Chapter 9
TITUS
Kinabukasan, matapos naming makarating ni Glenn sa Kapitolyo ng Imperyo; ang mayamang bayan ng Quincy. Pansamantala kaming tumuloy sa isang maliit na kwarto sa isang bahay-upahan na malapit lang din sa Akademiya. Nakapagpahinga naman kami ng maayos ni Glenn at wala na rin kaming iba pang napag-usapan liban na lamang sa mga paalala niya sa akin na maaaring mangyari ngayong araw.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na tumayo mula sa iisang kamang pinaghihigaan namin ni Glenn, mahimbing pa ang tulog nito at mukhang pagod na pagod dahil sa ilang araw naming paglalakbay patungo sa bayan na ito. Mabilis kong hinawi ang mga kurtina upang pumasok ang pang-umagang sikat ng araw sa loob ng aming kwarto.
Napangiti ako, ito na ang araw na pinakahinihintay ito, ang araw na pinapangarap ko. Ang araw na palagi kong dinadalangin noon. Gaganapin ngayong araw ang pa-unang pagsusulit para sa mga katulad ko at katulad ni Glenn na nagnanais na makapasok sa Akademiyang iyon. Ito ang itinakdang araw ni Glenn na sa unang pagkakataon na maaari kong gamitin ang aking mga natutunan sa araw-araw namin na pagsasanay.
Unti-unti kong binuksan ang malaking bintana "Maraming salamat sa lahat ng tulong mo Glenn, hindi ko mararating ang lahat ng ito kung hindi dahil sa'yo." mahinang wika ko sa aking sarili.
Agad na humaplos sa aking mukha ang malamig na pang-umagang hangin. Buhay na buhay na ang bayang ito dahil marami nang tao ang naglalakad sa daan. Karamihan sa mga ito ay mga binata na iisang direksyon lamang ang tinutungo, ang daan papunta sa Akademiya na tanaw ko mula rito sa ikatlong palapag ng bahay-upahan.
"Handa ka ba Titus? Ito na ang araw na ninanais mo?" isang pamilyar na boses ang kumiliti sa aking tenga ang leeg.
Napabalikwas ako sa aking gulat. Napalunok ako ng mariin dahil ang bilis ng kabog ng dibdib ko sa pagkabigla. Magulo at halatang bagong gising ang itim na buhok ni Glenn. Muli akong napalunok ng makita ko ang kanyang katawan. Wala itong suot na anumang pang-itaas. Kahit na ilang beses ko ng nakita ang kanyang matipunong katawan, hindi ko pa rin maiwasan na mamula.
Nakakahiya ka talaga Titus! Kung anu-ano ang pumapasok dyan sa isip mo!
"Pulang-pula nanaman iyang mukha mo. Siguro may gusto ka sa akin ano? Tara na nga't mag-ayos na tayo para maaga tayong makapunta sa Akademiya." nang-aasar nitong sabi habang suot ang isang nakakalokong ngiti.
Matapos naming mag-ayos at kumain ng almusal. Sabay kaming naglakad ni Glenn patungo sa Akademiya. Marami kaming mga kasabay na mga binata na patungo rin doon. Talaga pa lang dinadayo ito kasi mukhang galing pa sa ibang bayan o sa ibang kontinente at imperyo ang mga nagnanais na makapasok dito. Mapapansin ang mga anak ng maharlika, makikita rin ang may mga kaya lamang sa buhay at masasaksihan naman na marami rin galing sa hirap.
Napakagat na lamang ako ng aking pang-ibabang labi dahil ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Hindi ko maiwasan na kabahan lalo na't ito ang unang pagkakataon na gagamit ako ng mahika galing sa aking Grimoire. Napakutkot na lang ako ng kuko dahil posibilidad na mangyari ang pumapasok sa isipan ko.
"Mukhang kinakabahan ang Titus ko ah." nakangiting wika sa akin ni Glenn habang nakaakbay sa aking maliit na balikat ang kanyang matipunong braso.
Napalunok ako at tumango "Hindi ko maiwasan Glenn, ito na 'to. Totoo ang lahat ng ito hindi ba? Hindi ito isang panaginip lang? Abot kamay ko na ang lahat." nakangiting sagot ko.
Tumawa siya ng mahina "Huwag kang mag-alala at kabahan. Ilang linggo ang binuno mo upang makagamit lamang ng mahika. Katulad ng mga habilin ko sa'yo, tamang konsentrasyon lamang ang kailangan. Huwag kang kakabahan habang gumagawa o gagamit ka ng mahika. Lagi mong tatandaan, ang lahat ng mahika sa mundong ito ang nanggagaling dito." dagdag paliwanag niya pa habang nakadikit ang dulo ng kanyang hintuturo sa aking kabilang dibdib.
BINABASA MO ANG
Grimoire Academy
FantasyTitus Alexius Constance. He's a dreamer and an idealist that someday will he have a magic powers like his parents. He worked hard every single day to prove to everyone that someday will he have his own Grimoire. He always joined the celebration in t...