Chapter 54

1.8K 137 14
                                    

Chapter 54


TITUS


"Unti-unti mo na rin nagagawa...: tipid na saad sa akin ni Io habang inaalalayan ang aking mga braso sa bawat pagkumpas nito.

Napahinga ako ng malalim at kahit labis na ang pagkakangalay ng aking mga kamay ay nagpapatuloy pa rin ako. Atras-abante pa rin ang ginagawa ko at nakikita ko na ang unti-unting pagbabago sa paggalaw ng tubig na nasa harapan ko. Umabot na hanggang sa itaas ng aking tuhod ang tubig na naiangat ko mula sa dagat. Mabagal pa rin ang pagsunod ng tubig sa akin.

Sa loob ng pitong araw kong pamamalagi sa loob ng mundong ito ay marami na akong natutunan ngunit wala pa rin ako sa kalingkingan ng kakayahan ng tatlong binatang kasama ko rito. Malayo pa ang aking tatahakin kaya mas lalo kong pinagbubuti ang aking pagsasanay. Alam kong magagawa ko rin ang mga ginagawa ni Io at alam kong kaya ko rin iyon.

Ito na ang huling araw namin sa mundong ito at mamayang ala-sais ng gabi, matapos lumubog ng araw ay babalik na kami sa tunay na mundo. Nangitim ang balat ko katulad ni Kisumi at Levi ngunit si Io ay namumula-mula lamang. Mag-aala singko na ng hapon at matatapos na maya-maya ang aming pagsasanay. Masaya ma rin ako sa binigay sa akin na pagkakaton ng Punong Maestro.

"Kaya mo 'yan Baby! Nakikita ko na ang pagbabago sa mga galaw mo!" sigaw ni Kisumi mula sa dalampasigan.

Ngumiti si Levi "Oo nga! Pagbalik natin ikukuwento ko sa Punong Maestro ang pagsasanay mo!" dagdag namn niya habang naliligo sa kabilang parte ng dagat.

Tumango ako "Hindi ko matututunan ang lahat ng ito, kung hindi dahil sa inyo. Kaya labis akong nagpapasalamat sa lahat ng itinulong at itinuro niyo." sagot ko naman at mabilis na nagpatuloy sa aking ginagawa.

Kahit tagaktak na ang pawis sa aking mukha ay nagpatuloy pa rin ako. Mabigat pa rin ang tubig na pinapagalaw ko ngunit hindi na ito kasing bigat noong unang araw. Alam kong sa ilang linggo na lang ang aabutin ko upang masanay ako sa aking ginagawa. Malaking tulong ito sa akin lalo na kapag umabot sa puno na hindi na kaya ng aking katawan na maglabas ng mahika.

Sinasabayan ko ang pagbalik-panaog ng mababaw na alon sa aking ginagawa. Itinutulak ko ang aking mga kamay kapag aatras ang alon pabalik sa dagat at hihilahin ko naman ang alon kapag patungo ito sa dalampasigan. Ang naka-angat na tubig halos sing lapad lamang ng aking katawan at maliit lamang ito kaysa sa ipinakita sa akin ni Io noong unang araw.

Kahit na lagi akong napagagalitan ni Io kapag hindi ko pinakikinggan ang sinasabi niya ay laging nasa akin ang kanyang atensyon. Animo'y wala siyang pakialam sa dalawa pang binata na kasama namin. Hindi man lang niya kinakausap ang mga at kapag nagkakaroon sila ng iringan ni Kisumi at inaawat lamang sila ni Levi. Ako lang ang kinakausap niya sa ilang araw namin na pananatili rito.

"Mabuti ka pa, ilang araw mo lang inaral ito ngunit alam kong mabilis mong matutunan ang abilidad na ito. Ako noong nagsisimula akong sanayin ito sa Akademiya ay halos sumuko ang buong katawan ko." mahinang bulong sa akin ni Io.

Mariin akong napakagat ng pang-ibabang labi dahil ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga na tumatama sa kanang pisngi ko. Ang kanyang kaliwang braso ay nasa likod ko upang alalayan ang kaliwang kamay ko. Halos walang mapaglagyan ang mukha ko sa labis na hiya dahil dumidikit sa aking hubad na likod ang kanyang hubad na matinong dibdib.

Mabilis pa akong napalunok dahil pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa lalamunan ko. Gusto kong ilayo ang aking hita sa kanya ngunit animo'y naging bato ito sa buhangin sa ilalim ng daagat. Alam kong labis ang pagkapula ng mukha ko dahil nararamdaman ko ang kanyang laman sa ibaba ay tumatama sa aking kanang hita. Ayaw ko naman sabihin ito sa kanya dahil baka naman mapahiya siya.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon