Chapter 27

3.9K 243 64
                                    

Chapter 27


TITUS


"Ghorl congrats! Nasa top 10 ka! Iba rin talaga!" natatawang saad ni Ruhk sa akin habang marahan na hinahampas-hampas ang aking braso.

Napangiti na lamang ako nang mabasa sa talaan na nasa ika-sampu akong pwesto sa lahat ng estudyante ng unang baitang. Si Ruhk naman ay nasa ika-limang pwesto habang si Glenn ang nangunguna sa buong baitang namin. Isang araw lang matapos lumipas ang unang pamantayang pagsusulit.

Nagkukumpulan ang mga estudyante kaya naman umalis na kami roon ni Ruhk dahil ayaw na namin makipagsiksikan. Walang klase ngayon araw dahil mayroon kaming isang linggong pahinga bago muling buksan ang ikalawang bahagi ng unang semestre. Ang bali-balita ay magkakaroon daw nang pagtitipon mamayang gabi.

"Ghorl iba rin talaga ang mga homeboys mo. Isipin mo, iyong lalaking inis na inis sa presensya mo ang nanguna sa lahat ng estudyanteng sa ikatlong baitang." nakangising wika ni Ruhk habang naglalakad kami patungo sa hapag-kainan upang mananghalian.

Si Milo nga ang nanguna sa kanilang baitang. Kahit noong mga bata pa kami ay palagi siyang nangunguna sa larangan ito. Matalino si Milo at magaling din ito sa pggamit ng kanyang mahika. Kaya alam kong kayang-kaya niyang talunin ang mga estudyante ng Akademiyang ito.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hapag-kainan. Kakaunti lamang ang taong kumakain ngayon dahil wala naman klase. Kumuha lang kami ni Ruhk ng kanin at ulam at agad din kaming umupo sa pinakasulok na bahagi nito. May kalakasan ang hangin sa loob dahil na rin bukas ang malalaking bintana nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga katagang sinabi sa akin ni Milo kahapon nang mag-usap kami. Hindi ako halos makatulog kagabi dahil kakaisip kung bakit niya nasabi iyon. Buong akala ko ay ayos na kami lalo na't naging maganda naman ang trato niya sa akin noong binantayan ko siya.

Bumuntong hininga na lamang ako. Bakit kahit anong pilit ko na huwag na akong umasa na magbabago o maalala man lang ako ni Milo ay hindi ko magawa? Mayroon pa rin nagsasabi sa puso ko na kailangan ko pa rin manalig at maniwala na balang araw ay magiging ayos din ang lahat?

Masyado na akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Alam ko sa sarili kong siya pa rin ang laman nito ngunit sa loob ng ilang buwan kong pananatili sa Akademiyang ito ay parang mas lalong nag-uumapaw ito. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko at mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

"Hoy Ghorl! Ang dami ko nang talak dito hindi pa rin kumikibo dyan!" saad ni Ruhk habang punong-puno ng pagkain ang bibig.

Umiling ako "Wala, iniisip ko lang kung paano ako nakapasok sa listahang iyon." pagkukunyari ko.

Pinanliitan niya ako ng mata "Ito na nga ang sinasabi ko, si ay nasa ikatlong pwesto habang si Kisumi ay nasa ikaapat. Pero ang ikinagulat ko talaga ay si Io na nasa ikawalang pwesto." dagdag pa niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko "S-sino si Io?" nagtatakang tanong ko.

Marahan niyang tinapik ang kamay ko "Ghorl ayos ka lang? Siya iyong nagligtas sa'yo noong nahimatay ka! Saka siya iyong sinasabi ko sa'yo na nagsabi sa akin na nakita ka raw niyang nagpabalik-balik sa kwarto ni Milo! Iyong napakagwapong lalaki na may kulay puting mahabang buhok."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pala alam ang pangalan niya. Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Iniligtas niya ako noong kamuntikan na akong malaglag sa hagdan, tinulungan niya rin ako noong nawalan ako ng malay dito sa hapag-kainan.

Grimoire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon