Chapter 62
TITUS
"Bakit ka nagtatanong tungkol sa Grimoire na may limang ginintuang bituin? Anong pakay mo saa aklat na iyon?" nagtatakang tanong niya sa akin.
Ngumiti ako "Ako po kasi ang kasalukuyang tagapagmana ng Grimoire na iyon." malumanay na sagot ko sa kanya.
Kitang-kita ko ang labis na pagkagulat na gumuhit sa kanyang mukha. Animo'y hindi makapaniwala ang matanda sa narinig sa akin. Rinig ko pa ang marahas na pagsinghap nito ng hangin. Pinanliitan niya ako ng mga mata na para bang sinusuri kung totoo ang aking mga sinambit. Kaya hindi ko tinanggal ang aking tingin sa kanyang mga mata.
Hindi naman siya sumagot at pinapasok na niya ako sa Dambana ng mga Grimoire. Muling nanumbalik sa akin ang mga alaal ng huli kong punta rito, ilang buwan na ang nakalilipas. Ang malalaking lagayan ng mg Grimoire ay mangilan-ngilan na lamang ang naroon. Mula baba hanggang sa tuktok ng Dambana ay pinalilibutan lamang ng mga Grimoire na wala pang tagapangalaga.
Pumasok lamang kami sa isang maliit na silid kung saan may malaking bintana sa likod ng kanyang maliit na lamesa. Ikinumpas niya ang kanyang mga daliri at otomatiko na nakandado ang pinto sa aking likod. Ayaw niy siguro na may pumasok na tauhan niya sa loob ng silid na ito hanggang nag-uusap kaming dalawa. Kampante naman ang aking palagay.
Kunot noo niya akong pinagmadan "P-Paano napunta sa'yo ang Grimoire na iyon? Saka sa aking pagkakaalam ay tanging nasa iisang pamilya ang tanging tagapagmana nito. Paano mo mapapatunayan sa akin na nagsasabi ka ng totoo? Nasaan ang Grimoire na iyon?"
Umupo ako sa silya na nasa harapan ng kanyang lamesa "Mayroon akong kaibigan na nagbigay sa akin noong araw ng selebrasyon ng mga Grimoire. Ang saad niya ang nakita niya ito sa gubat at may mahika raw na nakalinya sa akin at sa aklat na iyon."
Iyon ang naalala kong sinabi sa akin ni Glenn noong nakita ko siyang nanghihingi ng tulong noong pinatakas ako nina Nanay Agatha at Tatay Berto at nagtungo ako sa kweba sa gitna ng gubat. Ang paliwanag sa akin ni Glenn noon ay nakita niya raw na may nakalinyang mahika mula sa aking Grimoire at sa aking katawan kaya raw siya hinabol ng mga Kawal ng Imperyo noon.
Naalala ko noong matapos kong gamutin ang malalalim na sugat noon ni Glenn. Kinaumagahan ng araw na iyon ay binanggit niya sa akin na ang Grimoire ko raw ang nagpagaling sa kanya gamit ang mahika ng tubig. Noong una ay halos hindi ako makapaniwala sa kanyang sinasabi ngunit noong nabasa ko ang pangalan ko na nakatala sa Grimoire na iyon ay doon lamang ako natauhan.
Hindi pa ako pinayagan ni Glenn noon na gamitin iyon noon dahil hindi pa raw kaya ng aking katawan ang mahika at kapangyarihan na taglay ng aking Grimoire na may limang ginintuang bituin. Ang unang beses ko na nagamit ang aking Grimoire ay noong noong sumabak ako sa ikalawang bahagi ng paunang pagsusulit upang makapasok ako sa Akademiya.
Pinanliitan niya ako ng mga mata "Binigay ng kaibigan mo at nakita niya ito sa gubat? Napaka-imposible naman nito! Ang huling tagapagmana ng Grimoire na iyon ay ang Ama ng kasalukuyang Emperador. Nasa Palasyo ng Imperyo ang Grimoire na may limang ginintuang bituin. Paano naman iyong mapupunta roon?"
Itinaas ko ang aking mga balikat "May kilala ka bang maharlika na nag-ngangalang Glenn Radars?" tanong ko sa kanya.
"Glenn Radars? Tunong maharlika ngunit hindi ko kilala kung saang nagmulang pamilya ang apelido niya. Baka taga-Clarines iyan. Maiba ako, nagsasabi ka ba ng totoo?"
Natawa ako ng mahina "Hindi po ako magsasayang ng oras na kausapin kayo kung hindi ako nagsasabi ng totoo. Kasalukuyan akong nag-aaral sa Akademiya at nagbalik lamang ako sa Bayan na ito upang magsanay at magtanong sa inyo." malumanay na sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...