Chapter 49
TITUS
Labis ang pagkagulat ko sa inilahad sa akin ng Punong Maestro. Hindi ako makapaniwala na mayroon pala silang madilim na sikreto. Kaya siguro nila binago ang kasaysayan upang mapagtakpan ang sikretong ito.
"Ilang henerasyon na rin ang lumipas kaya ang mga anak nila ay nahaluan na at bihira na lamang ang isang Wistalia na walang mahika. Ang huling taong walang mahika na kilala ko ay ang Emperador Wilfredo von Wistalia na Ama ng kasakuluyang Emperador, ang huling tagapangalaga ng iyong Grimoire."
Napatingin na lamang ako sa papalubog na araw sa labas ng bintana. Hindi ko alam na ang huling nagmamay-ari sa aking Grimoire ay ang dating Emperador na namuno noong hindi pa ako pinapanganak ngunit matagal ng patay ito.
"Hindi po ba kidlat ang mahika ng Mahal na Emperador Wilfredo?" nagtataka kong tanong sa Punong Maestro.
Napasinghap siya ng hangin "Totoong kidlat ang isa sa kanyang mga kapangyarihan ngunit si Emperador Wilfredo ay walang mahika noong ipinanganak siya. Kaya siya rin ang naging tagapagmana ng iyong Grimoire." mahinahon na sagot ng Punong Maestro sa akin habang pinagmamassan ang papalubog na araw sa labas ng bintana.
Bahagyang nanliit ang mga mata ko sa narinig. Isa lamang sa mahika o kapangyarihan ng dating Emperador ang kidlat. Ibig sabihin ay mayroon pa itong ibang mahika? Paano nangyari iyon? Katulad din ba ito ng nangyari sa akin?
Napahinga ako ng malalim dahil nararamdaman ko ang kakaibang kaba sa loob ng aking dibdib. Ngayon malinaw na sa akin ang aking nakaraan. Nabuhayan ako ng loob na hindi lamang pala ako ang nag-iisang walang mahika aa buong mundo.
"Bakit kinakailangan itago ng Imperyo o ng kanilang pamilya ang kawalan ng mahika ng iba nilang miyembro?" tanong ko.
Naglakad ang Punong Maestro patungo sa malaking bintana sa gilid bago magsalita "Magandang tanong, bakit nga ba? Kung iisipin mo, mananatili ba ang pamilya lamang nila ang namumuno sa Imperyo kung alam ito ng bawat isang mamamayan? Kinakailangan nilang itago ito upang manatili silang nakaupo sa trono ng Imperyo. Ano na lang ang iisipin ng mga tao saka ng mga kaaway ng kanilang pamilya sa politika?"
Napatango ako sa paliwanag sa akin ng Punong Maestro. Naiintindihan ko na kaya nila kailangan na itago ang impormasyon na iyon dahil magiging nitsa ito ng rebelyon at pag-aalsa ng mga mamamayan sa kanila.
Tama rin ang Punong Maestro. Anong iisipin ng mga tao na ang namumuno sa kanila ay walang tinataglay na mahika? Mawawalan sila ng tiwala sa Emperador at sa lahat ng sangay nito. Kaya ayaw nilang mabunyag ito.
Saka sa politika ay marami talagang kaaway ang mga taong kabilang dito. Naghihilahan sila pababa upang makaangat at sila ang mamumo aa buong Imperyo. Kaya kinakailangan na katakutan ang pamilya Wistalia.
Mariin akong napakagat ng pang-ibabang labi "Nakaranas din po ba ng diskriminasyon ang mga naging tagapagmana ng aking Grimoire tulad ng naranasan ko? Ilang taon din po silang walang mahika hanggang sa nakuha nila ang Grimoire na iyan." malumanay na tanong ko habang turo ang aking Grimoire na nakaguhit sa pisara.
Alam kong hindi imposible na nakaranas din ang mga naging tagapagmana nito ng diskriminasyon sa kanilang kapwa. Kapag walang mahika ang isang tao ay pinagtatawanan nila ito ng lubos at labis na iniinsulto.
Lahat ng diskriminasyon ay naranasan ko sa labing-walong taon kong pamumuhay sa mundong ito. Lalo na noong unti-unti ng lumalabas ang mga mahika ng mga ka-edad ko. Naalala ko lahat ng pagtatanggol sa akin ng mga magulang ko noon.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...