Chapter 6

6.1K 327 35
                                    

Chapter 6


TITUS


"Ngayon, sisimulan kong turuan ka kahit papaano gumamit ng mahika. Huwag mong asahan na magiging madali lamang ang lahat dahil may Grimoire ka na. Nag-uumpisa ka pa lang." nakangiti ngunit ramdam ko ang pagiging seryoso ni Glenn.

Tumango naman ako habang malakas na tinatangay ng pang-umagang ang aking may kahabaang buhok. Simula nang malaman ko kanina na mayroon na akong Grimoire ay hindi na ako mapakali na. Malakas ang nag-uudyok sa akin na dapat makagawa na ako ng aking sariling mahika. Kaya ito, sa tulong ni Glenn ay sisimulan ko na ang aking pag-eensayo.

"Katulad ng sinabi mo sa akin kanina na nais mong makapag-aral sa Akademiya na pinasukan ng iyong mga magulang. Isang prestihiyosong paaralan iyon kaya kinakailangan mong mag-ensayo ng mabuti. Ang ilang taong dapat mo ng ginawa ay gagawin natin ng ilang linggo a lamang." dagdag paliwanag niya pa.

Muli akong tumango at pinagmasdan ang kanyang magandang postura habang nakatayo sa ibabaw ng may kataasang bato. Napag-alaman ko rin na doon papasok sa Akademiya na iyon si Glenn. At bilang pasasalamat niya raw sa pagsagip ko sa kanyang buhay, handa niyang ituro sa akin ang mga kaalaman niya sa paggamit ng mahika.

Ayon sa kanya, isang buwan na lamang ay pasukan na sa Akademiya. May tatlung-pung isang araw ako upang mag-ensayo. Dahil sa susunod na linggo ay sisimulan na namin ang aming paglalakbay papunta sa Akademiya. Nasa kabilang ibayo pa ito ng Imperyo kaya maaga kaming aalis upang makapunta doon ng sakto lamang sa oras.

Wala kaming sasakyan kaya maglalakad lamang kami papunta roon. Malayo ang Clarines sa aming bayan na Slavia. Kapag nagkaritela naman kami ay aabutin lamang ng isang linggo ang paglalakbay.

"Naiintindihan mo ba?"

Hindi na ako magrereklamo pa dahil nararamdaman ko na isang maging na salamangkero itong si Glenn at marami akong matututunan sa kanya. Napalunok ako ng mariin habang iniisip kung anong mahika ang mayroon ako. Hindi ko kasi maintindihan dahil magulo ang aking Grimoire.

Mayroong sulat ang limang unang pahina nito. Sa una ang aking pangalan, sa pangalawa ang isang salamangka na tungkol sa tubig, ang sumunod ay tungkol sa hangin at bato habang ang panghuli naman tungkol sa apoy. Kaya hindi ko mahinuha kung ano ba talagang elemento ang mayroon sa mahika ko.

"Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa at sisimulan ko na ang pag-eensayo at pagtuturo sa'yo. Sa unang bahagi, kinakailangan mo munang ikutin ng dalawang-pung beses ang buong paligid kung saan nakikita mo ang harang na gawa sa kuryente." malumanay na pagkakasabi niya.

Bahagyang tumabingi ang ulo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong tumakbo ng ganun karami. Hindi ko naman kayang tumakbo ng ganun! Napaka-imposible naman sa akin ng kanyang ipinapaggawa. Mariin akong napalunok at pinagmasdan ang kanyang itsura kung nagbibiro lamang siya ngunit wala akong nakitang bakas ng pagbibiro sa kanyang mukha. Seryoso akong tinititigan ng kanyang mala-pilak na mga mata.

Ngumisi siya "Hindi natin maaaring biglain ang pagpapalabas ng iyong mahika sa katawan dahil maaari mo itong ikapahamak. Katulad ng sinabi ko sa'yo kanina, may kakaibang mahika akong nararamdaman sa iyong katawan. Kapag biglaan nating ginising ito baka sumabog ito sa iyong magandang mukha." pagpapaliwanag niya.

Tumango na lamang ako at inintindi ang sinabi niya. Tama siya at hindi ko maaaring biglain ang katawan ko. Bago sa akin ang lahat ng ito kaya maaari kong ikapahamak ang mga maling kilos ko. Siya ang nakatatanda at siya ang mas may alam kaysa sa akin, kaya iyong sasabihin niya lamang ang susundin ko.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon