Chapter 61

1.6K 142 12
                                    

Chapter 61 


TITUS


"Hooo! Kahit papaano naman ay nakokontrol na kita!" marahas na saad ko sa aking sarili.

Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang apoy na nagliliyab sa ibabaw ng aking kanang palad. Ramdam ko ang init na dala nito na tumatama sa aking mukha. Ilang beses pa akong napaso nitong mga nakarang araw para lamang makapagpalabas ng apoy sa aking kamay. Mabuti na lang at bumili ako ng mga halamang gamot para sa aking balat.

Isang linggo na ang lumipas noong muli kong magbalik dito sa Bayan ng Slavia. Isang linggo na rin ang nagdaan ay nagsasanay ng elemento ng apoy gamit ang Grimoire ni Milo. Sa loob ng ilang araw ko rito sa Bayan ay pilit pa rin akong nagtanong-tanong sa mga nakatira. Hindi raw talaga nila nankita si Milo na bumalik dito sa Bayan.

Wala naman akong nagawa dahil hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Ilang araw na rin akong hindi makatulog ng maayos kakaLabis ang aking pag-aalala para sa kanya. Ang lalim na ng mga mata ko dahil sa puyat. Kung nasaan man siya ngayon ay sana lagi niyang ingatan ang kanyang sarili. Iyon na lamang ang mahihiling ko sa kanya.

Nag-unat ako ng aking sarili "Mukhang kailangna ko na muling subukang gamitin ang mga salamangka sa Grimoire ni Milo."

Agad na lumutang sa aking harapan ang Grimoire ni Milo na may apat na ginintuang bituin. Mabilis na nabalutan ng nagliliyab na apoy ang napakagandang pabalat nito. Ilang sandali pa ay naglabas na ito ng maliwanag na enerhiya at dali-daling nagpalipat-lipat ang mga pahina. Kinuha ko naman ang baton na nakasabit sa aking bewang at itinutok ito sa isang malaking puno.

Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang aking sariling mahika. Dahan-dahan kong pinadaloy sa aking kanang braso ang aking enerhiya patungo sa baton na hawak ko. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa disenyo nito. Ilang sandali pa ang lumipas ay unti-unting naglabas ng kulay kahel na may halong pula ang ibabaw ng baton na hugis bilog.

Mabilis kong ibinato ang namuong apoy patungo sa malaking puno "Fire Blast!" malakas na sigaw ko.

Naalala ko ang kwento sa akin noon ni Milo kapag nagsasanay siya gamit ang kanyang kapangyarihan. Ang galaw ng mga kamay ay kinakailangan maging agresibo kapag ginagamit ang elemento ng apoy. Kapag nagpapalabas ako ng apoy sa aking mga kamay noong nakaraang mga araw, marahas ko itong binabato sa pinakamalapit na puno na makita ko.

Sa pamamaraang ito ay napagtanto ko na kapag naging agresibo at marahas ang aking mga galaw ay hindi sasabog ang apoy na ginawa ko. Bago pa lumaki ng tuluyan ang apoy sa ibabaw ng aking baton ay mabilis ko itong binato sa punong nasa harapan ko. Hindi katulad nang ginagawa ko noon na wala sa tiyempo ang galaw ng mga kamay ko.

Agad na gumawa ng malakas na pagsabog ang apoy na ibinato ko sa punong nasa harapan ko. Nang humupa ang usok ay matindi ang pagkasunog ng katawan nito. Lubos na mapangahas gamitin ang elementong ito. Kaya kinakailangan ito ng matinding pagsasanay at pag-aaral. Kapag hindi ko ito nakontrol ng maayos ay maaari akong makasakit ng mga tanong nasa paligid ko.

Napangiti ako "Sa wakas! Nagawa ko rin!" malakas na sigaw ko.

Nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa. Patuloy akong naglalabas ng mga bolang apoy sa aking baton at naging matagumpay ang aking ginagawa. Lagi kong natatamaan ang punong nasa harapan ko. Hindi naman tuluyan na nasunog ang apoy dahil agad na kinukuha mula sa puno ng aking kaliwang kamaay at itatapon ang apoy sa lupa upang hindi kumalat.

Mataas na ang sikat ng araw at ramdam ko na rin ang aking matinding hingal dahil ilang oras na akong nagsasanay lalo na't ginagamit ko ang aking enerhiya upang makagawa ng apoy. Nararamdamdaman ko na bahagyang nauubusan na ako ng mahika kaya pansalamantala muna ako nagpahinga sa loob ng kweba. Kinakailangan kong mgpahinga upang nanumbalik ang aking lakas.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon