Chapter 39

2.3K 173 49
                                    

Chapter 39


TITUS


"Playtime is over..." rinig kong saad niya sa wikang banyaga n ahindi ko alam kung anong ibig sabihin.

Marahas akong napadapa sa bubong na kinatatayuan ko matapos kong maramadaman ang matinding hapdi sa aking likod. Nanginginig kong pinagmasdan ang Emperador habang malumanay niyang winawasiwas ang kanyang matalim na espada. Kitang-kita ko roon ang katas ng aking dugo na marahan na kumakalat sa paligid nito.

Suminghap ako ng hangin at dali-daling tumalon mula sa itaas ng bahay, pababa doon sa lupa. Mariin akong napakagat ng aking pang-ibabang labi dahil napakasakit ng pagkakahiwa niya sa aking likod. Pakiramdam ko ay lumabas na doon ang aking laman at mga buto. Balot na balot ng ang puting damit na pinasuot sa akin ni Glenn kanina.

Ang walang malay na si Glenn ay hawak-hawak ng mga Kawal ng Imperyo. Duguan pa rin ito at bahagyang namumutla na mula sa dugong kumawala sa kanyang katawan. Kailangan kong pahintuin o pigilan ang pagdurugo ng aking malaking hiwa kaya aagad kong pinunit ang aking damit at malumanay na itinali sa aking likod.

Ngumisi ang Emperador "Alam mo bang matagal na kitang hinahanap? Gusto mo rin bang maglingkod sa sangay ng Emperador? Kaatulad ng mga magulang mo?" rinig kong wika niya mula sa itaas.

Pinanlisikan ko ito ng tingin. Ibig sabihin ay totoo ang sabi sa akin noon na pinaglilingkuran ng mga magulang ko ang Emperador. Ngunit bakit sabi sa akin ni Glenn na wala raw sa talaan ng Clarines ang mga pangalan nila. Marahas akong bumuntong hininga dahil may konklusyon na namumuo sa aking isipan. Huwag kang mag-alala Titus, buhay sila at maayos ang kanilang kalagayan.

Isang beses lamang ako tinamaan ng talim ng kanyang espada ngunit ramdam na ramdam ko ang pagod ng aking katawan. Kahit na alam kong nag-uumapaw ang mahika sa akin ngunit parang ilang sandali na lamang ang itatagal ng lakas ng katawan ko. Mariin akong napalunok at pinagmasdan ang maitim at makakapal na ulap sa itaas.

Bahagya akong natawa sa aking sarili dahil alam ko na wala akong laban sa halimaw na nasa harap ko. Halos mabanggit ko na ang lahat ng salamangka sa Grimoire nina Milo at Glenn ngunit parang wala itong talab sa kanya. Wala rin bahid ng anumang pagod sa kanyang katawan. Hindi niya pa ginagamit ang Grimoire niya.

Nanginginig akong tumayo "Hindi ko alam kung anong gusto niyong makuha sa akin. Isang ordinaryong mag-aaral lamang ako sa Akademiya. Mayroon simpleng pamumuhay at nagmamay-ari ng normal na Grimoire. Wala akong nakikitang dahilan kung bakit kailangan niyo ako, Mahal na Emperador." malumanay na sabi ko sa kanya.

Totoo naman ang aking mga sinambit. Wala akong kasalanan, kung ang pag-alis lamang sa aming Bayan sa Slavia ang tanging dahilan ay napakababaw naman nito. Hindi naman ako tumakas, saka sinong tatakasan ko? Umalis ako ng Bayan upang harapin ang aking kinabukasan na maging isang salamangkero katulad ng aking mga magulang.

Huminga ako ng malalim "Hindi ako karapat-dapat na pag-aksayahan niyo ng oras. Kaya nag-mamakaawa ako sa inyo, pakawalan niyo na po ang mga mahal ko sa buhay dahil wala po silang kasalanan sa inyo. Ako na lamang po ang hulihin niyo at parusahan." nag-mamakaawang dagdag ko pa.

Kung sino ang sisisihin dito ay ako at ako lamang. Walang kasalanan sina Nanay Agatha, Tatay Berto, Kuya Run pati na rin si Glenn. Kung may dapat may bayad ng kanilang mga naging kasalanan ay ako dapat. Alam kong sinakripisyo nila ang kanilang kaligtasan para sa akin ngunit ito ang tamang pagkakataon upang ibalik iyon sa kanila. Ito na lamang ang naiisip kong huling paraan.

Wala sa sariling pinagmasdan ko ang Emperador "Ano po bang kailangan niyo sa akin? Sabihin niyo po nang maibigay ko ito sa inyo ng bukal sa loob." tanong ko sa kanya.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon