Chapter 66
TITUS
"Magandang Hapon sa inyong lahat. Ako nga pala si Gilbert von Wistalia, ang ika-labing tatlong Emperador ng Imperyo ng Wistalia." nakangising saad ng maamong mukha ng Mahal na Emperador habang nakatayo siya ng tuwid sa entablado.
Suot niya ang opisyal na kasuotan ng isang Maharlika. Ang kanyang pang-itaas ay gawa sa pinakamagandang klase ng tela na matatagpuan sa buong Imperyo. Nagniningnig ang mga palamuting gawa sa iba't-ibng klase ng diyamante na nakasabit sa pang-itaas ng Emperador. Hindi rin mawawala ang mga ginintuang mga disensyo ng kanyang damit.
Isang simpleng pang-ibaba lamang ang suot niya, ito ay gawa sa puting tela na sakto lamang ang sukat. Nakasabit ang kanyang mahabang espada sa sinturon na gawa sa makinis na klase ng balat ng hayop sa kanyang bewang. Gamit din niya ang mahabang bota na maganda rin ang pagkakagawa at disensyo. May suot din siyang isang mahabang kapa na nakasabit sa kanyang leeg.
Ibang-iba ang itsura ng Emperador noong nasa Bayan ako ng Clarines at nakipaglaban sa akin. Nakaguhit sa kanyang mukha ang isang maamong ngiti na kahit sino ay malilinlang. Kahit na halata na may edad na ang Mahal na Emperador ay hindi pa rin nawala ang kakisigan ng katawan nito. Sakto lamang sa hugis ng kanyang katawan ang magandang kasuotan niya.
"Ipagpaumanhin ninyo na tanging ang Pangalawang Prinsipe at ang Bunsong Prinsesa ang narito ngayon sa Akademiya upang saksihan kayo. Hindi ko kasi kasama ang Unang Prinsipe ng ating Imperyo." dagdag pa ng Emperador at tumingin sa kanyang gilid.
Dahan-dahan akong lumingon upang makita kung sino ang mga pumasok. Nauna ang isang binata na balot din ng magandang kasuotan katulad ng kanyang Ama. Sumunod naman ang isang batang babae na nakagayak din. Pakiramdam ko ay nakita ko na sila dahil may kahawig sila na hindi ko lang matandaan kung sino.
Pareho lamang sila ng kanilang Amang Emperador. Maamo ang kanilang mga mukha. Ang ekspresyon ng kanilang mga mata ay iisa lamang. Lahat sila ay mayroon itim na buhok ay mala-langit na kulay ng mga mata. Nakaguhit ang maamong ngiti sa kanilang mga labi. Maganda rin ang kanilang mga balat at tindig ng mga katawan.
Makikita na sila talaga ay mga Anak ng Emperador. Nag-uumapaw ang kakaibang awra na sila ay mga dugong bughaw at mga Maharlika. Mapapansin na nakatira sila malaking Palasyo. Pakiramdam ko ay nanliit ako bigla dahil ngayon lamang ulit ako nakakita ng mga mayayaman. Para silang mga anghel na bumaba sa lupa mula sa langit.
Ngumiti ng maamo ang Emperador "Ipinapakilala ko sa inyo, ang Ikalawang Prinsipe ng Imperyo ng Wistalia. Lumapit ka na sa aking tabi, Gionne Raden von Wistalia. At ang Bunsong Prinsesa, Gavina Real von Wistalia."
Malakas kaming nagpalakpakan nang lumapit na sa tabi ng Emperador ang kanyang mga Anak. Nasaan kaya ang kanyang panganay? Bakit kaya hindi ito nakasama sa kanila? Kamukha rin kaya siya ng kanyang Ama? Malakas talaga ang pakiramdam ko na nakita ko na sila. Napaka-pamilyar ng kanilang mukha sa akin.
Gumuhit ang maamong ngiti sa magagandang labi ng dalawa. Kumaway lamang sila sa amin na punong-puno ng tamang etiketa. Pakiramdam ko ay nagniningnig ang mga mata ko sa kanila. Ilang sandali pa ay umupo na sa magkabilang gilid ng upuan ng Emperador ang kanyang mga Anak. Nanatiling nakatayo ang Emperador sa entablado.
"Umupo ang lahat." mahinahon na sa amin.
Hindi ako makapaniwala na ito ang ikalawang beses na makikita ko ng Emperador ng Imperyo. Sana lang hindi na umikot ang kanyang tingin sa paligid at hindi na niya ako makita. Sana malaman ko ngayon hapon kung ano ba talaga ang dahilan ng Emperador kung bakit niya kinuha sa ang aking Grimoire. Anong mayroon sa Grimoire na iyon na nakakuha ng interes niya.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasiTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...