Chapter 48

2.1K 157 18
                                    

Chapter 48


TITUS


"Magandang hapon po sa inyo, Punong Maestro." mayuming pagbati ko sa kanya nang paupuin niya ako sa harapan ng isang malaking pisara sa loob ng kanyang silid.

Papalubog na ang araw sa labas at katatapos lamang ng aming klase kay Maestra Raphaela. Pupuntahan ko pa sana si Ruhk upang tignan kung anong lagay niya ngunit hindi na ako pinayagan pa at kailangan ko na raw dumiretso rito.

Nakaupo sa ibabaw ng lamesa ang Punong Maestro habang hinihimas-himas ang kanyang mahabang puting balbas. Hawak-hawak niya ang kanyang Grimoire na kulay berde. Sa magandang pabalat nito ay makikita ang tatlong bituin.

"Magandang hapon din sa'yo Titus. Pasensya na kung ngayon lamang uli tayong nakapag-usap. Marami kasi kaming inaasikaso rito sa Akademiya." nakangiting sagot sa akin ng Punong Maestro ay malakas na pinitik ang kanyang daliri.

Agad na lumiwanag ang buong paligid dahil isa-isang naglabas ng apoy ang mga kandali sa gilid. Mas lalong naging malinaw sa akin ang magandang itim na roba at mahabang patulis na sumbrero na suot ng Punong Maestro.

Umiling ako "Wala po iyon sa akin, Punong Maestro. Maraming salamat po sa ituturo niyo sa akin."

Tumawa siya ng mahina "Mabuti naman, uumpisahan ko na upang bumilis ang ating diskusyon para makapag-pahinga ka na sa iyong dormitoryo."

Muling pinitik ng Punong Maestro ang kanyang mga daliri. Nanlaki ang mga mata ko nang agad na lumutang sa harapan ng pisara ang isang puting panulat. Agad na gumuhit ito ng isang pamilyar na Grimoire sa akin. Mariin akong napalunok.

Parehong-pareho ang magandang pabalat ng aking Grimoire pati na rin ang limang bituin na matatagpuan sa mga kanto at sa pinakagitna. Ang maganda nitong disenyo ay hindi ko pa rin nakalilimutan.

Napasinghap ako ng hangin dahil may kung anong kumurot sa loob ng dibdib ko. Ibig sabihin, napakahalagang bagay sa akin ng Grimoire ko. Kaya nasasaktan ako na wala ito sa mga kamay ko.

"Hindi ba itinuro sa'yo noong elementarya at sekondarya kung ano ang kasaysayan ng Grimoire. Kung malinaw pa ito sa iyong memorya, maaari mo bang ilagad sa akin ang mga natutunan mo?" malumanay na tanong sa akin ng Punong Maestro.

Tumango ako "Ang turo po sa akin ng mga Maestro ayon sa aking pagkakaalala ay ang mahika raw ay ibigay sa atin ng Bathala matapos niyang gawin ang lahat ng tao sa mundo. At ang Bathala ay nag-iwan ng limang mahahalagang aklat o Grimoire."

Ito ay ayon sa aking nalalaman. Binigyan ng Bathala ng mahika ang mga tao upang maging instrumento. Isang kakayanan na may matinding responsibilidad. Isang regalo upang gamitin sa tama at sa nakabubuti sa kapwa.

Sa pagkakaalala ko ay nag-iwan ng limang aklat o Grimoire ang Bathala sa limang piling tao. Ang Grimoire ay isang instrumento upang magamit ng maayos at makontrol ang mahikang regalo. Ito ay ang aklat ng Apoy, Lupa, Tubig, Hangin at Kidlat.

"Naging sangkap ang limang panungahing Grimoire na ito upang gumawa ng Grimoire sa lahat ng taong may mahika. Kinakailangan ito upang magamit ng tama at angkop ang kani-kanilang mahika." dagdag paliwanag ko pa.

Ayon sa mga Maestro, ang ginagawa ng mga tao noong unang panahon ay nilalagyan nila ng kanilang sariling mahika ang isang blangko at walang laman na aklat. Kapag naging matagumpay ito magkakaroon na ng isang Grimoire.

Bawat tao sa mundo ay may sari-sariling mahika na sila lamang ang mayroon. Ang buhay ng isang taong mayroong mahika ay umiikot na parang isang gulong. Paulit-ulit ngunit pareho lamang ang pinatutunguhan.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon