Chapter 74
TITUS
"Handa ka na ba?" mahinang bulong sa akin ni Io habang nilalakad namin ang tarangkahan ng Palasyo ng Imperyo.
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang malakingaaaaaa Kastilyo sa aking harapan na nasa ibabaw ng bundok. Tanaw na tanaw ang magandang disenyo ng istraktura na animo'y nililok ng magagaling na iskultor. Napakaliwanag nito na para bang bawat parte nito ay may ilaw sa loob. Ito ang pinakamagandang Kastilyo na nakita ko sa buong nuhay ko.
Alas-siyete pa lamang ng gabi ngunit maraming mga imbitado ang nagsisirating mula sa iba't-ibang Bayan ng Imperyo. Suot ang magagarang damit hindi nila alintana ang gulong mangyayari mamaya. Ito raw ang pinakamalaking salu-salo na gaganapin ngayon taon sa Imperyo. Maya-maya lamang ay pormal na ipakakikilala ang susunod na tagapagmana ng trono.
Inakbayan ako ni Kisumi "Kinakabahan ka ba, Baby?" natatawang pang-aasar niya sa akin. Tumawa ako ng mahina "Sakto lang ngunit ito na ang araw na pinakahihintay ko." malumanay na sagot ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, nandito kaming tatlo para sa'yo." nakangiting wika sa akin ni Levi.
Matapos ko ipaalam sa akin ni Milo ang nangyari sa aking magulang ay naging buong-buo na ang aking desisyon. Hindi ko na pagdududahan pa ang aking sarili. Kailangan makamit ng aking mga magulang pati na rin ang aking mga mahal sa buhay ang hustiya. Kapag pinigilan ako ng Emperador sa pagkuha ng aking Grimoire, hindi ako magdadalawang isip na labanan siya.
Pagkapasok namin sa tarangkahan ng Palasyo ay agad na hinanap ang aming mga imbitasyon. Mahigpit ang seguridad ng mga Kawal ng Palasyo sa buong paligid. Bawal magdala ng anumang matatalim na bagay sa loob at tanging ang mga Grimoire lamang ang pinapayagan ipasok. Hindi rin nila pinalampas ang mga bisita na hindi nakasuot ng pormal na pananamit sa selebrasyon na ito.
Maingay ang buong paligid dahil sa dami ng taong naroroon. Bukas na ang pinto ng Palasyo kung saan mas lalo akong namangha dahil punong-puno ito ng mga Kawal. May mga magulang na dala-dala ang kanilang mga anak, magkasintahan, mga binata't dalawa at mga nakatatanda. Tanging mayayaman na mamamayan ang narito ngayon.
Hinawakaan ni Io ang aking kamay "Tara na, pumasok na tayo sa loob." tipid niyang saad.
Muli kaming sinuri ng mga Kawal pagkapasok namin mismo sa Kastilyo. Nanlaki ang mga mata ko dahil may mga malalaking ilaw na gaya sa diyamante na nakasabit sa mataas na kisama. May pulang karpita na dinadaanan ng mga bisita. Nagninining ang mga gintong disensyo ng bawat pader. Malalaki at matataas ang mga bintana na may magandang klase ng kurtina.
Naka-istasyon sa bawat gilid ang mga Kawal na kumpleto ng panangga at mga espada. Walang makikitang mga upuan at lamesa dahil magkakaroon ng sayawan mamaya. Sa pinakaharap ay makikita ang isang magandang entablado kung saan mayroon nag-iisang upuan. Punong-puno ito nang nagniningning mga ginto at mga bato.
Amoy na amoy ko ang mabangong bulaklak na sa paligid. Mayroong orkestra at mga mang-aawit sa ibabang gilid ng entablado. Okupado na ng mga bisita ang buong paligid kahit na mamaya pang alas-otso magsisimula ang programa sa selebrasyon na ito. Isang oras pa ang hihintayin bago magsimula ang lahat kaya may pagkakataon ako na kalmahin ang aking sarili.
"Akala ko ba hindi ka kinakabahan Baby. Bakit nanginginig iyang mga kamay mo?" natatawang pang-aasar sa akin ni Kisumi nang manatili kaming apat sa gilid ng isang pinto.
Siniko ko siya "H-Hindi ah! Hindi ako kinakabahan!" sagot ko sa kanya.
Tumawa ng mahina si Levi "Ikaw nga Kisumi! Tumigil ka na nga diyan sa pang-aasar mo kay Titus! Umayos ka nga."
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...