Chapter 72

1.6K 143 57
                                    

Chapter 72


TITUS


"M-Milo..." wala sa sariling saad ko sa aking sarili at naitakip ko na lang ang aking mga palad sa bibig ko.

Hindi ako makagalaw nang titign niya ako gamit ang kanyang nagbabagang mga mata. Animo'y nanlambot ang buo kong katawan at hinigop nito ang lahat ng aking lakas. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Naroon siya! Hindi ako nagkakamali! Nasa loob ng seldang iyon ang katawang lupa niya. Hindi ako namamalikmata!

Mabilis akong tumakbo papalapit sa seldang iyon. Iniwan ko na si Io at ang Kawal na tagapagbantay ng palapag na ito. Rinig na rinig ko ang pagkalansing ng mga kadena na animo'y hinihila-hila niya. Hindi ko halos maaninag ang kanyang mukha dahil sa dilim ng selda sa loob. Agad kong kinuha ang isang sulo na nakasabit doon upang maging gabay ko.

Nang makalapit ako sa selda kung nasaan siya ay halos manlumo ang aking katawan sa nakita. Nanlaki ang mga mat kong pinagmamasdan ang kanyang hubad na pang-itaas kung saan napakarami nitong sariwang sugat. Animo'y pinaghahaplit ito ng latigo at matindi ang tinamo niya rito. Punong-puno ng malalaking hiwa ang kanyang dibdib.

Napaupo ako sa lupa "A-Anong nangyari? Bakit ka narito? Sino ang may gawa niyan sa iyo?" nangangatal na tanong ko sa kanya habang itinabi ko ang sulong dala ko sa kabilang gilid.

Iniwas ni Milo ang kanyang tingin sa akin na para bang ayaw niyang sagutin ang aking mga katanungan. Ang kanyang magkabilang paa ay makakadena at ang kanyang mga kamay ay nakaposas gamit ang isang malapad na kahoy. Niyuko niya angkanyang ulo at lumayo. Pagtalikod niya ay kitang=kita ko roon ang mga sariwang sugat.

Nanginginig ang buo kong katawan sa nakita. Bakit nakakulong si Milo? Anong ginawa niyang kasalanan?! Sino ang nagpapahirap sa kanya? Kaya ba hindi ko siya nakita sa Bayan ng Slavia dahil matagal na siyang nanatili rito? Wala siyang ginawang masama! Hindi masamang tao si Milo kaya hindi dapat nararanasan ang lahat ng ito!

Marahas kong kinalampas ang rehas na bakal na nagsisilbing harang naming dalawa sa isa't-isa "Sumagot ka! Anong ginagawa mo rito sa kulungan! Sabihin mo sa akin... P-Parang awa mo na..."

Mariin akong napakagat ng aking pang-ibabang labi nang magsimulng bumuhos ang aking luha. Ang sakit sakit sa dibdib na makita ang ganitong kalagayan niya! Animo'y hindi siy kumakain dahil labis na ang kanyang pagkapayat. Halos maubos ang kanyang itim na itim na buhok. Punong-puno rin ng matitinding paso ang kanyang balat.

Nanatiling nakatalikod sa akin ni Milo at hindi ako sinagot. Kung sana alam ko lang na narito pala siya ay matagal ko na siyang iniligtas! Hindi ko matanggap na naapalis siya ng Akademiya at makukulong lamang siya rito. Hindi ko maintindihan! Bakit kailangan na pahirap siya ng ganito? Hindi ba sila naaawa sa kanya?

Nagtagis ang aking mga bagang. Anong klaseng tao ang gumagawa ng ganitong karumal-dumal na pagpapahirap? Hindi pa ba sapat ang mga sugat na natamo niya? Hindi pa ba sagot ang mga peklat na naiwan sa kanya? Anong gustong gawin ng mga hayop na ito? Anong balak nilang gawin kay Milo? Gusto ba nilang patayin ito?

Napayuko ako "P-Parang awa mo na... S-Sumagot ka... N-Nababaliw na ako sa'yo... H-Hindi ko na alam ang gagawin ko..." nauutal kong paki-usap sa kanya.

Hinarap niya ako gamit ang kanyang nagbabagang mga mata "Umalis ka na! Hindi kita kailangan rito! Ayaw kitang makita!" malakas niyang sigaw sa akin.

Walang emosyon na namumutawi sa kanyang mga malalalim na mga mata. Maski ang kanyang mukha ay hindi pinatawad. Punong-puno rin ito nang mahahabang sugat at napakarami niyang peklat. Habol na habol din ang kanyang hininga na animo'y nahihirapan sa pagsasalita. Hindi rin siya makagalaw nang maayos na para bang marami siyang bali sa katawan.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon