Chapter 11
TITUS
"Magsipagpila na kayo sa harapan ay ayusin ang inyong sarili." malakas at puno ng otoridad na wika sa amin ng isang Maestro na nagsisilbing aming gabay sa pa-unang pagsusulit kung saan ipapakita namin sa labing-tatlong mga Maestro ang aming mga Grimoire.
Kinakabahan akong napalunok ng mariin dahil ito na ang huling hukuman para sa akin. Kapag nakita nila ang aking Grimoire, doon pa lamang nila pagbabasehan ang aking pagkakapasa. Malakas ang ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang buong paligid. Hindi pa rin matanaw ang aking paningin kung nasaan na si Glenn.
Ikawalaong grupo na kami at sa higit kumulang pitong-pung estudyante ay wala pa sa sampu ang natipuan ng mga Maestro. Bilang lang sa daliri ang mga nakapasa at ang napansin ko, ang tanging tinatanggap nilang mga Grimoire ay iyong may tatlo hanggang apat na bituin na makikita sa mga pabalat nito.
Limang bituin ang naka-ukit sa aking Grimoire kaya mabilis ang tibok ng puso ko kung pasok ba ang ganitong Grimoire sa kanilang pamantayan. Kung makakatulong ba ang Grimoire na ito para sa ikauunlad ng aming Imperyo. Muli akong napalunok habang pinagmamasdan ang mga Maestrong seryoso sa kanilang kinauupuan.
"Kaya mo 'yan Titus, kaya mo. Hindi mo hahayaang mapunta sa wala lahat ng tulong na ibigay at inilaan ni Glenn. Alam kong makakapasa ako. Kailangan kong makapasa dahil nandito na siya, kailangan ko na siyang makita..." mahinang saad ko sa aking sarili at mahinang sinampal sa aking mainit na magkabilang pisngi ang nanlalamig at nagpapawis kong mga kamay.
Huminga ako ng malalim upang ikalma ang aking sarili. Muli kong nilingon ang mga kasama ko, seryoso ang mga mukha nila na para bang ito na ang huling alas upang makapasok sa pinaka-maganda at pinaka-hasang Akademiya sa buong Imperyo. Bakas sa kanilang mukha ang matinding kaba.
"Ikalabing-isa, maaari mo nang ipakita sa mga Maestro ang iyong Grimoire." muling wika ng Maestro gumagabay sa amin.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi ng nanginginig na itinaas ng lalaking nakasuot ng makapal na salamin ang kanyang Grimoire. Maganda ang pabalat nito na naghahalong kulay asul at puti, may disenyo ito na para bang kumpol ng mga nyebe at yelo habang mayroon ito tatlong makikinang na bituin. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang matinding kaba.
Nangangatal ang labi ng mga lalaki habang isa-isang itinataas ng mga Maestro ang kanilang mga daliri. Ilang sandali pa ay nagpalakpakan ang mga estudyante dahil nakapasa sa pamantayan ng mga Maesto ang lalaking iyon. Naglabas ang mga Maestro ng sampung berdeng ilaw at tatlong pula naman. Kahit na nakakuha siya ng tatlong pulang ilaw at pasado pa rin siya dahil mas lamang ang mga nakuha niyang berdeng ilaw.
Naghiyawan ang mga tao dahil opisyal siyang pinapasok ng Maestrong nasa harap namin sa loob ng Akademiya. Para raw maghanda na sa pangalawang pagsusulit na magaganap din kaagad. Tumango lamang ang maputi at maliit na lalaking iyon at agad din na bumaba sa entamblado.
"Makakapasa ka rin Titus... Nandito na ka..." mahinang bulong ko sa aking sarili.
Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari, walang ni isang nakapasa sa mga sumunod na estudyante doon sa lalaking unang nakapasok sa banga. Wala talaga, ang nakakagulat sa pitong estudyante ay wala man lang nabigyan ng ni isang kulay berdeng ilaw. Talagang nagpa-ulan ang mga Maestro ng pulang mga ilaw sa paligid na salong-salo ng estudyanteng bago ako.
Para akong mahihimatay sa sobrang kaba nang makita kong yung katabi kong luhaan at mangiyak-ngiyak na bumaba sa entablado. Rinig ko pang bumubulong ito na ikatlong beses na niyang sumubok sa paunang pagsusulit ng Akademiyang ito. Kaya naman parang lalabas na ang aking puso sa lalamunan ko sa matinding kaba na nararamdam ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...