Chapter 85

1.7K 111 16
                                    

Chapter 85

MILO


"Hindi ako makapaniwala na walang mahikang taglay ang batang iyon. Hindi man lamang niya namana ang kapangyarihan ng kanayang mga magulang." saad ng isang matandang babae habang nililingon ang mag-ina na naglalakad patungong Bayan.

Napa-ismid ako dahil kahit ako hindi ako makapaniwala na katiting na mahika sa kanyang katawan. Bakit parang wala lamang iyon sa kanya? Hindi niya ba alam na hindi siya makakaligtas sa mundong ito kapag wala siyang mahika?

Hindi naman habang buhay ay kasama niya ang mga magulang niya! Sino na lang ang poprotekta sa kanya? Hindi ko maintindihan! Paano siya nakakatawa at nakakangiti kahit na nalaman niya na wala siyang kapangyarihan?

Napakuyom ang ako ng aking mga palad "Sisiguraduhin ko na balang araw ay lalabas ang mahika mo. Maghintay ka lamang, Titus."

Simula ng araw na iyon ay hindi ko na siya tinigilan pa na awayin. Walang araw na lumalampas na hindi ko siya natutukso o na-iinsulto. Palagi siyang laman ng bibig ko dahil ito lamang ang paraan na alam ko.

Kapag nagalit siya sa akin maaaring lumabas ang kanyang mahika ng hindi niya inaasahan. Baka natutulog lamang ito sa kanyang katawan at kinakailangan ng kakaunting galaw upang umusbong ito.

"Kwawa ka naman, hindi mo namana ang mahika ng mga magulang mo." inis at iritable kong saad sa kanya habang kinukwelyuhan ko siya.

Napatitig lamang ako sa kanyang ginintuang mga mata na tuluyan nang nawalan ng sigla. Tama lang iyan! Magalit ka sa akin! Sa paraan na ito ay lalabas na ang mahika mo at hindi ka na nila tutuksuin pa!

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil animo'y nilalamon niya ako gamit ang mga matang iyon. Hindi ko maiwasan ang aking sarili na mapatitig na lamang dito. Punong-puno ito ng buhay at pag-asa.

Ngunit bago tuluyan na umusbong ang galit sa kanyang mukha napalitan ito ng takot at lungkot. Ngayon ko lamang ito nakita sa kanya kaya otomatiko na lumuwang ang pagkakahawak ko sa kanyang kwelyo.

Tinitigan niya ako "W-wala naman akong ginagawang masama sa'yo! B-Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito?" nagtatak niyang tnaong sa akin kung saan napansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Animo'y may tumusok sa loob ng aking dibdib nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Hindi ako makatulog ng hapon na iyon dahil pakiramdm ko ay sumobra na ako. Dito ko na sinimulang kwestyunin ang ginagawa ko.

Dito ako napaisip na hindi na tama ang ginagawa ko sa kanya. Ayaw kong titigan niya ako ng ganoon. Para akong mauubusan ng hininga kapag nagpatuloy pa ito. Kailangan ko nang ihinto ito.

"Milo-Apo, hinahanap ka nina Nanay Tatania mo sa baba. Ano nanamang ginawa mong bata ka kay Titus?" malumanay na wika sa akin ni Nanay Inez nang pumasok siya sa loob ng aking maliit na kwarto.

Yumuko ako at napakagat ng pang-ibabang labi "Hindi ko naman po sinasadya. Nais ko lang pong lumabas ang mahika ni Titus sa kanyang katawan." mahinang tugon ko sa kanya.

Ngumiti si Nanay Inez "Bumaba ka na roon at humingi ka ng pasensya kay Titus at kay Nanay Tatania mo. Kausapin mo sila doon upang malaman nila ang rason mo."

Sinunod ko na lamang ang sinabi sa akin ni Nanay Inez. Doon ko nakita na nakaupo si Titus at hindi kao nililingon. Napayuko na lamang ako at dali-daling lumapit kay Nanay Tatania. Nakangiti niyang ginulo ang buhok ko.

Hindi naman siya nagsalita at sabay kaming lumabas ng aming maliit na bahay. Nakayuko lamang ako dahil nahihiya ako kay Nanay Tatania dahil itinuring niya akong Anak tapos ganito lamang ang gagawin ko sa Anak niya.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon