Chapter 58
TITUS
"Napakaganda naman ng lugar na ito!" manghang-mangha kong saad kay Levi habang pinagmamasdan ko ang magandang tanawin sa ibaba.
Kahit may kataasan na ang araw ay malamig pa rin ang buong paligid. Kitang-kita ko ang nagkakapalang puno sa ibaba na halos bumabalot sa paligid ng talampas na kinaroroonan namin ngayon. Abot ang tanawin ito hanggang sa dulo ng aking paningin. Nagkakapalan naman ang mapuputing ulap sa kalangitan na animo'y abot kamay ko na.
Ngayon ang simula ng aking pagsasanay sa paggabay ni Levi. Maya-maya lang ay ituturo na niya sa akin ang pangunahing kilos na kailangan kong gawin upang magamit ko ang elemento ng lupa. Sakto lamang ang lugar na ito dahil matigas na lupa ang tinatapakan namin at maraming naglalakihang bato sa paligid. Perpefkto ito sa aking pagsasanay.
Ngumisi sa akin si Kisumi "Hindi ko inaasahan na madali mo lang matututunan ang elemento ng hangin. Akala ko pa naman magtatagal tayong dalawa sa pagsasanay, Baby." natatawang pang-aasar sa akin at inakbayan ako.
Kaming tatlo lamang nina Levi at Kisumi ang magkakasama ngayon. Mayroon daw kailangan asikasuhin si Io sa kanilang Pamilya kaya umuwi muna siya sa kanila. Ayaw pa sana niyang gawin ito ngunit sinabihan ko siya na ayos lamang ako at kasama ko naman ang dalawa. Saka mas importante ang mga ganap ng kanilang Pamilya lalo na't mga dugong bughaw sila.
Wala nang sinayang na oras pa si Levi at sabay kaming nag-ehersisyong dalawa. Binanggit na niya sa akin nitong nakaraan na kinakailangan kong palakasin ang aking katawan dahil ito raw ang pangunahing kailangan ng isang taong gumagamit ng elemento ng lupa. Kaya bago pa matapos ang pagsasanay ko kay Kisumi ay tinutulungan na ako ni Levi upang maging malusog ang aking katawan.
Napansin din nila Ruhk at Glenn ang pagbabago sa katawan ko. Nangitim ako dahil lagi kaming babad sa initan kapag nagsasanay. Mas naging porminente rin ang tikas ng aking katawan. Nagkalaman-laman na ang aking braso at mga binti ngunit hindi kasing katawan nina Io, Kisumi at Levi. Tumaba at bumigat din ang aking timbang, marami kasi akong nakakain nitong mga nakalipas na nakaraang buwan.
Ngumiti si Levi "Mabuti na lang at ginagawa natin ang pag-eehersisyo simula noong magsanay ka sa amin nina Io at Kisumi. Alam kong malakas na ang katawan mo at hindi ka na mahihirapan pa sa paggamit ng elemento ng lupa." kalmadong saad niya sa akin habang nag-uunat ng katawan.
Bahagyang tinatangay ng pang-umagang hangin ang kayumangging buhok ni Levi. Ang kanyang mga mata na kasing berde ng puno ay malumanay akong pinagmamasdan. Maraming naitulong sa akin si Levi, kung hindi dahil sa kanya ay hindi basta-bastang tatanggapin ng katawan ko ang mga pagsasanay na ginawa namin.
Si Levi ay nagsilbing nakakatandang kapatid sa akin. Lagi niya akong tinuturuan ng mga aralin sa klase kahit na hindi pa ito natuturo sa amin. Lagi niya rin akong kinukumusta. Lagi rin niya akong pinaalalahanan at binibigyan ng magagandang salita upang magpatuloy. Siya rin ang nagsabi sa akin noon na habulin ko si Milo bago siya umalis ng tuluyan sa Akademiya,
Ito ang ika-pitong buwan ng aking pagsasanay ngunit ilang linggo lamang ang lumipas sa tunay na mundo at oras. Hanggang ngayon ay awalang ideya sina Glenn at Ruhk kung bakit patuloy pa rin akong nagtutungo sa silid ng Punong Maestro. Kahit ang iba kong kaklase ay nagtataka ngunit wala akong sinagot sa bawat tanong nila. Alam kong iyon ang makakabuti para sa akin.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...