Chapter 75

1.7K 126 25
                                    

Chapter 75


TITUS


"Saan kayo magtutungo? Nagsisimula na ang selebrasyon sa loob." mariin na tanong sa amin ng isang Komandante ng mga Kawal pagkalabas namin sa malaking pinto ng Palasyo.Hinawakan ni Kisumi ang kanyang tiyan "Paumanhin ngunit biglang sumakit ang aking tiyan. Tinatawag na ako ng kalikasan. Nahihiya naman akong magpasabog ng amoy sa loob." impit niyang sagot dito.

Lumapit ako sa Komandante "Maaari niyo bang sabihin sa amin kung saan matatagpuan ang pinakamalapit na palikuran? Namumutla na itong kaibigan ko. Baka hindi na niya kayanin at dito na lumabas ang sama ng loob niya." seryosong wika ko.

Huminga siya ng malalim at itinuro ang isang mataas na tore na nakadikit sa pinakagilid ng Kastilyo. Nanlaki ang mga mata ko dahil iyon din ang sinasabi ng Punong Maestro na lugar kung saan matatagpuan ang aking Grimoire. Ilang metro ang layo nito kaya aabutin kami ng ilang minuto bago makapunta roon. Mayroon lang kaming tatlong-pung minuto.

Ngumiti si Levi "Maraming salamat sa inyong pagtulong, Komandante. Babalik din kaming agad sa pagtitipon. Paumanhin muli."

"Mauuna na po kami." dagdag pa ni Io.

Tumango lamang ang Komandante at bumalik na sa kanyang pwesto na nagbabantay sa malaking pinto ng Kastilyo. Pasimple kaming apat na naglakad pakanan. Ayaw namin na mahalata nila kami na may iba kaming binabalak. Isang biyaya na rin na doon matatagpuan ang pinakamalapit na palikuran ng Kastilyo na pinapagamit sa mga bisita.

Malaki ang bilog na bilog na buwan na nagsisilbing liwanag ng aming daan. Marami rin bituin sa kalangitan. Hindi naman maiwasan ang pagsayaw ng mga puno sa simoy ng malamig na panggabing hangin. Malakas pa rin ang kabog ng aking dibdib dahil kinakabahan ako sa mga mangyayari. Malakas ang pakiramdam ko na alam ng Emperador na narito kami.

Tinabihan ako "Pakiramdam ko ay patibong ang lahat ng ito." mahinang bulong sa akin ni Io habang naglalakad kami patungo sa silangan ng Kastilyo.

"Kailangan natin kagatin ang patibong na inihain sa atin ng Emperador. Ito na lamang ang huling pagkakataon natin." malalim na sagot ko sa kanya.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay unti-unti kaming nakarinig ng pagmamartsa na papalapit sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang masaksihan ang mga Kawal na naglalakad papalapit sa amin. Napalunok ako ng mabilis na tumabi sa amin sina Kisumi at Levi. Pagtingin ko sa aming likod ay naroon ang Komandante na pinangungunahan ang kanayang grupo.

Napasinghap ako ng hangin dahil hindi ko ito inaasahan. Naging malinaw sa akin na kaya pinalakad lamang nila kami ng ilang metro upang makalayo kami sa mismong lugar kung saan nagaganap ang pagtitipon. Hindi sila kikilos hangga't hindi kami nakalalayo dahil ayaw nilang malaman ng mga bisita sa loob ang mga nangyayari rito sa labas.

Nagdikit-dikit kaming apat at mabilis na kinuha ang aming mga Grimoire. Rinig na rinig ang pagkalansing ng mga suot nilang bakal. Ilang sandali pa ang lumipas ay mabilis nila kaming napalibutan. Nakatutok sa aming apat ang kanilang mga espada. Animo'y pinaghandaan nila ang pagdating namin dito. Inilabas nila ang kanilang mga Grimoire.

Lumapit ang Komandante na kausap namin kanina "Io Alistair de Quincy, Kisumi Iori Okamoto, Levi Ultimatum Aesthernum at Titus Alexius Constance. Kayo ay hinuhuli namin sa pagkakasala ng kataksilan sa buong Imperyo ng Wistalia at sa Mahal na Emperador." malalim at seryosong saad niya sa amin at itinutok sa aming harapan ang kanyang mahaba at matalim na espada.

Ngumisi si Kisumi "Sa tingin niyo ba aatras pa kami?" natatawang pang-aasar niya sa Komandante.

"Alam namin ang gagawin niyo sa amin kapag nahuli niyo kami. Gagawin muna namin ang aming layunin bago niyo kami mahuli." kalmadong dagdag pa ni Io ngunit ramdam ang pagiging seryoso sa tono ng boses niya.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon