Chapter 46

2.3K 150 22
                                    

Chapter 46


TITUS


"Fire Blast..." mahinang saad ko habang binabasa ang salamangka na nakasulat sa Grimoire ni Milo.

Agad na naglabas ng maliwanag na bilog na apoy ang pinakadulo ng aking baton. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang init nito na dumadampi sa aking braso at mukha. Huminga ako ng malalim at itinutok ito sa malaking bato na nasa aking harapan. Akmang ibabato ko na roon ang salamangka nang biglang lumaki ito gumawa ng malakas na pagsabog.

Impit akong napahiyaw ng tumalsik ang aking katawan ilang metro mula sa aking kinatatayuan. Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang sumalampak ang likod sa makapal na lupa na may halong bato. Bahagya pa akong napaubo dahil kumalat ang usok at alikabok sa buong paligid. Tuluyan nang nalaglag sa lupa ang aking baton dahil hindi na ito kayang hawakan pa ng aking kanang kamay.

Pulang-pula na ito at punong-puno ng paso. Nitong nakaraang tatlong araw ay nagdesisyon ako na aralin ang mga salamangka na nakatala rito sa Grimoire ni Milo. Mag-isa akong nag-eensayo kapag natapos na ang aming klase kay Maestra Raphaela. Kasalukuyan akong nasa likod ng Akademiya kung saan maaaring magsanay ang mga estudyante kapag libre ang kanilang oras.

"Titus... Huwag mong pwersahin ang katawan mo." nag-aalalang saad sa akin ni Glenn.

Umiling ako "Hindi, kailangan kong magsanay upang matuto ako ng husto, upang maging malakas ako at kaya ko nag ipagtanggol ang aking sarili." seryosong sagot ko sa kanya.

Napatahimik siya at hindi na nagsalita pa. Bago magsimula ang klase noong nakaraang linggo at tuluyan na rin nagkamalay si Glenn. Isang linggo na rin ang nakararaan nang magsimula ang ikalawang semestre ko rito sa Akademiya. Isang linggo na rin nasa akin ang Grimoire ni Milo. Isang linggo na rin maatapos akong kausapin ng Punong Maestro. Isang linggo na rin ang lumipas nang umalis siya.

Masakit ang dibdib ko ngunit kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong aralin at lahat upang matapatan ko ang Emperador at kunin sa kanya ang aking Grimoire. Kailangan kong umabot sa kanyang antas at lebel. Kailangan kong sanayin ang aking sarili sa paggamit ng mga salamangka sa Grimoire ni Milo na pansamantalang nasa akin. Dahil ikutin ko man ang mundo, kay Milo pa rin ang Grimoire na ito.

Walang mangyayari sa akin kung magpapatuloy ako sa pagtunganga at sa pag-iyak. Tanggap ko na ang nangyari sa amin ni Milo. Tanggap ko na hindi na kami para sa isa't-isa pa kahit hanggang ngayon ay dinudurog pa rin ang puso ko. Muli akong tatayo mula sa pagkakadapa ko. Ayaw ko nang may ibang tao pang madamay sa gulo na nasa likod ko.

"Titus... Matututo ka naman gamitin ang mga salamangka sa Grimoire niya. Huwag mong madaliin ang sarili mo..." malumanay na wika sa akin ni Glenn.

Nanatili sa pahinang iyon ang Grimoire ni Milo "Hindi ako matututo Glenn kung hindi ko tutulungan ang sarili ko. Laban ko ito at ng Grimoire ko." mariin kong sagot sa kanya habang nakakuyom ang aking kamao.

Bumuntong hininga siya "Tutulungan naman kita -----" napahinto si Glenn sa pagsasalita dahil agad akong sumabat.

"At dahil sa pagtulong mo sa akin at napunta sa bingit ng kamatayan ang buhay mo Glenn. Ayaw ko nang mangyari ulit iyon sa'yo." seryosong sagot ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim at napapikit na lang. Marahan na umiihip ang pang-gabing hangin na may kalamigan. Makapal ang ulap sa kalangitan na para bang nagbabadyang umulan. Marami-rami pa rin estudyante ang nagsasanay ng kanilang mahika sa mga Grimoire nila. Ngayon ko napagtanto na ng bawat segundo at minuto ay mahalaga. Hinahabol ko ngayon ang oras.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon