Chapter 16

4.5K 279 55
                                    

Chapter 16


TITUS


"Nakakapagod palang dalhing 'tong bayong na ito." hingal kong saad sa aking sarili habang papasok sa entrada ng dormitory ng Akademiya na matatagpuan sa likod na bahagi nito.

Matapos namin na mananghalian nina Glenn at Ruhk ay humiwalay na ako sa kanila. Gusto sanang sumama sa akin ni Ruhk na kunin ang mga gamit ko sa inupahan namin kwarto nitong nakaraan. Hindi ko naman na inabala pa ang tao at sinabihan na magpahinga na lamang.

Kahit na may kalapitan ang inupahan namin sa Akademiya ay napagdesisyunan namin na tumira na lamang sa dormitoryo dahil mas mababa ang bayad dito kumpara sa uupahan namin sa labas. Mas mainam na ito lalo na't wala naman akong ni-singkong duling na dalang salapi.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na isipin kung ano na ang nangyari kay Nanay Agatha at Tatay Berto. Wala rin akong balita tungkol sa nais na gawin ng Imperyo sa mga kabataang lalaking hindi nagtataglay ng mahika. Gusto ko silang sulatan ngunit ayaw kong mapahamak sila.

Bumuntong hininga ako, hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sa dalawang matanda. May edad na ito, kahit na hindi ako nakatira sa kanila ay halos araw-araw naman nila ang binibisita at dinadalhan ng pagkain. Kapag wala naman akong ginagawa ay tinutulungan ko ang mga ito sa gawaing bahay.

Nawa'y walang nangyaring hindi maganda sa kanila at sana mapatawad nila ako na hindi ko man lamang sila makamusta. Nawa'y maiparating ko sa kanila sa mga susunod na araw ang magandang balita. Ang balitang nakapasa ako sa Akademiyang nais kong pasukan.

"A-ano, ito po ba ang dormitoryo ng mga estudyante? Nais ko po sanang maghanap ng bakante rito dahil mas mapapadali sa akin kung nakatira ako malapit sa Akademiya." tanong ko sa isang Maestrong lalaki na may edad na prenteng naka-upo sa tanggapan nila.

Sinuri nito ag itsura at dala-dala ko "Ipagpaumahin mo na hijo, ang dormitoryo para sa mga katulad mong nasa unang taon ay puno na." seryoso ngunit pakiramdam ko ay nagsasabi ito ng totoo.

Napabuntong hininga ako sa narinig. Sayang kasi ang ibabayad kong sampung piraso ng salaping pilak kapag nanirahan o nangupahan ako sa labas ng Akademiya. Sa pagkakaalam ko ay nasa tatlong pirasong salaping pilak lamang ang binabayad ng mga estudyante rito kada katapusan ng buwan.

Napayuko ako "G-ganoon po ba Maestro? W-wala po ba akong kahit maliit lang na bakanteng kwarto? H-hindi ko naman po nais ng malaking espasyo ang gusto ko lang po ay iyong makatulog at makapag-aral ako ng maayos." mahinahon na pagpapaliwanag ko.

Huminga ito ng malalim "Ang bawat kwarto sa dormitoryong ito ay pinagsasaluhan ng dalawang estudyante. Wala akong maibibigay pa sa'yong bakanteng kwarto dahil ang iba ay nakapagbayad na at kasalukuyang nakareserba. Ngunit ay isa ka pang pagpipilian kung gusto mo lang naman." dagdag pa ng Maestro at seryosong pinanliitan ako ng mga mata.

Muli itong nagsalita "May isang estudyante kasi rito na kasalukuyang naninirahan sa isang kwarto na sinasarili lamang niya. Itong estudyanteng ito ay bayolente ayon sa mga sumbong sa amin. Ang sino man na idinadagdag namin sa sumama sa kwarto niya ay wala pang ilang minutong nakakatapak doon ay halos mawalan ng kaluluwa."

Inikot niya ang kanyang upuan at humarap sa pinta ng kasalukuyang Emperador ng Imperyo "Kung gusto mo talagang manirahan dito ay binibigyan kita ng pahintulot na i-okupa mo ang kwartong iyon. Ako na ang nagmamakaawa sa'yo na subukan mo lang. Malay mo hindi ka naman niya palayasin doon 'di ba?"

Napalunok ako sa tinuring ng Maestro. B-bayolente? Bahala na, wala na akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ngayon ay mayroon akong pagpapahingahan dahil kasalukuyan ko nang nararamdaman ang unti-unting pagkirot ng katawan ko dahil sa mga ginawang aktibidad kanina.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon