Chapter 19

3.9K 252 21
                                    

Chapter 19


TITUS


"Ano nanaman nangyari sa'yo Ghorl. Parang wala ka nanaman tulog. Grabe 'yang eyebags mo! Jusmiyo!" saad sa akin ni Ruhk habang sabay namin na tinatakbo ang buong Akademiya.

Pareho pa rin ang utos sa amin ni Maestra Raphaela na muling ikutin ang buong Akademiya hanggang mamayang tanghali. Pakiramdam ko ay magkakasakit na ako sa labis na paggamit ko sa katawan ko. Kahit noon naman na nasa Slavia ako ay hindi naman ako tumatakbo ng ganitong paulit-ulit.

Hindi rin talaga ako nakatulog kagabi dahil na rin sa ginawang kalokohan ni Milo. Matapos niya akong kaladkarin papalayo kay Levi ay iniwanan ba naman ako na parang bang walang nangyari. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maaasar sa ginawa niyang pag-iwan sa akin kagabi.

Masakit din ang katawan ko mula sa pagtulog sa papag at hindi rin ako nakatulog dahil iniisip ko kung paano ko papalitan ang mga gamit ko na sinusunog ni Milo. Magtataka iyon kapag hindi niya nakitang suot ko ang mga damit na ibinili niya sa akin. Ilang araw pa lang ako rito sa Akademiya ngunit para akong mababaliw dito.

"Ano?! Kaya niyo pa ba?! Hinding-hindi niyo magagamit ang mahika niyo hangga't sa tingin kong hindi niyo naipapasa ang ipinapagawa kong ito sa inyo." rinig kong sigaw ni Maestra Raphaela sa mga kaklase kong pansamantalang namahinga dahil ilang oras na rin kaming nagtatatakbo.

Pawis na pawis na ako dahil napakainit na ng pakiramdam ko. Tirik na tirik na ang araw at suot-suot pa namin ang makapal na itim na robang ito na mas lalong nakapagpadagdag ng init na nararamdaman ko. Ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko.

"Alam mo Ghorl, mamumura ko na talaga 'yang Maestra natin. Pang-santo pa naman ang pangalan, mas masahol pa sa demonyo ang pag-uugali. Tignan mo, limang kaklase nanaman natin ang naglipatan sa ibang Maestro. Lumipat na rin kaya tayo?"

Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa hapag-kainan kung saan maraming estudyante ang nanananghalian. Kumain na kaya si Milo? Hindi ko na kasi siya nakita kanina umaga. Maaga atang umalis ito sa dormitoryo. Baka mamayang gabi ko pa 'yun makita ulit.

Nagpaalam naman si Glenn kanina na hindi raw siya makakasabay sa amin ngayon dahil daw kakausapin daw siya ng kanilang Maestro ukol sa mga aktibidad na gagawin nila kaya si Ruhk lang ang kasama ko. Kanina pa siya daldal nang daldal ngunit mas lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil wala akong maintindihan.

"Ako na ang kukuha ng pagkain natin dalawa. Iwan na muna kita dyan." wala sa sariling saad ko kay Ruhk.

Umiling si Ruhk "Hindi Ghorl, ako na lang ang kukuha ng pagkain natin. Kanina ka pa namumutla. Huwag ka ng makipagsiksikan doon. Ayos lang naman."

Ngumiti ako "Ano ka ba, ayos lang ako. Gusto ko rin na makita kung ano ang mga niluto doon ngayon."

Tumango na lamang si Ruhk at hindi na nangulit pa. Napasinghap naman ako ng hangin dahil para akong nahihilo. Nararamdaman ko na unti-unting umiikot ang paningin ko. Kagat labi akong naglakad upang makipagsiksikan sa mga estudyante na kumukuha ng kani-kanilang pagkain.

Habang nakapili kasama ang ilang estudyante ay naramdaman kong may lalabas na kung ano sa bibig ko kaya agad akong napatakip dito. Ilang sandali pa ang lumipas ay nanlambot ang mga tuhod ko at huli ko na napansin na unti-unting umiitim ang buong paligid ko.

Naramdaman kong may sumalo sa likod ko ngunit hindi ko na nagawang lingunin pa kung sino iyon. Agad akong nawalan ng malay dahil sa matinding pagod dala ng labis na paggamit ng aming katawan sa pag-eehersisyo at kawalan ng tulog o labis na puyat dahil kay Milo.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon