Chapter 23

3.8K 232 77
                                    

Chapter 23


TITUS


"Oh magsilayas na kayo sa harapan ko at magkita na lang tayo mamayang hapon." iritadong saad sa amin ni Maestra Raphaela matapos ang aming pang-umagang klase sa kanya.

Bahagyang tinatangay ng hangin ang aking buhok pakaliwa habang pinagmamasdan ko ang mataas na araw. Ang bilis ng araw, parang nitong kahapon lang ay naghahanda ako para sa paunang pagsusulit upang makapasok sa Akademiyang ito. Tatlong buwan na pala ang nakalipas at hindi ko napansin iyon.

Tatlong buwan na akong nag-aaral dito sa Akademiya. Masasabi kong marami akong natutunan kay Maestra Raphaela dahil masinsinan niya kaming tinuturuan ng mga istratehiya sa paggamit ng aming mahika. At patuloy pa rin ang aming pag-eehersisyo upang lumakas ang aming pagangatawan.

Tatlong buwan na rin ang lumipas ng mangyari ang aksidenteng iyon. Sa loob ng mga lumipas na mga linggo at buwan ay hindi na nagpapakita pa sa akin si Milo. Habang si Glenn naman ay hindi na ako pinapansin na para bang isa lamang akong hangin sa kanyang harapan.

Nalaman ng mga Maestro ang nangyari sa akin sa loob ng ilang araw kong pamamalagi sa kwarto ni Milo. Hindi ko alam kung anong parusa ang naging hatol ng mga ito sa kanya ngunit alam kong hindi kaaya-aya iyon. Agad akong pinalipat sa isang bakanteng kwarto sa dormitoryo.

Hindi na rin kami nag-uusap ni Glenn, kahit na ilang beses ko na itong binalak kausapin ay hindi manlamang akong tinitignan nito. Kaya hindi ko na rin pinilit ang sarili sa dalawang taong iyon. Sabi nga sa akin ni Levi, bakit kailangan kong ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin.

"Ghorl tara na! Tulala ka nanaman dyan! Hinihintay na tayo nina Levi at Kisumi sa pasilyo. Ang haba talaga ng hair nitong friend ko, imagine dalawang naggwagwapuhang mga nilalang na hulog ng langit ang nag-aabang sa'yo!" natatawang saad sa akin ni Ruhk sa akin at dali-dali akong hinila papasok sa Akademiya.

"Arereeeee?! Tulala nanaman 'tong si Titus sa kagwapuhan ko." mayabang na wika sa akin ni Kisumi habang nakaakbay sa akin.

Tumawa ng mahina si Levi "Naku, kakaiba ang hangin dito, parang liliparin ako." kalmadong sagot niya at marahan na tiniklop ang librong binabasa.

Sabay-sabay kaming apat na pumunta sa hapag-kainan. Ang ipinagpapasalamat ko sa tatlong buwan na nakalipas ay ang makilala ang tatlong ito. Hindi ko rin inaasahan na magiging kabigan ko sina Kisumi at Levi lalo na't nasa ikatlo o huling baitang ang mga ito. Si Ruhk naman ay hindi mawala-wala sa aking mukha.

Sa tatlong buwan na iyon ay nakilala ko ng lubos ang tatlo. Kahit na maloko at bahagyang malakas ang hangin ni Kisumi ay kwela itong kausap habang si Levi naman na pangiti-ngiti at kalmado lang sa lahat ng oras. Si Ruhk naman ay lumalabas ang pagkababaeng natutulog sa puso niya.

"Kumain ka pa, kaya ang payat-payat mo! Tignan mo 'tong mga laman-laman ko sa katawan. Matigas at nakakapaso 'yan." malokong wika sa akin ni Kisumi at kinindatan ako.

Pinatong naman siya sa harap ko ang isang plato na punong-puno ng iba't-ibang klase ng ulam at napakaraming kanin. Simula ng lagi namin makasama ni Ruhk itong dalawang ito ay wala kaming ibang nagawa kung hindi ang kumain nang kumain. Minsan pupunta pa silang tatlo sa kwarto ko upang kumain lang.

"Unang pamantayan ng pagsusulit na sa susunod na linggo. Kaya maghanda kayong dalawa." kalmadong at malumanay na saad sa amin ni Levi habang kumakain.

Ipininulupot naman ni Ruhk ang kanyang braso kay Levi "Papi, tulungan mo naman kaming mag-aral ni Titus. Wala kaming aasahan dito sa tropa mong puro hangin ang laman ng utak!" nang-aasar na saad nito habang matalim na tinititigan si Kisumi.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon