Chapter 69

1.7K 133 17
                                    

Chapter 69


TITUS


"Pagpasensyahan mo na ako kanina, nadala lang ako ng aking emosyon." malumanay na saad ko kay Ruhk.

Hinampas niya ng mahina ang braso ko "Ano ka ba Ghorl! Naloka ako sa'yo kanina. Hindi ko alam na may tinatago ka palang ganyan! Sana na-inform mo lang ako. Pero keribels lang, atleast happy ako for you. Pagpatuloy mo lang 'yan besh." natatawang sagot niya sa akin.

Matapos ang laban namin ni Ruhk kanina ay kaagad namin siyang dinala sa Pagamutan. May kakaunti sugat lamang siya ngunit maayos naman ang kanyang lagay dahil naka-inom na siya ng herbal at nagamitan na rin ng mahika pampagaling. Kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kama matapos namin kumain ng sabay.

Yumuko ako "Pasensya na talaga. Hindi ko sinasadya." mahinahon na wika ko sa kanya. Muli niyang hinampas ang aking braso "Ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo Ghorl. Hindi ko rin kasi alam na siya pala ang Panganay na Prinsipe ng Emperador. Gulat much din ako Ghorl nang mabalitaan ko kagabi, kaya hinahanap kita."

Hindi ko dapat idamay si Ruhk sa sama ng loob na nararamdaman ko sa susunod na tagapagmana ng trono. Wala naman siyang ginawang mali. Saka kilala ko iyan, kapag may nasagap siyang balita tungkol doon ay hindi mapakali ang kanyang bibig na sabihin sa akin. Naliwanagan ako na mali pa rin ang ginawa ko sa kanya kanina.

Matapos namin magkwentuhan tungkol sa mga nangyari kahapon ay nagpaalam na ako sa kanya na magtutungo na ako sa silid ng Punong Maestro. Pinagtitinginan at pinagbubulungan pa rin ako ng mga estudyanteng nadaraanan ko. Sariwa pa sa kanila ang pagbati sa akin kahapon ng Emperador. Pati na rin na naging malapit sa akin ang panganay nitong Anak.

"Narito na po ako, Punong Maestro." malakas na sigaw ko sa malaking pinto ng kaanyng silid habang kumakatok.

Ano kayang pagsasanay ang gagawin namin ngayon? Baka sabihin na niya sa akin na ituon ko ang aking pagsasanay na elemento na nagamit ko kanina sa klase. Alam kong nakarating na ito sa Punong Maestro galing kay Maestra Raphaela, kaya hindi na ako magtataka. Nasa loob din kaya sin Io, Kisumi at Levi?

Ilang segundo lamang ang lumipas at pinagbuksan ako ng isang Maestro at mabilis na pinapasok sa loob. Doon nadatnan ko ang tatlong binata na seryosong nakikipagtalakayan sa Punong Maestro. Animo'y may seryoso silang pinag-uusapan at kinakailangan nilang makinig lahat. Ano kaya ito? Baka tungkol ito sa pagsasanay ko.

Ngumiti ako sa Punong Maestro "Magandang tanghali po, narito na po ako." magalang kong saad at dali-daling lumapit sa kanilang pwesto.

Pagkalapit ko sa kanila ay agad akong hinila ni Kisumi upang tumbi sa kanyang pwesto. Tipid naman na ngumiti sa akin si Io at si Levi naman ay itinuon sa akin ang kanyang atensyon. Sa kanilang harapan ay nakalatag ang isang malapad na mesa na gawa sa magandang klase ng kahoy. Habang nasa ibabaw nito ang isang malaking mapa na hindi ko alam kung saan.

"Na-miss kita Baby! Isang araw din tayong hindi nakapag-usap!" mapang-asar na wika sa akin ni Kisumi at dali-dali akong niyakap ng mahigpit.

Ngumiti sa akin si Levi "Kumain ka na ba ng pananghalian? Dinalhan kita rito." kalmadong sabi niya sa akin.

Tumawa ako ng mahina "Kumain na kasi ako sa baba ngunit pwede ko naman iyan kainin mamaya. Marami pa naman espasyo ang tiyan ko."

Kahit na sariwa pa rin sa akin ang nangyari sa amin ng Panganay na Prinsipe ay hindi ko maiwasan na buksan pa rin ang aking loob sa tatlong ito. May nagsasabi sa akin na hindi nila gagawin ang ginawa niya sa akin. Para bang patuloy akong nagtitiwala sa kanila. Hindi ko maipaliwanag ngunit alam mo malalim ang pinagsamahan namin ng tatlong binatang ito.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon