Chapter 63
TITUS
"Bakit ang daming Kawal ng Imperyo ngayon dito sa Akademiya? Hindi kaya pinaghahanap nanaman nila ako? Ano nanaman ang kasalanan ko?" nagtataka kong saad sa aking sarili habang naglalakad papunta sa aming Dormitoryo.
Isang linggo na ang lumipas nang matapos ang bagong taon. Ito na ang ikawalang linggo ng buwan ng Enero at ngayon araw din ang balik namin sa Akademiya. Ngayon lang ako nakakita ng mg Kawal sa loob ng Akademiya dahil hindi naman sila pumupunta rito. Tanging ang Punong Maestro at Maestro ang may hurisdiksyon sa buong Akademiya.
Mataas na ang sikat ng araw dahil magtatanghali na ako nakarating dito sa Bayan ng Quincy mula sa Slavia. Doon ako nagpalipas ng bagong taon dahil doon ako nagsanay ng elemento ng apoy. Marami rin akong nalaman na impormasyon tungkol sa aking Grimoire doon sa matanda na tagapagbantay ng Dambana. Nagtungo rin ako sa aming bahay.
Sa tatlong linggo kong pamamalagi sa Slavia ay wala akong nakuhang impormasyon tungkol kay Milo. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung nasaan siya. Nag-aalal kasi ako dahil nasa akin ang kanyang Grimoire. Kaya ipinapanalangin ko talaga na walang nangyaring masama sa kanya at ayos lamang ang kanyang lagay.
"Ghorl! Ang tagal mo! Kanina pa ako naghihintay sa'yo! Madami akong chika sa'yo." saad ni Ruhk sa akin nang magkita kami sa loob ng Dormitoryo.
Tinapik ko ang balikat niya "Anong magaganap? Bakit ang daming Kawal ng Imperyo ngayon dito sa Akademiya?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Pinanliitan niya ako ng mga mata "Hindi mo ba alam ang balita?" wika niya sa akin at hinila na ako papunta sa kwarto ko na dating silid ni Milo.
"Anong balita? Wala naman akong nabasa sa dyaryo noong nasa Bayan ako ng Slavia." sagot ko sa kanya habang inaayos ang aking mga gamit at damit.
Umupo siya sa kama "Ghorl! Ayon sa narinig ng aking magandang tainga ay dadalaw daw ang Mahal na Emperador sa Akademiya sa susunod na buwan. Kukumustahin niya raw ang mga estudyante magtatapos sa Akademiya sa Marso." seryosong paliwanag niya sa akin.
Para naman akong mabibilaukan ng sarili kong laway sa aking narinig. Ano?! Magtutungo rito sa Akademiya ang Emperador sa susunod na buwan? Bakit?! Anong kailangan niya rito? Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi ako makapaniwala sa balitang binanggit ni Ruhk. Pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag nakita kong muli ang Emperador.
Kung totoo nga ang balitang ito ay hindi ko alam kung paano ko haharapin ito. Baka kailangan ko munang umuwi ng Slavia at bumalik na lang kapag wala na ang Emperador dito. Anong gagawin ko? Baka may gawin nanaman siyang masama sa akin. Natatakot ako na baka pagdiskitahan niya ulit ako katulad nang ginawa niya sa akin noon.
Nanginginig akong ngumiti "G-Ganoon ba. Kung sa susunod na buwan pa magtutungo rito ang Mahal na Emperador, bakit ang daming Kawal ng Imperyo diyan sa labas?" tanong ko sa kanya.
"Parang hindi naman bago sa'yo ito. Ganito naman talaga ang ginagawa ng Imperyo kapag may bibisiytahin na lugar ang Mahal na Emperador. Kinakailangan nila malaman kung sino ang mga nag-aarl at mga Maestro rito sa Akademiya. Para na rin sa mabuting kapakanan at seguridad Emperador at ng Pamilya nito." dagdag paliwanag pa sa akin ni Ruhk.
Nanlaki ang mga mata ko "P-Pati rin ang Pamilya ng Mahal na Emperador ay magtutungo rito?"
Tumango siya "Iyon lang ang narinig ko sa mga chika-chika diyan sa paligid. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na pati ang Pamilya ng Mahal na Emperador ay kasama niyang magpunta rito. Hindi halos kilala ng mga nasasakupan ng Imperyo ang tungkol sa mga Anak niya."
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...