Chapter 12

4.8K 298 24
                                    

Chapter 12


TITUS


"Masusunod po ang inyong kagustuhan Mahal na Punong Maestro. Ikinagagalak namin na ikaw ay nakapasa sa aming unang pagsusulit. Maaari ka nangpumasok sa loob ng Akademiya at sumama sa mga kapwa mo estudyante na nakapasa. Maghanda ka na para sa pangalawang bahagi ng pagsusulit. Muli, binabati ka namin at ikaw ay pumasok sa pamantayan ng aming Akademiya." nakangiting sa akin ng Maestrong gumagabay sa aming mga estudyante.

Nakahinga ako ng maluwag at agad kong nilingon si Glenn. Nakangiti ito sa akin na para bang alam niyang mangyayari ito at makakapasa ako. Kitang-kita ko ang sinseridad na nakaguhit sa kanyang labi. Tumango pa ito sa akin. Wala akong mapaglagyan ng aking kasiyahan kaya nakangiti akong bumaba sa entablado at sinamahan ng isang Maestro patungo sa loob ng Akademiya.

Nanginginig kong pinagdikit ang aking mga palad at nanalangin sa itaas na labis akong nagpapasalamat at nakapasa ako sa aking unang pagsusulit. Ipinalangin ko rin na makapasa ri si Glenn. Kahit alam kong makakapasa siya dahil na rin apat bituin na naka-ukit sa kanyang Grimoire. Gusto ko siyang makasama sa susunod namin na pagsusulit upang makapasok sa Akademiyang ito.

Unti-unti nang humihahon ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Bahagya rin na bumagal ang mabilis na tibok ng aking puso. Agad din na nawala ang panginginig at panlalamig ng aking mga kamay.

"Salamat naman at nakapasa ako..." wala sa sariling wika ko nang iwan ako ng Maestrong naghatid sa akin tungo sa isang kwarto sa loob ng Akademiya kung nasaan naroon ang iba pang nakapasa.

Nilingon ako ng wala pa sa sampung nakapasa, ang iba ay nagbulungan, karamihan ay wala namang pakialam ngunit iyong lalaking kagrupo ko na unang nakapasa ay nakangiting inanyayaan akong maupo sa kanyang tabi. Naroon din ang isang babaeng Maestrong babae na mariin akong tinititigan na para bang hinuhulaan ang buo kong pagkatao. Tumango na lamang ako at lumakad na doon sa lalaki.

Hindi pa ako nakakaupo nang agad akong mapalingon sa pinto nang bumukas ito. Iniluwa nito ang nakangiting si Glenn na mabilis na lumapit sa akin. Inakbayan pa akong nito at sabay kaming umupo.

"Alam mo bang kung sinu-sino nang santo ang tinawag ko para lang makapasa ka. Pasensya na sa mga narinig mo kanina tungkol sa iyong Grimoire. Intensyon ko talagang hindi sabihi sa'yo ang mga balitang nakalakip dito." paghingi ng pasensya sa akin ni Glenn.

Umiling ako "Wala iyon Glenn, ang nasa isip ko ngayon ay masaya ako dahil nakapasa tayong dalawa at magkasama tayong tatahakin ang susunod na pagsusulit na ito. Huwag kang mag-alala magpasalamat na lang tayo sa Punong Maestro na nakapasa ako dahil sa kanya." nakangiting sagot ko sa kanya.

Maraming pumapasaok sa aking isipan ngayon. Naiintindihan ko ang paglihim ni Glenn sa akin tungkol sa aking Grimoire na limang bituin na nakaguhit. Ngayon ko lang din nalaman ang mga balita rito na hindi naman sinang-ayunan ng Punong Maestro. Ang isa pang bumabagabag sa utak ko ngayon ay ang huli niyang binaggit.

"Ang pinakamakapangyarihan na Grimoire sa buong mundo."

Agad akong bumalik sa realidad nang marinig kong tumayo ang babaeng Maestro mula sa kanyang kinauupuan. Suot nito ang isang roba ngunit makikita pa rin sa loob ang kanyang suot na mahabang puting damit kung saan nakaukit ang hugis ng kanyang magandang katawan. Kahit na may edad na ito, maganda ang mukha nito at may kakaibang tindig na para nagsasabing siya ang may otoridad sa loob ng kwartong ito.

"Maganda umaga at hindi ako magpapatumpik-tumpik pa. Ako si Maestro Wilhemina Carmen, ang Ikawalang Punong Maestro at kanang kamay ng Punong Maestro Illidan Morpheus. Ako ang gagabay sa inyo sa ikalawang pagsusulit ninyo." ma-otoridad na saad nito sa amin.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon