Chapter 37
TITUS
"S-sigurado ka ba sa desisyon mo Glenn? A-ayaw kong pati ikaw ay madamay sa gulong dala-dala ko. H-hindi ko kakayanin kung pati sa'yo ay may mangyaring hindi maganda. N-nag-aalala ako sa'yo." nanginginig kong wika sa kanya.
Ngumiti siya at marahan na pinunasan ang mga luhang patuloy pa rin sa pagbasak sa aking mukha. Kitang-kita ko sa kanya na nakapagdesisyon na siya at sigurado na siya sa aming gagawin. Tahimik niyang hinihipan ang mukha ko upang tuluyan na manuyo ang aking mga luha. Ramdam na ramdam ko ang labis na pagtatanggol sa akin ni Glenn.
Tumawa siya ng mahina "Huwag kang mag-alala, hindi ba sinabi ko sa'yo na lagi lang akong nasa likod mo? Magkasangga tayong dalawa rito. Ang malalim na pinagdaraanan mo ngayon ay pinagdaanan ko rin noon kaya naiintindihan kita." malumanay na pagpapaliwanag niya at mas lalong inilapit ang aking katawan sa kanya.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi "P-paano kung pati ang Pamilya mo ay hulihin ng mga Kawal? A-ayaw kong mangyari sa'yo iyon Glenn. A-ayaw kong mawalan ka ng sariling Pamilya ng dahil sa akin. M-mamaya ay wla ka nang mabalikan pa at maaaring hindi mo na sila makita." dagdag saad ko pa habang patuloy na bumabagsak ang maiinit kong luha.
"Ikaw lang ang Pamilya ko Titus. Sa'yo at sa'yo lamang ako babalik dahil ikaw ang tahanan ko. Kaya handa akong gawin ang lahat upang mailigtas natin sila." nakangiting sagot sa akin ni Glenn at mahigpit akong niyakap.
Tumango na lamang ako dahil wala na akong magawa upang mabago pa ang isipan at desisyon ni Glenn. Malumanay na hinihimas-himas ni Glenn ang aking buhok na tuluyan ng bumagsak dahil nawala na ang panaling ibinili niya kanina. Inaamo-amo niya ang aking likod upang tumahan na ako sa pag-iyak. Kung wala si Glenn sa tabi ko ngayon aay hindi ko na alam ang gagawin ko.
Laking pasasalamat ko na narito si Glenn. Narito siya upang palakasin ang aking nanghihinang loob. Narito siya upang laging bantayan ang aking likod. Narito siya upang samahan ako sa mga problemang hinaharap ko. Napakalaki na ng utang na loob ko kay Glenn at hindi ko na alam kung paano ito maibabalik at maisusukli sa kanya.
"A-anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Isinandal niya ang kanyang mga kamay sa mgkabila kong balikat "Tradisyon na sa rito sa Clarines na binibitay ang may mga sala sa Emperador at Imperyo sa harap ng napakaraming tao sa Plaza. Doon, personal na panonoorin ng Emperador ang pagpatay sa mga kriminal ng Imperyo." kalmado ngunit seryosong pagpapaliwanag ni Glenn habang mariin akong tinititigan.
Napatakip ako ng aking bibig "A-anong uri ng pagbitay ang ginagawa ng mg Kawal sa may mga sala?" nanginginig kong wika.
Marahas siyang suminghap ng hangin "Hindi ko alam ngunit ayon sa mga bali-balita ay depende raw ito sa kagustuhan ng Emperador. Madalas ay pahihirapan muna ang mga ito bago tuluyan na bitayin ngunit may mga panahon daw na mabilis na ipinapapapugot ang kanilang mga ulo."
Para akong mawawalan ng balanse sa narinig. Tuluyan na nanlambot ang mga tuhod at binti ko sa huling salita na binanggit ni Glenn. Mabilis na nagtaasan ang mga balahibo ko sa likod. Bakit kailangan na umabot sa ganoong parusa? Bakit kailangan umabot sa pagbitay ang isang taong may kasalanan saa Imperyo at sa Emperador? Hindi ba maaaring pang-habangbuhay na lamang silang makulong?
Nanlaki ang mga mata ko "G-Glenn! Narito ang mga magulang ko! B-baka maaari nilang tulungan sina Nanay Agatha, Tatay Berto at Kuya Run na pansamantalang maakalaya." saad ko dahil agad akong nabuhayna ng loob.
Baka kung sakaling mahanap ko ang mga magulang ko rito ay maaari nilang pakiusapan ang Emperador na ipawalang bisa ang mga kasalanan nila. Malakas ang pakiramdam ko makakatulong sila, sa kahit anong paraan dahil mga magulang ko sila. Ipapaalam ko sa kanila ang buong sitwasyon ko. Naniniwala ako na kaya nilang gawan ng paraan ang pangyayaring ito.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...