking direksyon ang mainit na sabaw.

Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi maiwasan na mapahiyaw sa sakit sa pagtama sa aking balat ng mainit na sabaw na iyon. Pakiramdam ko ay binalatan ang ng sariwa ang braso't kamay ko. Ilang sandali pa ay tuluyan nang lumabas sa aking mukha ang nagbabadya kong luha.

Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at agad akong lumabas ng kwarto. Nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko mula sa mariin kong pagkakakagat dito. Kung sinu-sino pang estudyante ang nabangga ko habang papalabas ako ng dormitoryo. Hindi ko napansin na dinala na pala ako ng mga paa ko sa likod na parte nito.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng aking luha habang pinagmamasdan ang malaking lapnos sa magkabila kong braso't kamay. Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil ramdam na ramdam ko ang hapdi na dulot ng mainit na sabaw na nabuhos sa akin.

Napaupo na lamang ako sa damuhan dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natataranta na ako at baka malaman nila na si Milo ang dahil kung bakit ako nalapnusan. Hindi ko alam kung tutungo ba ako sa pagamutan dahil itatanong nila sa akin ang tunay na nang nangyari.

"Kumalma ka muna, huwag mong kagatin ng marahas ang mga labi mo dahil kanina pa tumutulo dyan ang dugo." isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likod.

Nang lingunin ko ito ay siya rin ang lalaking nagligtas sa akin nang kamuntikan na akong malaglag sa hagdan at siya rin ang nagdala sa akin sa pagamutan ng himitayin ako sa hapag-kainan. Mas lalong bumuhos ang luha ko na parang isa akong batang naliligaw at hindi malaman kung anong gagawin.

Tumabi naman sa akin ang lalaking may mahaba at puting buhok. Hindi ito nakatali ngayon kaya bahagya itong tinatangay ng hangin. Wala pa rin akong nababakas na emosyon sa kanyang mukha at sa tono ng kanyang boses ngunit wala na akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ngayon ay tutulungan niya ako.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon