Chapter 82

1.6K 125 32
                                    

Chapter 82


TITUS


Ningitian ako ng Emperador "Ibinibigyan lamang kita ng tatlong pung segundo upang magdesisyon. Ibibigay mo ang iyong dugo at buhay kapalit ng buhay ng iyong mga magulang o hahayaan mo silang mamatay sa iyong harapan -----"

Hindi na naituloy pa ng Emperador ang kanyang sasabihin nang pareho kaming nagulantang sa biglaan na pagliwanag ng buong paligid. Nanlaki ang mga mata ko dahil may malaking bolang apoy ang naglalagablab at nagbabaga na patungo sa aming direksyon. Isang pamilyar na mga mukha ang nakita ko sa likod nito.

Sa labis na pagkbigla at dali-daling pinalibutan ng mga Kawal ang Emperador. Agad kong napansin ang pagkawala ng kanilang atensyon sa akin mga magulang kaya mabilis kong kinuha ang pagkakataon at lumipad ng napakabilis gamit ang elemento ng hangin at dinagit ang mga ito. Mabilis kong silang inilayo.

Huli na nang mapansin nila na nawala na pala sa kanilang mga kamay ang kanilang alas sa akin. Ilang segundo lamang ang lumipas at tuluyan ng tumama sa kalupaan ang malaking nagbabagang apoy na ibinato sa aming direksyon kanina. Buong tapang kong sinipa ang lupa at ginamit ito upang maging panangga.

Gumawa ito nang napakalakas na pagsabog. Halos mayanig ang lupa sa sobrang lakas ng pwersang taglay ng mahikang iyon. Kahit na wala sa kanya ngayon ang sarili niyang Grimoire ngunit nakakagamit pa rin siya ng ganitong klaseng salamangka. Hindi pa rin nagbabago ang kapangyarihang nakakubli sa kanya.

Agad kong nilingon ang aking mga magulang "A-Ayos lang po ba kayo?" nauutal na tanong ko sa kanila habang mariin na pinagmamasdan ang kanilang mga mukha.

Kitang-kita ko ang labis na pananabik sa kanilang mga mukha labis na pananabik kaya muli uminit ang aking mga mata. Dali-dali akong lumuhod upang yakapin sila habang tuluyan na bumabagsak ang aking mga luha. Nanumbalik sa aking memorya ang lahat. Muli kong naramdaman ang mainit nilang pagtanggap.

Para akong isang batang nawawala sa isang lugar at muli kong nakita ang aking mga magulang. Malinaw pa rin ang aking determinasyon na makapagtapos sa Akademiya dahil gusto kong sundan ang kanilang mga yapak. Sila ang aking inspirasyon kung bakit hindi ako nawalan ng lakas ng loob na muling subukan ang aking kakayanan.

Ramdam na ramdam ko ang mainit na haplos ng aking mga magulang na labis ang pangungulila sa kanilang nag-iisang Anak. Rinig na rinig ko ang kanilang paghikbi na sa wakas ay muli nila akong nakita at nayakap ng mahigpit. Ang kanilang pagmamahal sa akin ay labis na nangingibabaw na kahit ilang taon nila akong hindi nakita ay naroon pa rin ang kanilang puso para sa akin.

"T-Titus... A-anak..." mahinang bulong sa akin ni Ina habang hinahaplos ang aking ginintuang buhok na katulad ng sa kanya.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi "I-Ina... A-Ama... M-Maliyagang pagbabalik..." tugon ko sa kanila.

Pinunasan ni Ama ang luhang bumabagsak sa aking pisngi "P-Patawarin mo kami... A-Anak..." dagdag naman ng aking Ama habang mahigpit ang niyayakap.

Ngumiti ako "W-Wala po kayong kasalanan sa akin. Hindi ko man po alam ang inyong rason kung bakit kayo umalis noon, lagi po kayong may puwang sa aking puso. M-Mahal na mahal ko kayo dahil mga magulang ko po kayo." nanginginig kong wika.

Nahinto lmang ang aming pag-uusap nang lumapit sa aming direksyon ang Punong Maestro "Titus... Narito na kami. Ako na ang bahala sa iyong mga magulang. Ako na ang magbabantay sa kanila dahil alam kong ikw lamang ang makakatalo sa kakayahan ng Emperador." nakangiting saad niya sa akin habang inaalalayan makatayo ang aking mga magulang.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon