Chapter 59

1.5K 128 1
                                    

Chapter 59


TITUS


"Mukhang pagod na pagod ka na." hingal na saad ko kay Levi nang mapansin kong hapong-hapo na siya.

Tumawa siya ng mahina "Iba na talaga itong Titus na nasa harapan ko. Noon, hindi mo man lang matalo si Io at pantay lamang ang laban niyo ni Kisumi. Ngunit ngayon, hindi na ako makapalag sa'yo." hapong-hapong saad niya sa akin habang pinupunasan ang kanyang pawis na tumatagaktak sa kanyang mukha.

Napasinghap ako ng hangin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang pagsasanay namin ni Levi. Ito na ang huling araw na magsasanay ako ng elemento ng lupa. Tatlong buwan na ang lumipas nang simulan kong aralin ito. Sa loob ng tatlong buwan ay marami akong natutunan sa kanya. At ito ang pinakamadaling elemento na naaral ko.

Mataas na ang sikat ng araw dahil magtatanghali na. Sina Io at Kisumi naman ay tahimik na naonood sa amin sa hindi kalayuan. Ramdam ko ang paglapat ng araw sa aking balat. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng fibfib ko at napakabilis ng tibok ng puso ko. Ito ang unang pagkakataon na manalo ako sa isa sa kanila. Kaya kailangan tapusin ko na ito.

Pinanatili ang posisyon ng aking katawan, magkahiwalay pa rin ang aking mga paa't binti at mababa ko rin ng bahagya ang katawan ko. Kaya dali-dali kong pinadyak ng marahas ang aking kanang paa sa lupa. Agad na umangat mula sa lupa ang tipak ng parisukat na bato kaya mabilis kong ipinosisyon ang aking kamao at  dali-daling pinalipad ang bato sa kinatatayuan ni Levi.

"Talagang gusto mo nang tapusin ang pagsasanay na ito ah." malumanay na saad niya habang nakaposisyon na rin ang kanyang katawan katulad ng sa akin.

Ilang metro na lamang ay tatama na ang bato sa kanya ngunit agad siyang kumilos. Marahas niyang inihampas sa lupa ang kanyang paa at nag-angat ng lupa ng ilang piraso ng malalaking tipak ng bato. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang ginawa dahil naging mabilis ang kanyang kilos. Malakas niyang sinuntok ang mga naglulutangan na bato sa kanyang harapan.

Sing bilis ng hangin ang paglipad ng mga batong iyon patungo sa akin kaya ipinadyk kong muli ang aking paa sa lupa at ginamit ang aking mga kamao upang umangat ang isang makapal na pader na gawa sa lupa. Wala pang ilang segundo ang lumipas ay dali-daling tumama sa pader na nasa harapan ko ang mga malalaking tipak ng bato na gumawa ng malakap na alikabok.

Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang galaw ng lupa sa aking mga paa. Ilang sandali pa ay may nararamdaman akong pwersa na papalapit sa aking kinatatayuan kaya dali-dali akong lumabas mula sa pagkakatago ko sa likod ng malaking pader na lupa na ginawa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang isang matulis na tipak ng bato ang lumabas sa pwesto ko kanina.

Marahas akong huminga "At talagang hindi ka papatalo ah." natatawang saad ko sa kanya.

Hindi naman niya ako sinagot at nanatiling nakasentro ang atensyon sa aking gagawin. Kahit na sa mukha ni Levi ang labis na pagkapagod ay kita ko sa kanyang mga mata na hindi siya pumapayag na matalo sa akin. Nararamdaman ko ang matinding determinasyon niya at obligado ako na magseryoso at ibigay ang lahat ng aking makakaya katulad ng kanyang ginagawa ngayon.

Lumuhod siya gamit ang isang tuhod at marahas na sinuntok ang lupa sa kanyang harapan. Nanlaki ang mga mata ko sa mabilis na pagkakauka ng lupa sa harapan niya. Rinig na rinig ko ang pwersahan na pagkiskis ng lupa sa isa't-isa. Ang malking ukang ginawa niya ay dali-daling lumakad patungo sa aking kinatatayuan. Ilang sandali pa ay lumagpas ito sa pagitan ng aking mga paa.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon