Chapter 56

1.9K 121 6
                                    

Chapter 56


TITUS


"Bakit nasa gubat tayo?" nagtatakang tanong ko kay Kisumi at Levi na kasama ko ngayon sa loob ng Grimoire ng Punong Maestro.

Muli kong pinagmasdan ang buong paligid. Nagtataasan at naglalakihan ang mga puno na iba't-ibang klase. Ramdam na ramdam ko sa aking balat ang malamig na simoy ng pang-umagang hangin. Naririnig ko rin ang huni ng mga ibon na nagliliparan sa ibabaw namin. Ala-sais pa lamang ng umaga kaya papasikat pa lamang ang Haring araw.

Hindi namin kasama ngayon sa susunod na pitong araw sa mundong ito si Io. Nakatanggap kasi siya ng balita tungkol sa kanyang Pamilya at kinakailangan niya raw magtungo sa kanilang Palasyo kapag natapos ang kanyang klase. Kaya si Kisumi at Levi lang ang kasama ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal niya sa tunay na mundo.

Malalim na huminga si Kisumi "Saktong-sakto lamang ang lugar na ito upang simulan natin ang pagsasanay mo Baby." nakangising saad niya habang nag-uunat ng kanyang matipunong katawan.

Tinitigan ko si Kisumi dahil bahagyang tinatangay ng pang-umagang hangin ang kanyang maikli ngunit magulo na kulay laman ng salmon na buhok. Ang kanyang maliliit na mata ay sinusuri ang buong paligid. Nakaguhit sa kanyang labi ang kakaibang ngisi kaya bigla akong kinabahan. Baka mas seryoso pa siya kay Io magturo sa akin.

Ningitian ako ni Levi "Tama, dito tayo sa lugar na ito pansamantalang magsasanay. Ang mga puno ay ang pangunahin na taga-gawa ng hangin sa buong mundo. Angkop lamang ang lugar na ito upang simulan ang iyong pagsasanay sa elemento ng hangin."

Bahagya akong napangiwe "T-Totoo bang ito ang pinakamahirap na elemento na pag-aralan at sanayin? B-Bakit hindi na lang muna tayo magsanay ng elemento ng lupa?" nagtatakang tanong ko sa kanilang dalawa.

Tumawa si Levi ng mahina "Kinakailangan mong matutunan ang pangunahin abilidad sa elemento ng hangin. Kung wala kang tinatapakan na lupa, wala kang nakikitang apoy at tubig at hindi pa kumukulog ang kalangitan upang gumawa ng kidlat ngunit ang hangin ay nasa paligid lamang natin." dagdag paliwanag pa niya.

Tumango ako "Ano ba ang pagkasunod-sunod ng mga elemento base sa tamang pag-aaral dito?"

Inakbayan ako ni Kisumi "Ang elemento ng lupa ang pinakamadaling pag-aralan sa lahat. Sumunod ang tubig, apoy at kidlat. Ang hangin ang pinakamahirap sa lahat dahil kinakailangan ng matinding panghukutin." sagot niya.

Kumunot ang noo ko "Panghukutin? Anong ibig sabihin niyan? Ngayon ko lamang narinig ang salitang iyan."

"Ang ibig sabihin ng hukutin ay isang uri ng kilos. Kinakailangan na maging malambot at kaluwagan sa kilos. Ang kilos ng iyong mga kamay ay kinakailangan na maki-bagay sa daloy ng hangin." dagdag paliwanag ni Kisumi.

Tumango si Levi "Sa paggamit ng abilidad ng tubig ay kinakailangan malumanay ay kaaya-aya ang kumpas ng iyong kamay. Ang iba't-ibang klase at uri ng kilos ng katawan ang ginagamit sa iba't-ibang elemento. Sa paggamit ng hangin sa paligid ay hindi maaaring maging malumay at kaaya-aya katulad ng paggamit sa elemento ng tubig."

Naiintindihan ko na kung bakit kinakailangan silang tatlo ang magturo sa akin ng tamang paggamit ng mga elemento sa paligid. Sila kasi ang tunay na nakaaalam ng tamang pagkilos at posisyon ng katawan. Para bang bumalik akong muli sa pinakaunang bahagi ng aking pagsasanay. Kinakailangan ko munang hindi isipin ang elemento ng tubig dahil elemento ng hangin ang aaralin ko ngayon.

Wala nang sinayang na oras pa si Kisumi at dinala ako sa isang bahagi ng gubat kung saan malayo ang mga puno sa paligid. Para bang ito ang pinakasentro ng gubat. Magandang lokasyon ito dahil malawak ang buong paligid at puro damo ang tinatapakn namin. Pansamantala kaming iniwan ni Levi dahil gagawa daw muna siya ng aming bahay gamit ang kanyang kanyang mahika.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon