Chapter 35

3.3K 182 40
                                    

Chapter 35


TITUS


"Ito na iyong kalangitan na sinasabi mo Glenn?" natatawang saad ko matapos namin mapunta sa isang kwarto na ngayon ko lang nakita.

Tumawa siya ng mahina "Ginamit ko na ang huling alas ko kaya kita nag-teleport dito. Nakakapagod kaya gumamit ng mahikang iyon lalo na't napakalayo natin sa Bayan ng Slavia. Pakiramdam ko said na said ang enerhiya ko." malumanay nasa sagot niya at umupo sa ibabaw ng kama sa tabi ko.

Ano? Teleport? Anong ibig sabihin nito? Ngayon ko lang narinig ang salitang iyan at pakiramdam ko ay salitang banyaga ito katulad ng mga nakasulat sa aking Grimoire. Ngayon ko lang din nalaman na may ganoon pa lang klaseng mahika. Kaso bahayga akong nagtataka dahil kidlat ang mahikang taglay ni Glenn, paano niya nagawa 'to?

"Nasa anong Bayan tayo?" tanong ko sa kanya at dahan-dahan pumunta sa bintana ng kwarto kung saan nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Ngumiti siya "Nasa Bayan tayo ng Clarines, ang sentro ng Pamahalaan ng Imperyo ng Wistalia."

Isang napakagandang kastilyo ang nasa labas ng aming kwarto. Kahit na malayo ito ay kitang-kitang ito dahil nasa ibabaw ito ng bundok. Napakaliwanag nito na kahit hanggang dito ay mapapansin ang magandang arkitektura ng kastilyo. Hindi ko maiwasan na mamangha dahil naririnig ko lang ito sa mga kwento-kwento nina Nanay Agatha at Tatay Berto noon.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil narito sa Bayan na ito ang mga magulang ko. Nabanggit ko kasi noon kay Glenn na kasalukuyang naglilingkod sa Imperyo at Emperador ang mga magulang ko sa mahabang panahon. Sila rin ang aking inspirasyon kung bakit nais kong makapag-aral sa Akademiyang pinasukan nila noon.

Pansin na pansin ang pagiging progresibo ng buong Bayan ng Clarines. Naglalakihan ang magagandang bahay sa labas. Para bang nasa Bayan ako ng Quincy na kapitolyo ng buong Imperyo. Dito raw nakatira ang mga dugong bughaw at mga kamag-anak ng Pamilya von Weller. Ang pamilyang iyon ang namumuno sa Imperyo sa loob ng napakahabang panahon.

Humarap ako sa kanya "Glenn! Narito ang mga magulang ko! Hindi ba naikwento ko sa'yo noon na dito sa Emperador sila nanunungkulan. Baka maaari ko silang makita." nakangiti ko wika.

Nanlaki ang mga mata niya "O-Oo ba, bukas na bukas paggising mo maglilibot tayo sa buong Bayan ng Clarines. Nakapunta na rin kasi ako rito noon kaya kahit papaano ay kabisado ko na ang lugar na ito. Dito muna tayo mananatili bago tayo magtungong muli sa Akademiya."

Kinabukasan ay maaga akong nagising bukang liwayway pa lamang ay nakarinig ako ng pagpadyak ng mga kabayo at karwahe sa hindi kalayuan. Pagbukas ko ng malaking bintana ng kwarto ay mas lalo kong narinig ang pagsisigawan ng mga tao. Animo'y may sinasalubong ang mga ito. Ilang sandali pa ay isang magarang karwahe na pinangungunahan ng mga Kawal ang nasa hindi kalayuan.

"Magandang umaga..." saad ni Glenn at nanlaki na lang ang mga mata ko nang yakapin niya ako sa bewang at ipinatong ang kanyang baba sa ibabaw ng aking balikat.

Bahagya akong napasinghap "G-Glenn..." nahihiyang wika ko dahil may kakaibang matigas na laman ang bumabangga sa likod ko.

Nilingon niya ang mga tao sa ibaba "Paparating ata ang Emperador mula sa kanyang paglalakbay. Sa pagkakaalala ko ay ganito salubungin ng mga mamamayan ng Clarines ang Emperador o kahit sinong parte ng Pamilyang von Wistalia." pagpapaliwanag ni Glenn.

Matapos ang engrandeng pagsalubong ng mga tao sa Emperador ay tuluyan na dumaan sa aming harapan sa ibaba ang napakagandang karwahe na halos gawa na sa ginto at pilak. Napakaganda ng pagkakaggawa at disenyo rito. Napalilibutan ang karwahe ng napakaraming Kawal ng Imperyo na nakasakay sa mga kabayo. Nagsasaboy ng mga bulaklak ang mga tao sa paligid.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon